CAPTURED 19

216 12 2
                                    


Sobrang ikli and sobrang .... hehe. Bawi next chap!!! :D


Captured 19

"Babyleigh Anne Correa sinasabi ko sayo, tigil tigilan mo yang pinagagawa mo ah"

Napangiwi ako at agad nailayo yung cellphone sa tenga ko sa tinis at lakas ng boses ni Kim.

"Susuportahan ka naman namin dyan sa pagsintang pururot mo pero umayos ayos ka! Sa susunod wag na wag mo ng papuntahin yang si Grey twing disoras ng gabi! Ano na lang iisipin ng ibang tao? Nung mga kapitbahay mo? Pano pag nalaman nila Tita at Tito na nagsosolo kayo nung lalaking yung parati sa condo mo, tapos gabi pa? Di mo ba naiisip yun?"

Rinig ko ang pagbuga nya ng hangin. She's nagging me at the top of her lungs.

"Nanood lang naman kaming movie" I tried to reason out.

Napakagat labi ako nang marinig ko ang malutong na mura ni Kim. Huhu. Feeling ko nanay ko nagpapagalit sakin.

"Babes" si D eia, nakaconference call kasi kami. "You know naman na I ship you and Grey, di'ba? But I'm with Kim on this."

I sighed at mahinang tinuktukan yung ulo ko. Bakit kasi nadulas pa kong nagpunta si Grey kagabi sa condo. Mga 10 dumating si Grey kagabi. May bitbit bitbit na Chinese food. Wala naman talaga kaming ginawa bukod sa tinuloy namin yung Star Wars. Natapos namin hanggang part 8 kasi wala pa kong copy nung Last Jedi. Alas tres na ata kami natapos. Hindi naman sya natulog don, umuwi din naman sya.

Ang saya saya ko pa gumising kanina kahit na tatlong oras lang tulog ko, kasi nga uwi pa kong Bulacan but now I feel so bad.

I pursed my lips.

"Sorry na. I won't do it again, promise"

"Wag kang mangako. Gawin mo!" at binaba na ni Kim ang cellphone. I sighed, maya maya din naman magiging okay na si Kim kaso nagguilty talaga ko. At hindi ko alam kung bakit!

As much as I want to sleep, nakagawian na ng pamilya naming sama samang magsimba tuwing linggo. Mineet din namin ni Mommy ang organizers na nakuha ni Mommy para sa debut ko. Yung nanay ko lang naman nakakausap nila kasi pumipikit pikit na talaga ang mata ko.

"Mukhang puyat na puyat ang debutante, Madam" biro nung baklang organizer. Pilit naman akong ngumiti.

                        MONDAY at Wednesday lang ang kinuha kong load sa Click'et. Mangiyak ngiyak pa kong nagpapaalam kay Sir Melki, nirason ko ang pagiging Hell Sem ng sem na 'to at binalaan ko sila na wag ng magulat kung dumating ang araw na kinakausap ko na ang sarili ko tapos gulo gulo na ang buhok ko.

Pero ang pogi, sobrang generous at pogi ko uling boss ay tinawanan lang ako. "Napaka OA mo. Sige lang. Ako na bahala. Pumasok ka lang kung kailan mo kaya. Basta inform me"

Mangiyak ngiyak ko syang niyakap habang nagpapasalamat...tsansing na rin. Hehe.

At dahil nga sobrang generous ng boss ko, editing lang ang trabahong binigay nya sakin. Pabirong nagreklamo sila Greg.

"Ganda problems" I jokingly flipped my hair

Pero kinabukasan, nakatulala na naman ako. Malala na nga ata talaga ko. Natatakot na ko para sa sarili ko, ah. Simula pa lang ng second week. Katatapos lang ng first class ko pero drained na ko. Sinulit ng prof namin sa visual arts ang three hours nya. Nagpaquiz, nagpagawa ng output, jusko kulang na lang magpagame show sya.

My next class is in thirty minutes, isa pa ding berdugo si Prof. Sanchez. Yoko na! Prof. Abueva, I miss you!

Laking pasalamat ko nang nagkaroon ng meeting ang prof namin sa huling klase, kaya imbes na ala sais, ala singko pa lang dinismiss nya na kami. Nagmamadali na kong lumabas ng school. Gusto ko ng tapusin yung pinapaedit sakin ni Sir Melki para pwede akong makauwi ng maaga bukas at gawin yung requirement ni Prof. Sanchez.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon