..
Daniel
Pagkasakay namin sa kotse ni Mr. Black ay kaagad itong sumenyas sa driver na agad namang tumugon at pinaandar ang kotse. Nagtaka ako at saka napatingin kay Mr. Black upang magtanong sa kaniya.
"Ano to? Akala ko ba rito lang tayo mag uusap?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang seryosong mukha niya.
"Huwag kang mag alala, pupunta lang naman tayo sa isang pribadong lugar para roon mag-usap." Kalmadong sabi nito pero hindi ako naging kalmado dahil unti unti na akong nakakaramdam ng kaba.
Umiling ako, "Sabihin mo sa akin kung saan tayo pupunta." Mariing sambit ko kaya napatingin siya sa akin.
"Kahit sabihin ko sayo ay hindi mo rin naman alam ang lugar na iyon." Saad niya.
"Mas maigi na iyong alam ko dahil baka kung ano pang gawin niyo sa akin." Nababahala kong sabi at nagtingin pa ako sa labas ng bintana para maghanap ng palatandaan sa kung nasaan kami at kung saan papunta ito.
Natigil ako sa pagtingin tingin sa labas dahil sa narinig kong pagtawa ni Mr. Black kaya napatingin ako sa kaniya.
"Akala ko ba nagtitiwala ka sakin?" Tanong niya at tiningnan ako ng seryoso niyang mata.
Napatitig ako saglit sa mata niya, "Pero sa ginagawa mong ito ay di ko magawang maging kalmado, lalo na't hindi ko gusto malagay sa kapahamakan ang anak ko." Balisang sagot ko sa tanong niya at nagulat pa ako nang bigla siyang umayos ng pagkakaupo niya at makikita ang gulat sa kaniyang mata.
"Anong sabi mo? Anak mo? What do you mean?" Sunod sunod niyang tanong kaya nakaramdam ako ng hindi pagkakomportable.
Umiwas ako ng tingin, "B-buntis ako." Sagot ko sa tanong niya, pilit kong iniiwasan ang tingnan siya dahil natatakot ako sa reaction niya.
"Kung ganon, mas mabuti nga talagang makilala mo na ako ng lubusan." Narinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya na may kunot sa noo ko.
"Ha? Bakit? Teka, hindi ka ba magdududa sa sinabi ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Hm? Why would I? Sa panahon ngayon marami na ang possibleng mangyari sa isang tao." Sagot niya kaya napaawang ang labi ko.
"Pero ano yung sinabi mo na mas mabuting makilala na kita ng lubusan?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko naman ang interesadong mata niya.
"I'm sure Caile is its father, right?" Tanong niya kaya nagtataka akong tumango, "See? Your baby should meet its uncle." Dugtong pa niya at may paghawak pa siya sa dibdib niya.
Naikiling ko ang ulo ko pagilid at naguguluhang tinanong siya, "Uncle? Ikaw?" Tanong ko sa kaniya at narinig ko naman ang pagtawa niya sa loob ng maskara.
"Wait." Aniya at nakita kong tumaas ang kamay niya papunta sa likod ng ulo niya kung saan nandoon ang tali ng maskara niya at unti unti niya itong tinatanggal, "I want you to know me so you can rely on me in anything—"
"Caile!?!?" Natigil siya sa pagsasalita nang napasigaw ako matapos niyang matanggal ang masakarang suot niya, "Hindi—hindi ikaw si Caile...pero kamukha mo siya, teka—sabi mo uncle, edi kapatid ka ni Caile? Pero ang alam ko bukod kay Clyde wala na siyang kapatid." Gulong gulo ang isip kong tanong sa kaniya dahil sobra akong naguguluhan dahil kamukhang kamukha ni Caile itong kaharap ko.
Nakita ko ang pagtawa niya habang inaayos ang nagulong buhok niya, "Hindi ako si Caile—" hindi na naman natapos sasabihin niya nang mapasinghap ako.
"Ka-boses mo rin siya! Pero bakit iba boses mo nung naka maskara ka pa??" Tanong ko na naman sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa.
"I-kalma mo, Daniel. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat. But, first, let me introduce myself." Sabi pa niya at saka ngumiti, "I'm Cole Navo dela Fuente. Twin brother of Caile. You can just call me Cole." Pagpapakilala niya at nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Cole? Akala ko ay patay ka na?" Tanong ko sa kaniya at marahan naman siyang ngumiti sa akin at umiling.
"That's everyone knew but nope. I'm not dead, I'm still alive and breathing. Caile doesn't know anything, after what he did to me back then. Clyde's biological mother saved me from death..."
Matiyaga akong nakinig sa kaniyang kwento. Grabeng impormasyon ang nalaman ko mula sa kaniya, ang dami daming katotohanang nalaman ko. Nalaman ko ang katotohanang hindi alam ni Caile.
Nang matapos si Cole sa pagk-kwento kung paano siya nabuhay matapos ang ginawa sa kaniya noon ni Caile. At nakita ko rin ng malinaw ang malaking peklat sa kaniyang kaliwang mukha na natatakluban ng kaniyang mahabang buhok.
"Kaya pala noong nasa party tayo familiar ang presensya mo, yun pala kakambal ka ni Caile." Nalilinawan kong saad sa kaniya kaya tumango siya.
"Mukhang kilala mo talaga ang kapatid kong iyon ah?" Nakangiti niyang tanong at nag-ayos ng buhok.
"Ewan ko kung kilala ko ba talaga siya. Ang daming impormasyon ang meron siya na hindi ko alam. Sabagay, wala naman kaming label para ipaalam niya sa akin ang buong kwento ng buhay niya." Mapait akong ngumiti nang sagutin ko siya.
"Geez! Hindi ko nga alam kung worth it ba kilalanin si Caile dahil sa ugaling meron siya." Naiiling na saad niya kaya napabaling ulit ako sa kaniya.
"Oo nga pala. Ngayon ko napansin, mag-kaiba pala kayo, not that literally identical dahil may pagkakaiba parin sa mukha niyo." Saad ko at mukha namang naging interesado siya.
"Interesting. Bukod sa magulang namin at sa malalapit na tao sa buhay namin noon ay ikaw lang ang nagsabi na may pagkakaiba kami sa mukha." Sabi niya at sinenyasan ako na magpatuloy sa sinasabi ko.
"Kasi... Kung titingnan ka, yung facial features mo masyadong matapang, fierce kumbaga. Masyadong intimidating sa totoo lang pero kabaliktaran ng personality mo dahil ang kulit mo." Sambit ko na ikinatawa naman niya, "Tapos kung titingnan mo si Caile parang isang tuta na napaka-amo pero mapansin mo lang nang kaunti sasakmalin ka na niya. Para siyang pakwan, berde gaya ng tahimik na bundok at kagubatan pero apoy sa loob na mistulang nagliliyab na putik mula sa bulkan." Naiiling kong sabi at natawa pa sa sinabi ko.
"Woah! Kahit ang pangit nang pagkaka-describe mo kitang kita ko ang tumitibok na puso sa mata mo." Naiiling niyang sabi.
"Tinamaan ako ng matindi ni kupido, tagusan eh." Natatawa kong sabi.
"Pag-ibig nga naman." Naiiling na sabi ni Cole.
Nagtawanan kaming dalawa pero agad ding natigil iyon dahil sa agarang pag-preno ng kotseng sinasakyan namin. Napatingin ako sa labas ng kotse at napansing nandito kami sa tapat ng malaking mansion. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
"Nandito na naman siya." Narinig kong sabi ni Cole kaya napatingin ako sa kaniya at kita ko ang mangiyak-ngiyak niyang expression.
"Hoy, Cole! Lumabas ka riyan! Talagang hindi mo pa ako sinipot ha! Akala mo matatakasan mo ako!? Labas diyan, Cole!"
Nagulat ako dahil may biglang kumalampag ng salamin sa tabi ko kaya gulat akong napatingin sa babaeng sumisigaw, kita ko ang galit sa mukha niya pero yung normal na galit lang.
"No, Don't—!" Hindi natuloy ang balak na pagpigil sa akin ni Cole sa pagbukas ng pintuan dahil huli na kasi nabuksan ko na siya, nagulat pa nga ako nang hilahin nang biglaan nung babae yung pintuan ng kotse.
"At talagang—ay sino ka? Bakit ikaw nandiyan?" Gulat na tanong nitong babae.
Napatitig naman ako sa kaniya dahil sa kakaibang aura niya. She has this fierce and jolly aura at the same time, may bangs siya tapos yung buhok niyang brown ay hanggang leeg niya lang na bumagay sa kaniyang mukha.
"A-ahh ako si Daniel. Kaibigan ako ni Cole, nandito naman siya sa tabi ko—hala." Nagulat ako nang biglang pagsarap ng kotse at nakita na lang namin si Cole na nagmamadaling tumakbo papasok ng mansion.
"Ay pota talaga yung lalaking yon!" Singhal nitong babae, "Nice to meet you pala, ako si Eurich—you can call me Rich. Pasok ka na lang sa mansion ha? Hindi na kita masasamahan papasok dahil kailangan ko pang habulin yung walangyang lalaking yon." Nagmamadaling sabi ni Rich na akala mo'y nagr-rap pa saka siya nagmamadaling tumakbo papasok ng mansion, nagtanggal pa nga ito ng heels kaya napaawang na lang ang labi ko sa tagpo ng dalawa.
"Ang kengkoy nila." Naiiling at natatawa kong sabi.
______<54>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AzioneMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...