CAPTURED 10

324 14 3
                                    

Captured 10


Have you ever heard of the saying 'Kapag iniiwasan mo magpapakita, kapag nilalayuan mo lumalapit'? Baka hindi pa kasi inimbento ko lang yan.

At ilang linggo (tatlong linggo to be exact) ko ng idinadaing yang imbentong kasabihan na yan kasi putspa ang ayos ayos na ng plano ko.

IWASAN SI GREY ANDY CHIVAS HANGGANG MAGSEMBREAK.

Pagkatapos naming magregister para sa seminar na aattendan namin sa Boracay nabuo ang plano sa utak ko. Plano ko ng kahit kadulu duluhan ng sapatos nya hindi ko makita pero pusang gala, ewan ko kung sino ang nananadya, e yung tadhana ba (yuck!) o si Grey na mismo.

At ewan ko din kung may lahing ninja ba ang lalaking yun dahil mismong sa kasuluk sulukan ng library, o sa kasuluksukan pa man ng school nahahanap nya pa din ako. Wala akong pwedeng pagbintangan dahil kahit hindi ko kasama sila Deia, nahahanap nya pa din ako.

Katulad ngayon. (Ugh!)

"Bakit ka ba nandito?" iritang tanong ko sa kanya.

Paano ba namang hindi ako maiirita, e dito na ko pumwesto sa tambakan ng mga upuan ng school (literally!) nakabuntot pa din sya sakin.

"I should ask you the same. Why are you here?" parang nandidiri pa sya habang iniikot ang paningin nya sa paligid. Jusq, napakaarte.

"E, kasi nga nag-aaral ako!" at lumalayo sayo.

"Here? Woah, kuta ata ng mga lamok 'to, e." to prove his point (at kaartehan) nagpagpag sya at pumatay pa ng lamok.

"E gusto ko ngang tahimik!!" nope. Hindi pa ko mangangain, promise. Hindi pa talaga.

"Not here. Let's go" nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang kamay ko (kamay ko!!) para itayo. Inalis ko din naman kaagad kasi nga, hello! May kuryenteng dala yung kamay nya.

I glared at him, both hands on my waist. "Please. Nag-aaral ako. May finals kami and I really really have to study."

Finals namin kay Sir Abueva, yung pinakamaarte yet pinakamagaling na prof namin. Dagdag pa sa dahilan kung bakit ayaw kong makita si Grey kasi nabbitter pa din ako sa kanya. Kung hindi nya ko binangga nung araw ng pasahan, sana exempted na ko sa finals. Nakahilata na lang dapat ako sa condo o kaya naman lumalamon na ko ng luto ni Mommy sa bahay.

"I know a place where you can study. I promise hindi kita guguluhin and the place is comfortable...not like this" in short, hindi katulad ng mga gusto kong puntahan.

Ilang beses nya na kong niyayaya sa comfortable place na yan at lagi akong tumatanggi. Hello, umiiwas nga, e.

Tatanggi pa sana ako kaso pinagsiklop nya ang dalawang palad nya, looked me in the eyes, using those eyes while saying "Trust me, please?"

Bahala na nga! At nang tantanan nya na din ako.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse nya habang bumabyahe kami. Ewan ko kung san nya ko dadalhin. Di na din ako nagtanong kasi ayoko sya kausapin. Madilim ang langit. Hanggang ngayon umaambon pa din, sana wag ng lumakas.

Tsk, sana pala sa bahay na lang ako nag-aral. Sana dumiretso na lang ako ng uwi after ng class ko kanina. Edi sana wala ako sa kotse na 'to ngayon. Sana hindi ako kinakabahan ng ganito. Sana hindi ko nalalanghap ang amoy ng lalaking 'to.

Namalayan ko na lang huminto na kami sa isang ...uh... coffee shop-slash-library? It is named Boo'k'fee. How original.

Nauna na syang bumaba so bumaba na din ako. Alangang antayin ko pang pagbuksan nya ko ng pinto?

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon