CAPTURED 2

461 19 0
                                    

CAPTURED 2

Debut pala ang event na pupuntahan ko (kinakalimutan ko talagang may kasama ako) at sa Fernwoods ang event. Eventually, kahit ang nanay ko ay bumigay sa charms ni Sir Melki kaya pumayag sya sa gig na 'to (na sana hindi na lang).

Ala una pa lang nasa hotel na kami na pinag-aayusan sa debutant para sa photo ops. Apat kaming naka assign ngayon. Dalawa para sa video at dalawa kami ni Greg sa photos. Sobrang ganda ni Ate, bagay na bagay sa kanya pangalan nyang Celine. Bakit kaya hindi Celine ang ipinangalan sakin ni mommy? Wala man lang kadating dating yung pangalan ko.

Babyleigh Ann Correa.

Mula bata pa ko pinahirapan na ko ng pangalan ko kakaexplain sa teachers, kaklase, at kung sino sino pa ng tamang spelling ng pangalan ko. Kaya nang mag highschool ako,"Babes" na lang ang pakilala ko. Madali pang i-spell. Dalang dala naman na ng mukha ko buong pagkatao ko.

Three o'clock ang official start ng program, at nine pm ang tapos. Nauna na ko pati si Anton, yung isang videographer, sa Fernwoods para kuhanan ang venue. Si Greg at si Novi ang naiwan sa hotel para sa photo ops ng debutant with family and closest friends. Mas magaan ang trabaho dito, walang nagbabantay sakin. Pupuslit kasi ako ng kain saglit. Gutom na gutom na ko.

Sinimplehan ko ang pagkain ng take-out burger ko habang nagpipicture ng buong venue, mula sa pagkain, tables pati ang ilang preparations. Dito na lang din kaya ako mag debut? Siguro babatukan ako ng nanay ko pag sinabi ko. Hindi kami mahirap at mas lalong kaya naman namin dito. Sadyang may lahing intsik lang ang nanay ko.

Nagsimula ng magsidatingan ang mga bisita kaya nagsimula na din ako sa pagtatrabaho. Kita ko ang paglingon nila sakin habang kumukuha ako ng litrato. Naririnig ko pang nagbubulungan ang ilan habang nakatingin o itinuturo ko.

Kaya mas gusto ko ang modeling gig kaysa sa ganto, e. Masyadong panghatak ng atensyon. Kaso, isang hamak na empleyedo lamang ako.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa pwetan ng pantalon ko. Itong iphone nga lang na regalo ni Dad muntik ng makipagpatayan nanay ko, e.

Napangiwi ako nang mabasa ang text ni Greg.

Babes, otw na kami ;)

Dumadating din sa puntong isinusumpa ko ang pangalan ko (eg. now). Kinikilabutan talaga ko kapag 'tong Greg na 'to tumatawag saking Babes e, and that kindat? Grr.

Maya maya nga ay dumating na ang debutante. Natibo ata ako ng ilang segundo sa sobrang ganda nya. Bagay na bagay ang red ball gown nya. Mukha syang prinsesa. Lahat ata ng tao na andito humanga sa kagandahan nya habang bumababa sya ng hagdanan. Grand entrance talaga. Nahiya naman ako bigla sa Black polo uniform namin, jeans at sneakers ko.

Nagpatuloy ang event. Same old happening. 18 roses, candles, and whatnots. I was capturing a table with group of teenagers (kaedad ko siguro) nang mahagip ng camera ko ang isang pamilyar na mukha.

Nanlaki ang mata ko at muntik ko pang mabitawan ang camera ko nang makita ko syang lumalapit. He's stunning on his tux. Mas lalo pa atang lumaki ang mata ko nang magtama ang paningin namin. Dug dug. Dug dug.

Tumalikod agad ako. Hindi nya ko nakikilala. Hindi nya ko naaalala. I chanted non-stop to calm myself. Lord, tadhana ba 'to? Langhiya, mukha na ata akong alipin sagigilid dahil kanina pa ko paikot ikot.

Mabilis akong naglakad palayo at pumwesto sa kung nasan si Greg.

"Palit tayo" mahina kong sabi. "Dun ka muna sa pwesto ko"

Nagtaka naman sya. "Bakit?"

"Basta, dali na..."

Fortunately, hindi na uli kami nagkita. Pero praning na praning ako dahil pakiramdam ko may nagmamasid sakin. Pasimple lang naman akong hanapin sya at hindi ko pa sya nakikita.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon