CAPTURED 30

206 11 2
                                    

Captured 30


Ganun talaga siguro. Kapag sobra sobrang saya biglang may mangyayaring magpapaiyak sayo. Sobrang saya ko nitong nakaraan.

Lokong lalaki yun. Pinaramdam sakin na importante ako...na special ako. Akala ko... Akala ko may kami na. May pa milady milady pang nalalaman.

Pero itinaas nya lang pala ko para bitawan sa ere at hayaan akong bumagsak. Mag-isa.

Hayz! Bakit ako nagddrama, leche! I took a deep breath and pushed myself to smile while the emcee is introducing me. Ngumiti ako.

Napansin ko ang mga tingin ng mga kaibigan ko nang tawagin ako at si Buchoy ang kasama ko. Kunot ang noo ni Kevin, galit ang mukha ni James, nagulat at nagtataka sila Kim at Deia. Nginitian ko silang lahat. Assuring them na okay ako.

Hindi ko inalis ang ngiti sa mukha ko. Ngumiti, tumawa at nakipagkwentuhan ako sa mga lalaking nakasayaw ko.

"Babes, we're so sorry. Fck that assh0le. Bubugbugin namin syang lahat para sayo"

Tumawa ako. "Ang OA, Kevin. Nagpaalam sya sakin. Saka mas importante yun"

Mas importante si Celine, eh.

"Babes" he pities me.

Umiwas ako ng tingin dahil yan ang pinakahuling bagay na gusto kong maramdaman ngayon. Ngumiti ako agad nang makita na si James na papalapit. May maliit lang syang ngiti sa labi nya.

Bumuntong hininga ako at madramang sumimangot.

"Sisimangutan mo lang ba ko?"

"Are you okay?"

"Of courseeee! Ayaw mo nun, naisayaw mo ko tas sya hindi. Ipagyabang mo dun sa Grey na yun"

"Are you really okay?"

Pinalapad ko pa ang ngiti ko at hindi iniwas ang tingin sa kanya. "I'm okay. Naiintindihan ko yung rason nya" na kailangan sya ng mahal nya. Ugh. Magtigil, Baby!

"If I am on his position, I wouldn't do that what he did" nagtiim-bagang si James.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Pwede na kong mag-artista sa galing kong itago yung nararamdaman ko. Makapag audition nga sa Goin Bulilit. Hindi ko alam kung naniniwala ba silang masaya ako o pansin nilang nagpapanggap lang ako. I don't care. As long as they won't rub it on my face.

Sumayaw ako. Mukha namang naaliw sila dahil kung makatawa sila naghheadbang pa. Buti pa sila. Nagpaka Kpop ako sa Boombayah ng Blackpink. The night goes on. Kinausap ko ang mga bisita. Nagpapicture sa kanila.

"Oh, nasaan na si Grey, Bebang?"

"Naku, nagkabiglaang emergency po Tita, eh. Kailangan nya pong umalis"

"Ganun ba? Nakita ko pa nga yun kaninang nakaayos na. Sayang naman"

Isang maliit na ngiti na lang ang isinagot ko. Ayun ang naging sagot ko sa lahat ng mga kamag-anak at kakilalang nagtatanong kay Grey.

"Ate, nasan po si Kuya Grey? Iniwan ka po ba ni Kuya Grey? Bakit wala po sya?" nakangusong tanong ni Buchoy.

"May emergency si Kuya Grey, Buchoy."

"Ano pong emergency? Makakapunta pa po ba sya?"

"Basta. Hindi na makakapunta si Kuya Grey, eh. Next time na lang siguro. Punta ka na dun kay Mommy" utos ko sa kanya. Nginitian ko sya at ginulo ang buhok nya.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon