CAPTURED 4

357 14 0
                                    

CAPTURED 4

Sumakit ang ulo ko kakaiyak kagabi. Langhiya, pagod na nga broken hearted pa. Bakit ko ba iniiyakan yung lalaking yun? Haist, nakakaiyak kasi yung kwento nila ni Celine! Yun yun. Basta mula kagabi wala na kong nararamdaman para sa lalaking yun. Kahit kakarampot na crush, binura ko. Erase, lock, tapon padlock sa dagat.

Bumangon ako ng maligaya at medyo refresh. Medyo lang kasi masakit nga ang ulo ko. Nagmadali na kong pumunta sa school dahil may ipapaprint akong portfolio na requirement sa isang subject. 25 pages din yun. Di pa pati ako kumakain.

Mag-aalas dose na ako nakarating. Diretso agad akong magpaprint. Iniwanan ko muna yung pinapaprint ko, sigurado akong akin uunahin nun ni Ate kahit wala ako. Malakas ako dun, e.

Naramdaman kong nagvibrate yung bag ko. Hinalughog ko cellphone ko habang naglalakad ako papuntang canteen.

"Kim" sagot ko.

"Asan ka, hoy?"

"Pa-canteen. Kararating ko lang ng school. Why?"

"Ay kabog, pa-why why ka na lang. Wala pa ko dyan, malapit pa lang. Bilhan mo ko ng pagkain ha?"

Binabaan nya na ako. Baliw talaga 'tong isang 'to. Dumiretso na ko sa canteen. Walang klase si Deia ngayon. Malamang tulog pa nga yun ngayon. Nagdadalawang isip pa ko kung ikukwento ko pa ba yung nangyari kagabi. Di na lang siguro.

Para makapag move on ako kaagad.

Hayst. Hindi ko akalaing magiging isa ako sa ilang milyong tao na nagmomove on kahit hindi naging mag-on. Sa ganda kong 'to?

"Babes!" napalingon ako at hinanap kung san nanggaling yung boses. Napaawang agad ang bibig ko nang makilala ko kung sino sya- sila. Si Kuya Papicture kasama ata ang buong nasa lamesa nila kagabi, at syempre sya.

"U-uy"

"Nawala ka kagabi. You promised me a selfie." Nakangiti nyang sabi. Kuya Paselfie na lang ang itatawag ko sa kanya.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi sya lingunin, even though I want to confirm if he's really looking at me like what I feel.

Ngumiti ako kay Kuya Paselfie. "Ah, sorry. Nakalimutan ko na. Sobrang pagod na kasi ako last night. Ahm, can I eat first? I haven't eaten breakfast yet"

"Really? Pwede ba kaming makisabay?"

Ang nangyari, parang ako ang nakisabay sa kanila. Napakaingay nilang magkakabarkada. Nasa pinakadulong upuan ako at buti na lang si Celine ang katabi ko, pero si Kuya Paselfie, na pangalanan na nating James, ang katapat ko. Pasimple kong nilabas ang phone ko at tinext si Kim kung nasan na sya?

"Babes!" isang matinis at eskandalosang boses? Definitely, Kim.

Kumaway sya sakin at walang hiyang lumapit kahit na may mga kasama ako sa lamesa.

"Hi, I'm Kim. Pinakamagandang kaibigan ni Babes." Nakangiti syang tumingin sakin. "Is this mine?"

Nahihiya akong tumango. Kinuha nya yung pagkain tapos walang pasabing umupo sa upuang bakante sa tapat ni Celine.

"OMG!!!" napapikit ako sa tili ni Kim hindi dahil sa tinis ng boses nya kundi sa kahihiyan. May malaki ba talaga kong kasalanang ginawa?

"Are you Kevin? As in Kevin Ong?"

Nakita kong nailang si Mr. Approachable guy. "Ah, yeah?"

"Pwedeng paselfie? Shocks! Patay na patay sayo yung friend naming isa. Maiinggit yun for sure"

Napatingin ako kay Grey. Nakita ko ang masamang tingin nya sakin habang dinig na dinig ang evil laugh ni Kim.

He cleared his throat. "Really? I heard she likes me, or is it you?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwalang tinanong nya yun.

"OMG! May boyfriend ako, noh. Si Deia yun. Crush na crush ka nun kaso itong si Babes kasi –"

Makuha ka sa tingin Kim. Makuha ka sa tingin. Nahagip ng mata nya ang tingin ko kaya nawala ang ngiti nya na agad naman nyang naibalik.

"Si Babes kasi masyadong maganda. He he. Tara, Babes ay este Kevin selfie tayo..."

Dahan dahan kong pinakawalan ang buntong hininga ko. Muntik na ko dun. Kailangan kong ilayo si Deia at Kim sa mga taong 'to. No, kasama ako. Pati ako dapat hindi na nila makita. Kaya pinagbigyan ko na ang utang kong selfie kay Kuya Pasel- James, na nauwi sa groufie.

I sighed loudly when I reached Ate's printing shop.

"Oh, bakit late ka na ba? Ito na oh, tapos ko na"

Hindi ko na sya tinama at nagpasalamat na lang ako. Tiningnan ko ang printed copy habang naglalakad. Akala ko sobrang dali ng buhay ng Fine Arts. I was so wrong.

Hinawakan ko ng maigi ang folder ng buong ingat. Napakaarte ng prof namin dito, ayaw makakita ng kahit isang lukot, dumi o sulat. Hinahagis nya yung project. Balak kong gumraduate with honors kaya bawal matuldukan 'to. Dito nakasalalay ang grade ko sa subject na 'to. Pwede na kong di mag-aral the rest of the sem kapag na-uno ko 'tong pro-

"Oh My!" sinubukan kong habulin kaso huli na ang lahat. Nasa lapag na sya. Nakapitan na sya ng ilang milyong bacteria. Nakapitan na sya ng dumi. Nanghihina akong lumuhod para damputin ang project ko. Ang project ko na pinaghirapan kong tapusin ng dalawang linggo. Ibinuwis ko ang buhay ko makuha lang ang lahat ng pictures na 'to.

Tiningnan ko ang relo ko. 5 minutes na lang time na. Aabot ba ko? Nasa 6th floor ako for goodness sake! Nanggagalaiti kong inangat ang tingin ko para makita kung sino ang dahilan ng nakikinita kong restless nights ko.

Mas lalo akong nanggalaiti nang makita ko kung sino.

"Ikaw! Alam mo ba kung anong ginagawa mo, ha?!"

"Ang arte mo. You can just pick it up"

Wow. Unbelievable. Dinampot ko ang project ko at hinarap sa kanya. "Yes! I can just pick it up. Pero eto nakikita mo ba 'to?" hinarap ko sa kanya ang page na maalikabok na. "Ayaw makakita ng ganyan ni prof. Abueva ! Ngayon ang pasahan nito!"

"Why are you putting the blame on me? Kung tumitingin ka sa daanan, maiiwasan mo ko"

Tumawa ako ng pagak. Hindi ako makapaniwalang naging crush ko 'tong lalaking 'to. Napakawalang modo. Kaya hindi talaga totoo ang love at first sight e.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. I think I should start studying now kung ayaw kong bumagsak. Inayos ko ang folder na hawak ko.

"Well, sorry." I said and got passed him.

100% jerk.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon