-39-

121 5 0
                                    

..

Daniel

"Ano ba talagang nangyari sa inyo?" Tanong ni Zayche habang naglalakad kami palabas ng gubat.

Hindi ko alam na ganito pala karami ang naghahanap sa amin. Nakatingin lang ako sa paligid dahil sa mga pulis, ang oa nila masyado kasi akala mo may biglang aatake sa amin.

Sa tanong ni Zayche ay napatingin lang ako sa kaniya at ngumiti.

"Sa susunod ko na lang sabihin, pagod ako." Malumanay kong tugon na tinanguan naman niya at saka inayos ang pag alalay sa akin, medyo ngatog pa ang tuhod ko kasi.

Pagkatapos non ay napatingin ako kay Caile sa kabilang banda na nakatingin sa amin. Nagkatitigan kami at ang mga tingin niya ay madilim at bigla na lang itong iiwas ng tingin.

Naninibago ako sa kaniya. Pero mukhang nasanay lang ako na kinakausap niya ako, nasanay agad kahit isang araw lang nagkasama kami ng kami lang.

Siguro hindi lang talaga siya marunong magpakita ng ibang emosyon sa harap ng maraming tao. Napapansin ko rin kasi sa kaniya iyon.

Pagkalabas namin ng gubat ay mas marami ang bumungad na tao sa amin. Nagulat pa nga ako at may mga camera pang dala yung iba, ano to? Celebrity itong nakasama ko sa nangyari?


"Thank you so much po sir sa pagtulong sa paghahanap sa kaibigan ko." Bungad ni Zayche sa isang pulis na mukhang mataas ang posisyon pagkalapit namin sa mga sasakyan ng pulis.

Umiling ang pulis, "Tungkulin namin ito at ito ang sinumpaan namin kasama na ang mga rescue team." Seryosong tugon nito na tinanguan ni Zayche saka pinasalamatan ulit.

Nagpaalam na ang mga pulis dahil wala naman na silang gagawin dito dahil tapos na ang paghahanap sa amin. Ngayon, lumapit naman sa amin yung mga rescue team at sinabihang kailangan kami madala sa hospital para tingnan ang lagay namin.

"I have personal Doctor, so, no." Walang emosyong saad ni Caile kaya napatango na lang ang rescue team na nagsabi sa amin bago ako pinaalalahanan na sumunod sa kanila.

"Ayaw mo talagang sumama sa hospital?" Tanong ko kay Caile nang tangkain nitong umalis na.

Natigilan siya at lumingon sa akin, "I said, I have personal Doctor." Anito at malamig na umalis sa kinaroroonan namin.

Nasundan ko na lang siya ng tingin at may konting kirot sa puso ang naramdaman ko. Napabuntong hininga na lang ako saka tumingin kay Zayche na may makahulugang tingin, hindi ko na iyon pinansin at saka siya inaya na sumunod na sa mga rescue team.

Kaya pala may mga pulis na kasama sa paghahanap ay dahil kay Zayche. Kung hindi siguro naghanap si Zayche ay tanging mga tauhan lang ni Caile ang naghahanap at hindi biro ang mga tauhan niya, marami sila, mas marami sa mga pulis.

..

"Paano mo nalaman na nakasama ako sa kotse?" Tanong ko kay Zayche habang ginagamot ako ng isang nurse.

May mga benda na ang ibang bahagi ng katawan ko at tanging yung tuhod na lang ang ginagamot ng nurse. Hindi ko napansin yun at mukhang dahil sa pagod ay hindi ko siya napansin.

"Kakarating ko lang non sa parking lot dahil balak sana kitang sunduin, pinasusundo ka ni Papa kasi." Sagot ni Zayche at naupo sa isang upuan paharap sa akin.

"Salamat po." Saad ko sa nurse nang sabihin nitong tapos na at may ibinigay sa aking reseta at ipinaliwanag niya iyon.

Tahimik lang si Zayche hanggang sa makalabas ang nurse sa kwartong kinaroroonan namin. Pagkatapos ay nag ayos na ako ng sarili dahil uuwi na rin naman kami.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon