Captured 25
"Date? You, mean friendly date?"
I bit my lip. Nakatingin si Kevin at James kay Grey habang nag aantay sa tanong ni James. He asked Grey, not me. At hindi nya pa inaalis ang tingin kay Grey. I felt my palms sweating. Hindi ko pa nakitang sobrang seryoso ni James at lalo naman 'tong si Kevin.
I am tempted to just say yes, friendly date lang or sabihin na nagbibiro lang si Grey para matapos na. But before I could think what to say, nagsalita na si Grey.
"Yes. Date but no, it isn't friendly at all"
Napatungo ako. Babes, hindi ito ang oras para kiligin ka. I told myself pero ramdam ko pa ding uminit ang pisngi ko.
James blew a sound na hindi makapaniwala. I was hurt when I saw his disappointed and hurt face. Nakakakonsensyang makita syang nasasaktan. He's been so good to me. Nakakunot noo lang si Kevin habang nakatingin kay Grey. Wala syang sinasabi.
"And what about Celine? Are you cheating on her, huh?" bitterness is very evident on James' voice.
"No" Grey clenched his jaw and so did, James.
"Edi si Babes ang niloloko mo" Napapikit ako nang magmura ng malutong si James.
"Pre" pigil ni Kevin. His only word.
Napapitlag ako nang maramdaman ang paghawak ni Grey sa braso ko. "It's almost three, Bebs. Go to your class"
Interpretation: Umalis ka na muna.
Tiningnan ko sya sa mga mata asking if they'll be okay. Natatakot ako baka mamaya magsuntukan sila dito. He gave me a small nod kaya buntong hininga akong nag-ayos ng gamit at nagligpit.
"Una na ko" Wag kayong magsuntukan please. I wanted to add. Hindi ako tiningnan ni James pero tinanguan ako ni Kevin. I gave him a small smile, looked at James na hindi pa rin ako tinitingnan and gave Grey a soft tap on his shoulder before I left.
Hindi ako mapakali habang nagkaklase. Nasa kanila pa rin ang isip ko. Malay ko ba kung as of this moment, e nagsusuntukan na pala sila dun.
Bakit naman sila magsusuntukan? Wala namang dahilan, Babes. I tried to calm myself pero bumigat din ang dibdib ko nang maisip ang tanong ni James kanina. Kung niloloko daw ba ni Grey si Celine. Maybe, they vote Celine for Grey. I sighed. Sigurado naman yun. Ang tagal tagal na nilang magkakasama at magkakaibigan. They knew each other well. Ako lang naman 'tong epal sa love story ng mga kaibigan nila.
Arrrgh!
Hindi ko na pinigilan ang sarili kong itext si Grey. Jusko, para makampante na din ako.
Ano ng nangyayari?
Grey:
They left for class.
Oh? Anong sabi nila? Di naman kayo nagsuntukan no?
Hahaha. Stop being paranoid. We just talked.
About?
Stop texting during class. I'll sleep for a while. See you later. ;p
Huy!
At hindi na sya nagreply. Sighing, ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa prof namin. Atleast, hindi naman sila nagsuntukan.
Sobrang tagal ng oras! Pakiramdam ko 10 years ang katumbas ng tatlong oras kaya nang magdismiss ang prof namin halos magtatalon ako sa tuwa. Kanina pa nakaprepare yung gamit ko kaya nang lumabas ang prof namin, lumabas na din ako. And I stopped when I saw James leaning at the wall. Lumingon sya kaya nakita nya ako.
