-29-

235 8 1
                                    

..

Daniel

Natulala ako sa mukha ni sir Caile na nakapaling sa kanan dahil sa pag-sampal ko sa kaniya. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa matinding offend na naramdaman ko.

Masyadong naging matabil ang dila niya at napaka unreasonable niya, hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya.

Sinabi niyang kaaway ng negosyo niya ang negosyo ni Mr. Black pero bakit masyado naman yata siya kung magalit gayong maaaring magkaron ng paraan para hindi iyon matuloy?


"S-sorry." Sambit ko at tinalikuran siya para umalis.

Hindi siya sumunod sa akin kaya napanatag ang loob ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, hindi naman totoo ang mga sinasabi niya pero nasasaktan ako. Iba yung dating sa akin ng mga salita niya.

Dumeretso na lang ako sa venue at pagkabalik ko ay naririnig ko si Mr. Black na nagsasalita sa ginawang mini stage rito. About business lang ang pinag-uusapan nila, hindi ko maintindihan yung mga pinag uusapan nila kaya naghanap na lang ako ng bakanteng upuan sa sulok para roon maupo.

"Kuya, penge ako ha." Sabi ko sa waiter na dumaan at kinuha ang isang wine glass.

Nung una hindi ko agad ininom dahil inamoy ko muna ito. Ito ang unang beses kong iinom ng kahit anong inumin na may alcohol content.

Nang maamoy ko na hindi ganoon katapang ito ay saka ko ito dahan dahan tinikman at napangiti't tumango tango ako dahil ang tamis nitong wine na iniinom ko.

May mga napapatingin sa gawi ko pero hindi ko sila pinansin dahil wala naman silang masamang ginagawa sa akin. Hindi ko rin alam bakit sila tumitingin sa akin, dahil siguro sa wala na akong face mask na suot.


"Ayos ka lang po dito, sir?" Biglang lumapit sa akin si Kevin kaya napatingin ako sa kaniya.

Tumango ako, "Ayos lang, ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya at sinundan ko siya nang tingin papunta sa tabi ko.

"Hindi naman sinabi ni boss na hindi na kita babantayan pagdating natin dito." Simpleng sagot niya kaya nanghihinala ko siyang tiningnan.

"Totoo ba yan? Baka naman pinadala ka niya rito?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Grabe ka naman sakin. Totoo ang sinabi ko kasi matapos niyong mag usap, bumalik si boss sa mga kausap niya at hindi na ako pinansin, wala rin naman akong kasama rito." Sabi niya kaya natawa ako nang bahagya sa naging sagot niya.

"Joke lang! Umupo ka nga rito at mahihirapan ako makipag usap sayo." Saad ko at sinamaan ko siya nang tingin ng hindi siya kumibo, "Uupo ka rito o papaalisin kita?" Pananakot ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin bago sa paligid.

In the end, naupo parin siya, "Sir Dan, gaano na kayo katagal kakilala ni boss?" Tanong ni Kevin sa akin kaya natigilan ako uminom.

"Daniel o Dan na lang itawag mo sa akin, hindi mo naman talaga ako amo. Para sa sagot mo hindi ganoon katagal dahil kaya ko lang naman siya nakilala dahil nag-apply ako noon magtrabaho sa kompanya niya eh hindi ako pinalad." Sagot ko at uminom ulit sa wine na hawak ko.

"Iyon lang? Pero bakit parang close kayo?" Paguusisa niya kaya napatitig ako sa kaniya bago ibinaba ang wine glass na hawak ko.

"Curious na curious ka yata, pwede ko ba malaman kung bakit?" Balik na tanong ko sa kaniya.

Ngumiti ng maliit si Kevin at tumingin sa isang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko si sir Caile na nakikipag usap sa ibang businessman at businesswoman sa ibang table.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon