..
Daniel
"Ibabalik ko na lang sayo yung damit mo pagkatapos kong labhan yon." Saad ko pagkapasok namin sa kotse ni Caile.
Hindi tumagal ng ilang oras ang pagtatalik namin ni Caile dahil nasabi niyang tinamaan lang daw talaga siya ng init ng katawan kaya siya pumasok sa banyo.
Walang kaso naman sa akin iyon dahil nagustuhan ko rin naman ang ginawa namin at patuloy kong magugustuhan kung patuloy niyang gagawin sa akin iyon—huyy HAHAHAHAHA.
"Don't mind it. You can have it." Aniya kaya napatingin ako sa kaniya habang nilalagay niya sa akin ang seatbelt.
"Ano namang gagawin ko ron? Kumpara sa katawan ko ay mas malaki ang katawan mo." Tugon ko sa kaniya.
Sumulyap naman siya sa akin habang naglalagay ng sariling seatbelt, "Malay mo mapadalas ako sa apartment mo edi may susuotin ako pagpapasok na sa trabaho." Saad nito na ikinatingin ko sa kaniya.
"Mukhang nagustuhan mong pumunta sa bahay ah? Anong meron?" May mapanuring tanong ko sa kaniya na sinulyapan niya lang ako bago pinaandar ang kotse.
Nagkibit balikat na lang ako sa naging tugon niya. Wala rin namang problema kung nasa bahay siya lagi, hindi ko maintindihan sarili ko pero sinasabi nito na huwag akong tututol sa gustong mangyari ni Caile.
Naging tahimik na lang ako sa byahe habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero mukhang malayo layo rin dahil sa tagal ng byahe namin.
Napapansin ko rin ang pagkonti ng mga bahay sa dinadaanan namin kaya napaisip ako kung saan ba talaga kami pupunta
At nasagot ang tanong ko nang tumigil ang kotse ni Caile sa harap ng malaking gate. As in sobrang laki at may nakasulat pa sa taas nito na "Chalone Memorial Park".
"May dadalawin ka?" Tanong ko kay Caile na agad na tumango sa tinanong ko, "Sino?" Tanong ko sa kaniya pero hindi na siya sumagot dahil bumukas na yung malaking gate.
Kinabahan pa nga ako ng kaunti dahil sa biglaang pagbukas nito kasi wala akong nakitang nagbukas. Pero napailing na lang ako sa loob loob ko nang makita ang nakangiting gwardya na lumabas sa gilid ng pader na bakod.
May pinindot pala ito sa guard house niya sa tabi kaya nag-automatic ang pagbukas ng malaking gate.
"Mr. Dela Fuente! Good day sir!" Bati ng guard nang pumantay ang kotse ni Caile sa gwardyang nakangiti.
Dela Fuente? Sino? Si Caile ba yung tinutukoy niya? Pero diba isang Mulford si Caile? Baka naman middle name ni Caile yon kaya iyun ang tinawag niya, o baka naman ganito lang talaga pagpapakilala ni Caile sa guard.
Nakangiting tumango pabalik si Caile bilang pagbati sa guard na nasiyahan namang tumango rin. Mas lumapad naman ang ngiti nito nang makita ako sa passenger seat, nginitian ko ito pabalik para hindi magmukhang bastos ako.
Matapos ang encounter na iyon ay mabilis na pinatakbo ni Caile ang kotse. Namamangha naman akong napatingin sa mga puntod na nadadaanan namin. Ang ganda nang pagkakagawa sa kanila na nagmimistulang isang bahay pa ang iba.
"Ang ganda." Wala sa sarili kong sambit pagkababa namin ng kotse, nakatitig parin ako sa paligid.
"It's my first time hearing someone who's fond with this." Saad ni Caile at naglakad papunta sa isang glass na bahay, mukhang puntod din.
"Hindi ko lang mapigilang hindi mamangha, mas maganda pa kasi ito sa apartment ko." Sagot ko sa kaniya, totoo ang paghanga ko sa design and structure na naririto pero hindi rin naman papatalo kwarto ko sa mansion nila nanay.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...