CAPTURED 29

213 11 7
                                    

Captured 29


"Okay, smile, change pose, chin up, okay good, fierce, fiercer" Di ko napigilang matawa sa pagkakasabi nya.

"Delo!" angal ko nang sunod sunod nya pa din akong kuhanan.

Si Delo ang isa sa mga photographer ng Litrato Photograpy, na kinuha naming magcover ng debut ko. Ayaw ni Mommy na Click'et ang kuhanin dahil dapat bisita sila sa debut. Nakausap naman na din daw ni Mommy si Sir Melki dahil baka magtampo, pero syempre cool na cool lang lang ang boss ko.

Well, it's nice na si Delo ang photog ko. Well, I like him. Sya ang kumuha ng pre-debut photos ko na sobrang sobrang awkward for me nung simula pero ang bilis kong nakagaanan ng loob si Delo. Sya din ang dahilan kung bakit hindi na ko masyadong nahihiya ngayon. Masyado na kasi akong kampante sa kanya.

"Ay bakla kaloka ka! Oh, look. Kahit nakanguso ka pak na pak! Ahitin ko yang kilay mo, eh"

Humagalpak ako sa sinabi nya. Aliw na aliw talaga ko pag nagsasalita sya. All out gay si Delo. Mahaba din ang buhok nya na kinulayan ng brown, pero mukhang professional pa din naman ang datingan nya.

It's the morning of the 26th, in short mamayang hapon na gaganapin ang debut. Kaya ngayon ay may photoshoot na naman ako around the venue. Iba ang suot kong gown kumpara noong pre-debut ko, at sa isusuot ko mamaya. Di ko na alam san pinagkukuha ng nanay ko 'tong mga 'to.

"Teka, asan na ba yung jowa mo? Dali at ng matikman. Charot! Francis!" Tawag nya sa isang kasamahan nila na kumukuha naman ng video habang nagppictorial. "Patawag naman ang fafa ng ating debutante"

Tapos na kasi kaming kuhanang pamilya. At hindi ko alam anong trip ni Mommy kung bakit may 'couple shots' pa kami ni Grey. Tuwang tuwa nga sya para don.

Mabilis namang sumunod yung Francis. Maya maya ay nakasunod na dito si Grey. Pinigilan kong mapanganga. Kaloka! Ang gwapo gwapo nya sa suot nyang itim na tuxedo. Kumportableng kumportable sya sa suot nya. He walks like he owns it.

"Ay ang yummy" rinig kong hagikgik ni Delo. "Lika na, pogi. Samahan mo na ang prinsesa"

Napakagat labi ako nang nakangiti syang lumapit sakin. Feeling ko nag slow motion ang lahat. Para kaming nasa fairy tale. Para syang prinsipe na lumalapit sakin, at ako naman ang pabebeng prinsesa.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong pumulupot ang kamay nya sa bewang ko.

"Pakingshet! Kinikilig ako sa inyo"

Tumawa ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Grey para itago ang mukha ko sa hiya. Ang ingay ng baklang 'to nakakainis.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Grey sa bewang ako at ang marahang paglapit nya sa katawan ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagkalat ng init mula sa tenga ko hanggang sa buong mukha ko.

"Go lang kayo dyan. Maglandian lang kayo. Wag nyo kaming kiberin here"

Grey chuckled. "What did he say?" Natawa na lang rin ako.

Kung ano ano ang pinagawa sa'min ni Delo. Pinaluhod si Grey sa harapan ko. Pinagtalikuran kaming dalawa. Pinaglayo. Ang daming ganap, jusko. Pero kahit pagod na pagod ako. Kilig na kilig naman ako sa mga pasimpleng hawak nya sakin sa kamay ko at sa bewang ko.

Kaloka chinachansingan na ko, masaya pa ko.

"Kabogera! Pasok ng pang pre-nup 'to mga besh." Natatawa at eskandalosang sigaw ni Delo habang tinitingnan ang shots nya.

"Ah!" pasalampak akong umupo sa isang bench sa gilid gilid ng resort. Wala na kong pakialam kung malukot yung gown. Upong upo na lang talaga ko. "Ang sakit na ng paa ko!"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon