..
Daniel
Habang byahe ay tahimik lang ako sa sasakyan niya. Siya mismo yung nagd-drive, napatanong pa nga ako sa sarili ko kung bakit wala siyang driver pero mukhang nabasa niya yung mukha ko at ang sabi ba naman sa akin.
"This is my personal thing, ayoko naman istorbohin ang tauhan ko kung kaya ko naman."
Makabuluhan ang sinabi niya at medyo na-amaze ako sa kaniya kasi may pake naman pala siya sa ibang tao, hindi niya lang siguro kaya o alam i-express iyon. Saka kung hindi ko lang alam ang ugali nito ay mapagkakamalan ko siyang sagad sa buto ang bait.
May maamo siyang mukha at sobrang gwapo, aakalain mong fresh from fictional world to eh! Yung golden brown eyes niya! Napakaganda, lalo na kapag nasisinagan ng araw.
"You make me question myself." Sabi niya kaya napakurap ako at tinanong siya.
"Ha? Ano yon?" Nagtataka kong tanong.
Sumulyap siya sakin saglit bago ibinalik ang tingin sa daan, "You keep on looking at my face, am I that handsome to be stared at?" Tanong nito na ikinakiling ng ulo ko.
Hindi ko alam kung nagtatanong lang siya or nagyayabang na. Wala ring emosyon ang boses niya kaya di ko malaman. Hindi ko naman masasabing nagyayabang at mahangin lang siya dahil totoo naman yung sinabi niya.
"Napapatanong lang ako sa sarili ko." Simpleng sagot ko na lang at ayaw kong magtalo pa kami sa walang makabuluhang bagay dahil kahit anong mangyari gwapo naman talaga siya.
"Like what?" Tanong niya at dinig na dinig ko ang curiosity niya kaya napangiti ako.
"Bakit ang gaspang ng ugali mo sa iba eh mabait ka naman." Direktang sabi ko at gulat pa akong napahawak sa seatbelt nang lumiko ng kaunti yung kotse, mukhang nagulat siya sa naging sagot ko.
"Wow, I've never met someone who's direct to the point with innocent intention." Sabi niya at kita ko ang pagkamangha talaga sa mukha niya.
"Masama ba iyon?" Tanong ko sa kaniya kaya napataas ang kilay niya at tumingin sa akin.
"Not really. I'm just new to that act since i'm surrounded by plastic and two-faced bitches." Sabi niya at natawa naman ako sa huling sinabi niya.
"Sa industriyang ginagalawan at inaapakan mo? Hindi nawawala ang mga plastic at tuso diyan lalo na't pera ang diyos niyo. Hindi ko na lang ikapagtataka kung sunod sunod ang krimeng nagagawa niyo dahil lang sa kapangyarihan at pera." Makahulugang sabi ko dahil logically tama naman yung sinabi ko.
Sa dami kong nababasa at napapanood tungkol sa business industry, marami ang buhay ang nasisira. May mga fixed or arrange marriage pa nga ang nagaganap sa anak ng mga negosyante. Marami ring illegal deeds ang nagagawa nila para lang mapanatili nila ang kapangyarihan at pera nila.
"Ang lalim mo magsalita, base on experience ba yan?" Tanong niya at minaneobra ang manibela dahil lumiko ang sasakyan niya.
"Anong base on experience? Mukha ba akong mayaman? Mukha bang maraming pera to?" Sabay turo ko sa mukha ko, "Malawak lang ang pang-unawa ko at sa dami kong nababasa at napapanood na teleserye o balita, palagi namang bida ang pera, madalas namang pera ang pinagsisimulan ng kwimen, hindi ba?" Saad ko pa at tumingin sa kaniya na napasulyap din sa akin.
Saglit lang siyang tumingin sa akin bago tumango tango na parang sang ayon sa mga sinabi ko. Hindi na siya nagsalita pa kaya hindi na rin ako nagsalita. Sa loob loob ko masaya ako kasi ito ang unang seryosong usapan ang naganap sa pagitan namin ni sir Caile.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AzioneMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...