..
Zayche
Nang mahimatay si Daniel at kaagad kong sinabihan si Chloe na tumawag ng medic. Parang lantang gulay si Daniel nang buhatin ko ito.
Sobra akong nag aalala sa kaniya dahil magmula kanina at kita ko ang pamumutla niya. Hindi ko alam kung may sakit ba siya, kung kumakain ba siya sa tamang oras dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi siyang nagsasabi kay papa na hindi siya makakapasok.
May mga katrabaho kami na lumapit din sa akin para gabayan ako kung saan kami makakasakay at isa sa kasamahan namin ang nag-prisentang isakay si Daniel sa kotse niya para dalhin sa malapit na hospital dahil wala ang nurse sa clinic ng kompaniya.
"Salamat, Maki." Saad ko sa katrabaho kong nagmamaneho ng kotse niya.
"Walang problema." Nakangiting sambit ni Maki.
Napatingin naman ako kay Chloe na parang sinisilihan ang puwet sa passenger seat habang sumusulyap kay Maki. Napakunot ang noo ko dahil sa nangyayari sa kaniya.
Ang papel na pinampapaypay ko kay Daniel na nakasandal sa balikat ko ay inihampas ko kay Chloe kaya napaangal siya sa akin.
"Kakirihan mo." Sita ko sa kaniya na bumungisngis lang.
Panay ang paypay ko kay Daniel. Hinahawi ko rin ang buhok na tumatabing sa mata niya para hindi masyadong pawisan ang noo niya. Makaraan ang ilang saglit ay kaagad na nakarating sa hospital ang kotse ni Maki.
Nagpasalamat naman ulit ako at kaagad na lumabas ng back seat at marahang binuhat si Daniel palabas. Si Chloe naman ay sumunod agad sa akin.
"Ano pong nangyari sa kaniya?" Tanong ng nurse na sumalubong sa amin wala pa man sa pinto ng hospital.
"Nahimatay po siya pagkatapos magsuka." Sagot ko rito at kalmado naman siyang tumango at tumawag ng kapwa nurse para sa stretcher.
Pagkalapit ng mga nurse na may dalang stretcher ay kaagad kong inihiga si Daniel doon ay hinayaang ipasok sa emergency room. Ang kumausap naman sa aking nurse ay sinabihan akong fill-up-an ang papel na maglalagay ng info ni Daniel.
Si Chloe naman ay sumunod sa pinagdalhan kay Daniel para kapag may biglang lumabas doon ay malalaman ni Chloe kung bakit habang wala pa ako.
"Sabi ng Doctor ay wala namang malalang nangyari kay Daniel at nagsasagawa pa sila ng karagdagang test kay Daniel. Mukha namang naguguluhan yung Doctor kaya nag-run pa ng test sila, pero nasa normal room naman na si Daniel." Pagpapaliwanag ni Chloe nang makarating ako kung saan dinala si Daniel.
Nakahinga ako nang maluwag, "Mabuti naman kung ganoon. Anong room number niya?" Tanong ko agad sa kaniya.
"Halika sumunod ka sakin."
..
"Kailangan niya ng dextrose dahil dehydrated daw si Daniel." Saad ni Chloe nang makalapit kami sa hospital bed ni Daniel.
Doon ko napagmasdan ang kabuuan ni Daniel. Namumutla ang mga labi niya at nanunuyot ito. Napabuntong hininga ako saka naupo sa bangko na nasa tabi ng hospital bed.
"Kailan daw matatapos ang test?" Tanong ko kay Chloe na nagkibit balikat.
"Hindi ko rin alam pero siguro naman hindi aabusin ng bukas." Sagot niya at naupo sa upuan sa tabing bahagi ng hospital room.
Hindi na ako nagsalita at tinitigan na lang ang mukha ni Daniel. Nakagat ko rin ang labi ko dahil bumalatay ang inis sa mukha ko. Hindi magkakaganito si Daniel kung hindi dahil kay sir Caile. Bakit kasi kailangan pang makilala niya ito?
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...