CAPTURED 44

178 11 5
                                    

Captured 44


Tinitigan ko sya ng matagal. I counted from one to ten. Nang magsampu na at nakatingin pa rin sya sa harapan nya, nagsimula na kong tumawa.

"Okay! You got me there! Best birthday bluff!!"

Natigil ang pagtawa ko nang magsalita ulit sya. "I'm serious, Babes" hinarap nya ako at tiningnan sa mata. He looks so serious. "Mahal kita"

Hindi ko na napigilang suntukin sya ng malakas sa sobrang inis at irita ko. "Hoy, ako tigil tigilan mo. Birthday na birthday ko pinapainit mo ulo ko! Anong trip mo sa buhay? Kung may problema kayo ng girlfriend mong Kana, wag mo kong dinadamay"

Tumawa sya na lalo ko pang ikinainis. "You really believed that story, didn't you? Gullible as ever" iiling iling nyang sabi. "I never had a girlfriend. Hindi ako naggirlfriend kasi babalikan kita. Ikaw ang mahal ko at masyado akong nakampante mahal po pa rin ako pagbalik ko."

"Umasa ako nung malaman ko na galit ka pa rin sakin. Baliw ko diba? But hate is a feeling. I thought deep down, you still love me. Pero kailangan mo lang palang ilet go ang galit mo sakin to move forward. Kaya ko rin biglang sinabi noon na may girlfriend ako. You're moving on and I'm still stuck. Stupid move, I know. If only...." And my heart started to break when I heard his voice crack.

"If only I was a little bit earlier. Kaso, huli na ko, diba?"

Nakatulala lang ako sa kanya. My heart's hurting for him.

"I'm sorry" mahina kong sabi.

"Don't be sorry, stupid" tumawa sya pero alam mong may halong sakit. Ginulo nya ang buhok ko. "Inutusan lang ako ni Mom, para daw makapag move on na ko sayo. Hindi ko balak guluhin yung relasyon nyong magulo. Gusto ko lang din sabihin so that I can finally let you go"

"Stephen..."

"Wag ka ngang umiyak! Ang pangit mo!" sabi nya sakin pero yumuko sya at hinawakan ang mga mata nya. Pag-angat nya, nakangiti na sya ulit. "But I'm happy for you. And ayos lang saking isuko ka sa kanya kasi kahit alam kong gago sya, mahal ka nya at napapasaya ka nya."

"Just remember that once he hurt you, my fist is always ready to kiss his face"

Suminghot ako para pigilan ang pagtulo ng sipon sa ilong ko. Bumuga sya ng malalim na hininga.

"Wag mo kong alalahanin. Maghahanap na lang ako ng chix sa Romblon. Hindi ko nga alam ba't ikaw nagustuhan ko, tsk, ako na ata ang susunod na dapat magpacheck up, eh"

"Loko loko!"

"Lika nga dito" he pulled me for a not-so-hug hug. Parang inaakbayan nya lang ako at niwwrestle neck. "Pero kung sakaling nagbago ang desisyon mo sa sinabi ko, sabihin mo lang ah"

"Stephen!"

"Joke lang!" Nakahinga na ko ng maluwag kahit papano dahil sa tawa nya. Alam ko pa ring nasasaktan sya pero siguro nga ito na yung oras na mag let go na sya.

"Hey, Alfelor! Your time is up!"

Napalayo ako kaagad nang marinig ang boses ni Grey. Baka naman mamisinterpret nito yung nakita nya. Kaso, your time is up daw. Nasuntok ko si Stephen nang murahin nya si Grey, kahit na pabiro pa yun.

"Nagbago na isip ni Babes. Wala na syang balak sagutin ka!" dagdag pang asar nang loko. Kita ko namang nagdilim ang aura ni Grey. Oh, no. Kinurot ko sa tagiliran si Stephen sa sobrang gigil.

"Don't believe him!"

Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Stephen sa pisngi. "Last na. Happy Birthday" mabilisan syang tumakbo palayo sakin habang humahalakhak, bago ko pa sya mahampas.

"That fcking bestfriend of yours is really pissing me off"

"Bunganga mo, hoy!" saway ko sa kanya. Baka bigla syang marinig ni Mommy. Di pa naman tinotolerate ni Mommy ang bad words.

Inakay nya ko pabalik sa swing. Hinila nya ko paupo sa tabi nya nang tumayo lang ako sa harapan nya. Walang nagsalita saming dalawa. Pinaglalaruan nya lang ang mga daliri sa kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay nya. Nakacast pa din ang kanang kamay nya pero base sa kanya di naman na daw masakit. Nagpupumilit na ngang tanggalin.

Nag-iisip ako kung pano ko sisimulang sabihin sa kanya ang sinabi ni Stephen nang may naramdaman akong nilagay nya sa kamay ko.

"Ano 'to?"

He smiled sheepishly. "Happy Birthday"

Kunot noo kong inaninag kung ano yung nakasulat sa papel na binigay nya sakin. At feeling ko lumuwa ang mga mata ko nang mabasa ko kung ano yun.

Ticket. Ticket sa Disneyland! Hindi sa Hongkong but the one in California!

"Oh my gosh! Seryoso ba 'to?" tumili ako sa sobrang saya.

"Yeah"

Hindi ko na napigilang dambahin sya ng yakap. "Omg! Thank you, thank you! Thank you!!!"

"Aww, babe careful" natatawa nyang sabi.

Napalayo agad ako nang marealize na may bali pa nga pala sya. "Hala, sorry. Sobrang sakit ba?"

"Nah. Nabigla lang" hinatak nya ako palapit ulit. Nasa kaliwang side nya naman ako kaya I just settled on hugging him on his waist.

"Wait, bago pala ko maging masaya, magpapaalam muna ko-"

Pinigilan nya ko sa pagtayo at hinapit ako ulit sa kanya. "I didn't buy those without their permission."

Napanganga ako sa sinabi nya at niyakap ulit sya nang mahigpit. Umirit ulit ako sa sobrang kilig, tuwa at excitement!! Omg! Disneyland!! Inalog alog ko pa sya na ikinatawa nya lang.

"Kelan 'to?"

"We'll fly after the New year party"

Tumawa ako, nakayakap pa rin. "After your birthday party"

Mas lalong lumakas ang tawa ko nang umungot sya. Ayaw nya talagang irecognize na birthday party nya yun. For him daw, that day's not for him but for the whole family.

Hayz, sobrang dagdag pogi points na naman tong future boyfie ko.

"I love you" nakangiti kong sabi sa dibdib nya habang nakayakap pa rin sa bewang nya.

I felt him kissed the top of my head. "I love you more"

Hinigpitan ko lalo ang yakap ko, he did the same too. Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso nya, it's matching my heartbeat.

"I'll confess something"

Bahagya kong inangat ang ulo ko para silipin sya. Sinalubong nya ang tingin ko kaya nakayuko sya nang bahagya.

"I kinda hoped and wished na mabigla ka and you'll finally say yes" tumawa sya sa inamin nya as if that's the most embarrassing thing.

"Sorry" I said sincerely.

Nalusaw naman ako sa ngiting ibinalik nya sakin. "Your yes is worth even a thousand year, baby"

Para namang sumabog ang puso ko sinabi nya. Wala na! Di ko na talaga papakawalan 'tong lalaking 'to. Sumiksik ulit ako sa dibdib nya. He's mine anyways!

"Your birthday's over, baby"

"Sabi ni Stephen, mahal nya pa rin daw ako"

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa braso ko. "I know. Everyone with eyes will see how he's still deeply in love with you"

Of course, he knew. May basehan pala yung mga pagseselos nya. "So, wala akong mata ganun?"

He chuckled. "And I'm lucky you're too blinded loving me"

"Ang kapal mo ha!" napaigit sya sa paghampas ko sa tyan nya.

"I just hope he'll find someone who will love him equally"

"I'm sure he will. We're meant for someone, anyway. Unfortunately for him, you're meant for me"

Natawa ako sa kakesohan nya. Di ko kinaya! "Ikaw ha! Ang cheesy mo ngayon!"

"Baka lang sagutin mo na ko"

"Baka"

Util.pf

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon