CAPTURED 37

206 9 3
                                    

Chapter 37


Hindi na ko nakapasok. Umiyak na lang ako ng umiyak. Nang hindi ko na makayanan dahil pakiramdam ko mababaliw na ko, tInawagan ko sila Kim at Deia. And with my cracked voice, magmadali sila sa pagpunta.

Nasa kwarto ako nang madatnan nila. Nakadapa at nakatulala. They came running and hugged me tightly kaya naiyak na naman ako. It took an hour to calm me down.

"Oh" tiningnan ko ang San Mig light na inaabot ni Kim at walang ganang inabot.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Deia sa nag aalalang tono.

And with that I told them what happened last night and earlier, crying again.

"Bakit ka umiiyak?"

"Kim!"

Nabigla ako sa tanong ni Kim. Binigyan ko sya ng nagtatanong na mga mata.

"Bakit kung makahagulhol ka dyan, kala mo ikaw yung naagrabyado?"

"Dahan dahan, Kim. Nasasaktan na nga kaibigan natin" lumapit sakin si Deia para yakapin akomula sa gilid.

Kim sighed. "Sorry pero I'll ask you Babes, bakit ka ba umiiyak?Hindi ko kasi maintindihan. Enlighten me."

Nanahimik ako. Inaantay ang susunod nyang sasbihin.

"Kaya ka nagalit kasi umalis si Grey diba? Pinili nya si Celine pero he explained that her son almost died. Wala ka na bang puso? Di mo ba naisip kung gaano kahirap yun para sa kanya? Base sa pagkakwento mo close kamo sya dun sa bata. Kung ikaw ang nasa kalagayan nya, at ibinalita sayo na mamamatay na, sino ang pipiliin mo?"

"It's not about the kid" galit kong sabi.

"Eh kanino? Kay Celine?" Patuya nyang sabi. "Ah. Oo nga naman. It's not about the kid. It's about your insecurities to Celine"

"Kim!" Deia warned.

"Hindi! Kailangang matauhan nitong kaibigan natin"

Kinagat ko ng mariin ang labi ko hanggang sa malasahan ko na ang dugo mula dito. Sobrang higpit din ng hawak ko sa boteng hawak hawak ko.

"Tama si Grey, Babes eh. Madaya ka. Hinihingian mo sya ng pagmamahal pero ikaw tong hindi makapagbigay. Ayoko kay Grey nung una dahil iniisip ko pinapaasa ka lang nya pero ikaw 'tong paasa sa inyong dalawa."

"Mahal ko sya!"

"Siguro nga." Umiling sya. Ayoko ng tingin nyang parang awang awa sya sakin. "Minahal mo sya kahit may mahal syang iba. Gusto mong patunayan na sa huli iiwanan ka din nya. Gusto mong patunayan na lahat iiwanan ka lang kagaya dati, diba? You're still not healed"

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Niyakap ko na ang bote ma hawak hawak ko. I felt Deia hugged me tight.

"If you deserved to be loved, Grey deserved to be trusted. Mahal ka nung tao, Babes. I've seen it. We've seen how he cried in front of us for forgiveness. Actually, hindi nya sinabing anak ni Celine ang pinuntahan nya, sayo lang. Kasi kami naniwala na kami sa sincerity nya. Ikaw, bulag ka. Hindi mo makita. We've seen how he accepted his friends' punches for hurting you. Susuntukin ka din ba dapat namin for hurting him?"

Yumuyugyog na ko sa pag-iyak. Wala ng katapusan yung pag-iyak ko. Pagod na pagod na ko pero yung mga luha ko parang walang kapaguran.

"Wer're here, Babes." Pag-alo ni Deia.

"We love you that's why I'm telling this. You need to get the whole picture, Babes. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. And really, you're the one inflicting pain. Ikaw ang nagpapahirap sa sitwasyon nyo, eh. Dahil lang sa di mo kayang magtiwala"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon