-12-

392 11 0
                                    

..

Caile

"How's that boy?" Tanong ko kay Samuel pagkarating namin ng office.

Napapatanong parin ako kung bakit biglang sumulpot yun sa daan, mabuti na lang at naka-preno agad itong si Samuel kung hindi ay siguradong pinaglalamayan na yung maliit na yun.

At hindi ko rin alam bakit nandon si Engr. Cuerto at mukhang magkakilala pa sila.


"I just got update from Engr. Cuerto, nakalabas na raw po ng hospital yung lalaki at pabalik na raw po siya ngayon sa company." Sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ba niya nabanggit bakit sila magkakilala?" Tanong ko, nakakunot ang noo.

Umiling naman si Samuel, "Hindi, boss." Sagot niya na ikinatitig ko muna sa kaniya bago ako pumitik sa hangin.

"Right! Why would I be curious about them?" Kausap ko sa sarili ko at inabala na lang ang sarili sa pipirmahan ko.


Marami akong dapat iniisip na importante bakit ba iniisip ko pa ang relasyon nung dalawang yun? Engr. Cuerto doesn't have any connection with me nor that shorty guy.

Why am I bothered, anyway? Siya yung tanga na bumunggo sa kotse ko diba? Dapat nga magbabayad siya dahil sa damage na nagawa ng bulok niyang bicycle sa aking kotse! Tama! Dapat talaga pinagbayad ko yon!

"Uhh boss?" Dinig kong tawag ni Samuel na ikinatingin ko rito habang nakataas ang kilay.

"What?" Tanong ko, wala parin sa tamang wisyo.

"Yung pinipirmahan niyo." Saad niya na ikinatingin ko agad sa papel.

Natigilan ako nang makitang nag-leak na ang tinta ng ballpen na gamit ko at puro stain na ang papel hanggang sa ilang patong ng papel ang na-mantiyahan. Napakurap ako at tumikhim saka inayos ang papel at inabot sa kaniya.

"Distribute it to them and tell them to create another one, they can submit that 3 days from now." Sambit ko at nagtataka namang tumingin at tinanggap ni Samuel ang inaabot ko.

"Sigurado ka boss? Hindi mamaya?" Tanong niya sa naniniguradong tono.

Tumaas ang kilay ko, "Do you question my decision? Or do you want me to make it after an hour?" Irita kong tanong na kaagad naman niyang ikinailing at nagpaalam na aalis na siya.

Bumuntong hininga ako at napailing. Kasalanan ko naman yung kung bakit nadumihan kaya binigyan ko sila ng 3 days due, mahaba na yung palugid na yun wag na silang mag-reklamo.

Pero kung iisipin yung Daniel na yun ang may kasalanan bakit nadumihan ang mga documents na yun. Tama! Yung maliit na yun ang may kasalanan.

Bumakas ang ngisi sa labi ko at kinuha ang telephone sa tabing bahagi ng lamesa ko at tinawagan si Samuel.

"Bring back that documents and call Engr. Cuerto, I need to talk to him." Sambit ko pagkasagot ni Samuel nang tawag at hindi ko na hinintay pa ang sagot nito saka ko ibinaba ang call.

I have satisfied smile on my lips after I said that. Tingnan lang natin kung hindi mo maranasan ang hirap ng mga empleyado ko, ikaw ang may kasalanan bakit nadumihan yun at made-delay ang pagpipirma non.

Makalipas ang ilang saglit ay kumatok si Samuel bago pumasok na kasama na si Engr. Cuerto. Itinuro ko ang bangko sa harapan ng lamesa ko para doon um-upo ito.

"Ano ho iyon, Sir?" Tanong agad ni Engr. Cuerto pagkaupo niya.

"I need you to call that shorty guy in this office because he needs to do something for me." Sagot ko agad sa tanong niya at nakita ko ang pagtatanong sa expression niya.

"Sir? Bakit ho?" Tanong nito na ikinataas ng kilay ko.

"What do you mean by "bakit?", Hmm? He needs to pay for the damage of my car." Sambit ko at napansin ko ang pagtingin sa akin ni Samuel na mukhang gulat pa habang itong kausap ko ay nakangiwi.

"It was an accident, sir—" I cut him off.

"Accident or not, it's still a damage. Now, after your duty. Tell him to come here early tomorrow, understood?" Saad ko gamit ang seryosong mukha, "Get out." Pagtatapos ko nang usapan at sumandal na sa swivel chair ko.

Napatitig pa muna ito sa akin at nang mapansin kong wala siyang balak na umalis tinaasan ko na siya ng kilay na nagbigay sa kaniya ng sign para kumilos at lumabas ng office ko.

"Is this really a payment for the damage of the car, boss?" Tanong ni Samuel pagkasara nung pinto ng office ko.

Tumingin ako sa kaniya ng seryoso, "Yes, what else?" Tanong ko at umiling na lamang ito.

Napatingin ako sa kawalan habang isinesenaryo ang paghihirap nung maliit na yun. Sumagi rin sa isip ko na kapag nagawa niya ito nang hindi siya nahihirapan, I might think about his application, again.

But, I doubt it. Since, he's just a high school graduate, he doesn't have any experience in this kind of field. Masyado pang hilaw ang isip niya sigurado.







Zayche

Nakakunot ang noo kong lumabas ng office ni Sir Caile. Hindi ko maintindihan bakit pinapapunta niya si Daniel dito bukas. At anong kabayaran ang tinutukoy niya? Saka kung papabayaran naman pala niya yung damage sa kotse niya bakit siya pa ang nagbayad ng hospital field ng Sungit na yun? Minsan talaga di ko maintindihan ang hulma ng utak ni sir.


"Ano? Bakit daw?" Bungad sa akin ni Chloe na may hawak pang kape galing sa pantry.

"Pinapapunta rito si Daniel bukas." Sagot ko na ikinakunot ng noo ni Chloe.

"Ehh? Bakit nga raw?" Tanong niya ulit kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ko nga alam! Iyon lang ba isasagot ko sayo kung alam ko? Chloe naman, h'wag ka na dumagdag sa isipin ko." Pagsusungit ko rito kaya nakatanggap ako sa kaniya ng hampas ng dyaryo.

Sakit non sa part ng buhok ko!

"Piste ka! Nagtatanong nang maayos! Ano na naman kaya yung naisipan nung may saltik nating boss? Alam namang naaksidente yung tao." Naiiling na saad ni Chloe na ikinatango ko, "Oo nga pala, kumusta yon? Dami ko kasing nagawa kanina at marami pa akong ginagawa ngayon kaya hindi ako makapunta sa kaniya." Simangot ni Chloe.

"Ayon maayos naman na, sinusungitan na naman nga ako." Nakasimangot kong sagot na ikinatawa niya.

"Ikaw raw kasi may kasalanan, kung hindi ka ba naman tanga para takutin yun!" Patawa tawa niyang saad na sinamaan ko nang tingin.

"Kasalanan mo kasi!" Asik ko na ikinatigil niya.

"Aba! Bakit ako nadamay?" Tanong niya.

"Pangit mo kasi!" Sigaw ko at mabilis na nanakbo sa department ko habang siya ay gigil na gigil na dinuro ako, inilabas ko lang ang dila ko para asarin siya lalo na ikinatawa ko naman nung pinakita niya ang gitnang daliri niya.



______<12>______

a/n : sorry for the late update guys! I've been busy kasi may work na ako, tapos may class pa:( try ko mag-update once a week from now🫶

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon