Captured 35
"Here" umiling ako sa inaalok nyang panyo at tumalikod sa kanya paharap sa may bintana.
Maya maya'y, lumapat ang malalambot nyang kamay sakin at marahan akong pinaharap sa kanya. Pumapalag ako pero mas malakas sya kaysa sakin. Pero bakit di pa rin ako nasasaktan sa hawak nya?
Kinulong nya ang mukha ko sa mga palad nya. Nakatingin lang ako sa braso nya habang may tumutulo pa ding luha sa mga mata ko. His hand softly wiped my tears away.
"Why are you crying, hmm?"
Umiling ako. Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ulit ng mga bagong iyak.
"Tell me, baby. Why?"
"Wala nga" garalgal kong sabi. Pilit kong inilalayo ang mukha ko but I didn't win. "They're just so sincere and so inlove. Nakakatuwa lang. Ah, basta. Wala nga lang 'to. Feeling ko kasi nanonod akong movie tapos happy ending na."
He chuckled softly. Nakakainis! Bakit kahit tawa nya lang nakakakalma na? Inalis nya ang kaliwang kamay nya para kunin ang panyo na sya ng pinapamunas nya sa pisngi ko.
"Good thing your make up's not smudging. I forgot you're a crybaby"
Kinurot ko sya ng pino sa braso making him laughed harder. And then suddenly, our eyes were glued from each other. Unti unting nawala ang ngiti nya. Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko.
"Dmn, I missed you so much"
Biglang para akong napaso sa hawak nya kaya agad akong napalayo. I cleared my throat while putting my seatbelt on.
"Tara na. Baka malate na tayo sa reception"
~
Ramdam na ramdam ko yung amusement at iritasyon sa mga tingin ni Kuya Jeff sa amin ni Ate Cass nang hindi ako lubayan ni Ate Cass nang makita nya ko.
Masaya syang kausap lalo pa't we share the same passion. Napakarami naming napag-usapan about photography. And sobrang sweet ng boses nya at napakabait. Another Carmie.
"We have cinnamon cakes, Baby. Do you want ba-"
"Ate, she doesn't like Cinnamon." Kunot noong sabat ni Grey na nasa kaliwa ko.
"Really? Why?-" naputol ang sasabihin nya ng akbayan sya ni Kuya Jeff.
"Love, our friends are looking for you"
"Mamaya na Love. I'll talk to Baby muna. I just saw her today, eh" naiiling na lang na humalik si Kuya Jeff sa pisngi ni Ate at umalis.
"Ate, kawawa naman si Kuya Jeff oh" nguso ko sa kanya.
"Ha? Hindi yan" she said dismissing what I said.
"Kasal nyo 'to, Ate. Okay lang ba sayo na yung magiging memory mo sa wedding nyo, ako ang kasama mo at hindi si Kuya? Pinagtulungan nyong iprepare lahat 'to tapos sa mismong wedding you're not with him. I can be with you on the other days naman po. I can visit you, you can visit me. But this is a special day to the both of you. Sayang naman po. Ang sweet sweet nyo kanina and I wanted to have this kind of wedding someday, too"
Nabigla ako nang niyakap nya ko ng mahigpit. Sumisinghot singhot pa sya. Hala! Napaiyak ko ata. Huhu. Baka ipatapon ako ni Kuya Jeff. Di pa ko nakakakain ng maayos e.
"Thank you, Baby. You're an angel. I really hope my first baby will look like you and be kind as you. I'll see you later, okay?"
"Wow" tiningnan ko si Grey na sobrang lawak ng ngiti. "You really have your ways through your words."
