CAPTURED 14

252 12 2
                                    

Captured 14


Bandang ala sais ng hapon nagpaalam na si Grey sa mga kasama namin na babalik na "kaming" hotel. Yep. Without asking me.

"Agad? May party mamayang gabi punta kayo, bro" sabi ni Chito, na kabro na ni Grey, sabay tingin sakin habang nakangiti. Nawalan na sya ng mata pero gwapo pa din.

May tatlong posibleng dahilan kung bakit gusto nya na bumalik. One, natatae na sya, two, tinatamad na sya makipag-usap and three Celine Time. Mas malakas ang kutob ko na pangatlo. Jusko, ala sais pa lang ng umaga sa New York, mag-uusap na sila?

Pake mo ba, girl? Sabi ng atribida kong isip. Oo nga, paki ko ba?

"Pass muna, bro. Maybe some other time? Have an important call e"

Oh see? The correct answer is number three!

"Ikaw ba, Baby?" ayan na naman ang colgate smile ni Chito. Sasagot na sana ko na di ko pa sure kasi titingnan ko pa kung sasama sila Vina pero naunahan na ko ni Grey.

"Sorry, bro she can't. Bilin ng mommy nya sakin wag ko daw sya papuntahin kung hindi ako kasama" he said in a friendly way.

Di ko alam kung maiinis ako or what e. Pero kinilig ako in some ways haha landi! But knowing my mom, I guess she really did say that. Sunod sunod na lang tayo. Sabi nga nila sundin ang utos ng magulang, para makaulit.

"Ang aga naman ng phone date mo? Ala sais pa lang ng umaga dun ah" pasimple kong tanong habang naglalakad na kami pabalik.

"Nah, every seven o'clock usapan namin. I just want to take a bath first. Why? Do you still want to stay there?"

"De, ayoko na din. Higang higa na ko. Gusto ko na matulog."

"Good. I won't allow you too." Nakangisi nyang sabi.

"Wow, ano ka tatay ko?"

"Nope. Sugo ako ng mommy mo dito"

Humagalpak ako sa sinabi nya. Kakaiba talaga kapag sa kanya nanggagaling yung mga ganung words. Hanggang sa pagkarating sa hotel nagtatawanan pa din kami. Hinatid nya muna ako bago nagmamadaling umalis kasi di namin namalayang 6:30 na pala.

Pagpasok ko sa room, nagulat ako dahil may kanya kanyang hawak ng bote ng San Mig ang mga ka suitemates ko at may bote pa sa table. Even Carmie. Oh, my sweet Carmie huhu.

"Oh, hi Babes" nakangiting sabi ni Carmie sabay tungga sa bote.

"Hala, anong meron?"

Nagtawanan sila.

"May broken hearted kasi dito" tumatawang sabi ni Krista sabay nguso kay Vina.

Nanlaki naman ang mata kong sabay turo kay Vina. "Ikaw?"

Inisip ko yung itsura ni Vina kanina nung nagkita kami kung may hint ban a broken sya. Kaso jusme, yung opportunity wisdom nya lang ang naalala ko. Bigla naman tuloy akong naguilty, di ko man lang napansin na may pinagdadaanan to.

"The heck! Broken nyo mukha nyo. Masamang gusto lang uminom?" irap ni Vina sabay tungga.

Naglakad ako papunta sa bed ko na katabi ng bed ni Vina para mang interrogate.

"Whoos, we don't believe you. Babes oh" tiningnan ko ang inaabot ni Krista na bote. Ngumiti ako sabay iling.

"Minor here"

"Really?/ Weh?" were their reactions.

"Y-E-P. Yep" I answered pagkaupo ko sa kama ko. "Sa December pa ko magbbirthday, 23. Balak ng nanay ko magpaparty so I'm inviting you three"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon