-28-

250 7 0
                                    

..

Daniel

Nakatayo lang ako rito sa labas ng hotel na sinabi ni Kevin na ito raw yung venue ng party. Hindi ko alam kung papasok ba ako dahil feeling ko nagmumukha akong dukha talaga rito kung pangkaraniwang suot ko lang ang susuotin ko rito, kahit siguro yung maganda ng damit ko kung ikukumpra rito ay mas maganda pa yata pamunas ng cr nila rito.

Nakatayo lang si Kevin sa tabi ko habang pasensyadong naghihintay sa akin, wala rin naman siyang magagawa dahil ito utos ng boss niya.

"Hindi pa naman 9pm, ano?" Tanong ko kay Kevin at tumingin sa kaniya.

Umiling siya pagkatingin sa relo niya, "May ilang minutes pa, sir, pero nasa loob na si boss." Sagot niya sa akin na ikinangiwi ko.

"Kinakabahan kasi ako." Sabi ko at tumingin sa entrance ng hotel at nakikita kong may napapatingin sa akin, naco-conscious tuloy ako sa sarili ko kung hindi ba maganda kinalabasan ng suot ko.

"Don't be."

Napabaling ako sa nagsalita sa tabi ko at nakita ko ang isang lalaking naka-masc, ang elegante ng mascara niya, itim ito at may pakinang kinang pa, siguradong mahal yon.

Napatitig ako sa mata niya at may napansin akong kakaiba pero hindi ko ito matukoy. Para kasing ang familiar ng mukha niya pero di ko maalala kung nakita ko na ba siya, pero kapansin pansin ang mapupula niyang labi.

"Ah sino ka?" Tanong ko at napatingin kay Kevin na humarang sa harapan ko.

Natawa yung lalaki sa naging reaction ni Kevin, "Chill, I won't do anything. I just want to help him lessen the nervous." Anito pero hindi nagpatinag si Kevin kaya sumingit na ako dahil hindi ko naman nararamdamang masamang tao siya.

"Okay lang, Kevin, hindi naman siguro siya gagawa ng masama sa harap ng maraming tao." Nakangiting sabi ko at hinawakan ang braso ni Kevin.

"Sigurado ba kayo, sir Dan?" Tanong ni Kevin kaya nginitian at tinanguan ko siya.

"Hindi ka naman siguro aalis sa tabi ko?" Tanong ko sa kaniya kaya napatango siya at tumabi sa gilid ko.

"I like the way you think, that's nice." Sabi nitong lalaki kaya sa kaniya na ako napatingin, "By the way, let me introduce myself. You can call me Mr. Black, nice to meet you..." Aniya at inilahad ang kamay niya para sa shake hands.

"Daniel. Nice to meet you too." Nakangiti kong inabot ang kamay niya at pagkahawak ko palang nito ay lalo akong napatitig sa kaniya, may something na familiar talaga sa kaniya.

"Anyway, if you still feel a bit nervous. You can wear this." Sabi ni Mr. Black at inilabas ang isang itim na face mask, para itong katulad nung suot niyang eye masc.

Simple but elegant ang dating nung face mask kaya kinuha ko ito at nginitian siya.

"Thank you. Kita na lang tayo sa loob if may chance na magkausap tayo, mas maigi." Sabi ko sa kaniya at isinuot ang face mask, bagay rin ito sa suot ko kaya mas maganda. Naging mysterious ang dating ko.

Tumango naman siya at ngumiti, "See you." Aniya at tumango muna siya sa amin ni Kevin bago naglakad papasok ng hotel.

Humarap ako kay Kevin para ayain siya pumasok sa loob pero napakunot ang noo ko dahil nakatitig si Kevin sa likuran ni Mr. Black habang papasok ito sa loob.

"Huy, Kevin!" Tawag ko rito kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"Ano ho iyon?" Tanong niya kaya napatingin ako sa entrance ng hotel, wala na ron si Mr. Black kaya tumingin ulit ako sa kaniya.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon