-2-

678 19 1
                                    

..

Daniel

Napatingin lang ako sa suot ko sa harap ng salamin ko rito sa kwarto ko. Naka suot ako ng button down long sleeve polo at black slacks, nagsuot na rin ako ng neck tie para mas mukhang presentable.

Nag-practice talaga ako kagabi ng mga lines ko para mas handa ako. Ngayon na kasi yung simula nung interview, nagpasa na kasi kaagad ako kahapon ng resume at nakakatuwa namang natawagan agad ako na kailangan ng face-to-face interview.

Hindi ko naman maiwasang kabahan ngayon kasi alam niyo naman! Hindi ako nakapag-college, what if college graduate ang hinahanap nila? Bakit kasi hindi nila agad nilagay sa site yung requirements ng hindi naman ako umasa if ever.

Napailing ako sa iniisip ko at ngumiti sa reflection ko.

"Kaya mo to! Para sa pamilya!" Aniko at may ngiti sa labinh lumabas ng kwarto pero kaagad ding napa-atras dahil sa amoy ng ihi ng mga tambay na naman.

Uubo ubo na lang akong nagmamadaling umakyat ng hagdan at umalis ng lugar na iyon, syempre hindi ko nakalimutang i-lock ang kwarto ko dahil mahirap na.

Naglabas din ako ng pabango at ini-spray sa sarili dahil nakakahiya naman kung kakapit sa damit ko ang amoy nun edi bago palang ako papasok ng office ay napatalsik na ako ng guard.

Naglakad agad ako bitbit ang file case dahil nagdala parin ako ng common requirements sa mga ganitong hiring ang kompanya, in case of emergency lang diba.

Sumakay agad ako ng jeep nang makitang nakatigil ang isang jeep sa kanto ng barangay namin.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi nga kumapit sa akin ang amoy ihi, kumapit naman ang amoy ng usok! Grabeng mga sasakyan to!



Napakurap kurap ako habang nakatingin sa mataas na building ng H.F. Firm Company, sobrang taas nito at nalulula ako. Grabe, mukhang hindi yata ako matatanggap dito ah? Sa nakikita palang mukhang ang yaman masyado nung may ari nito.

Napatingin ako sa mga taong naka corporate attire na naglalabas masok sa main door ng building.

Sa katulad kong high school lang ang natapos? Impossibleng makapasok ako rito kahit na secretary lang!

"Uhh are you here for the interview?" Tanong ng isang tinig kaya napatingin ako rito, nakita ko ang isang magandang babae na straight ang buhok at hanggang sa may panga niya lang ang buhok niya, makikita mo rin ang kamahalan ng mga suot niya.

"Ahh o-oo sana..." Nakangiwi kong sagot sa kaniya at napatingin naman siya saglit sa entrance ng building.

"Eh bakit nandito ka pa sa labas? Malapit na magsimula yung interview, anong position ba kukuhanin mo?" Tanong niya at iginiya na ako palakad, nung una ay nag-alangan pa ako dahil sa nahihiya ako.

"Secretary sana pero mukhang hindi naman ako mapapasok diyan." Ngibit kong sagot na ikinakunot ng noo niya.

"Why? You're fit in that position naman." Saad niya na ikinatawa ko.

"High school graduate lang ako." Sagot ko na ikinatigil niya.

"Nako, simulan mo na manalangin." Natawa siyang sambit kaya napailing na lang ako, "Ohh I'm Chloe Madrigal, one of the Interior Designer here." Nakangiti niyang pakilala na inabot ko naman agad ito.

"I'm Daniel Diaz." Pakilala ko naman at nagkamay kami at hindi pa man kami nakakalapit sa guard at may biglang dumaan sa gitna naming lalaki kaya pwersahan kaming napabitaw sa kamay.

Sa gulat ko ay napa-atras ako at tatanga tangang sumala ang paa ko sa hagdan kaya parang nag-slow motion ang paligid habang pabagsak ako, ano to? Ipinapadama ba nila yung kaganapan bago ako magkalasog lasog??

Pero ganon na lang din ang panlalaki ng mata ko ng isang lalaki ang biglang humigit ng kamay ko kaya imbis na malaglag ako ay napasubsob ako sa dibdib niya.

Napapikit ako dahil sa kaba na naramdaman, at nasaktan pa ako dahil sa matigas na dibdib nitong lalaking ito. Pero ayos na ito kesa naman magpagulong gulong ako sa hagdan diba?

"Okay ka lang ba?" Tanong nitong lalaki at doon lang ako natauhan kaya kaagad akong napalayo sa kaniya at nahihiyang tumingin.

Naka-blue button down long sleeve polo siya at naka slacks na gray saka may suot na black cross body bag. Nakakunot ang makapal niyang kilay at ang pagiging koreno niya ay nakadagdag sa init ng panahon!

"Huy, Daniel! Naalog ba utak mo?" Kinuhit ako bigla ni Chloe kaya napakurap kurap na lang ako saka napatingin sa paligid.

"Huy sorry talaga! Nagmamadali na kasi ako." Sambit nitong lalaking tumulong sa akin kaya napakunot noo ako sa kaniya.

"Ikaw may gawa kung bakit ako muntik mahulog?" Nakangiwi kong tanong na ikinakamot niya sa batok niya, napa-iwas pa ako ng tingin dahil sa bumakat sa sleeves niya ang malaking biceps niya.

"Pasensya na late na kasi ako." Nahihiya nitong sambit kaya nangiwi na lang ako.

"Pasalamat ka talaga na nahigit mo agad ako kung hindi namatay na ako at talagang mumultuhin kita." Asik ko rito na ikinalaki ng mata niya bago natawa.

"Patay agad?" Natatawa nitong tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin bago napatingin sa cellphone ko.

"Ay juice colored! Late na ako sa interview!" Sigaw ko at nanlaki rin ang mata ni Chloe, "Jusko talaga! Kapag ako di na nakaabot doon kasalanan mo to!" Pagbabanta ko saka kinuha ang phone ko at kinuhanan siya ng picture na ikinagulat niya.

"Para saan yon!?" Tanong niya na inungusan ko.

"In case na tumakbo ka sa kasalanan mo ire-report kita sa pulis! Attempted murder yon!" Aniko at kaagad na naglakad papasok ng building iniwan siyang di makapaniwala.

"Are you serious with that, Dan?" Natatawang tanong ni Chloe na nagmamadali ring nakasabay sa akin.

"Syempre biro lang, pero kapag talaga hindi ko naabutan ang interview sasakalin ko siya!" Asik ko at tumigil kami sa tapat ng elevator at hinintay na magbukas ito.

"Grabe yung gigil mo baka pagdating natin don hina-high blood ka na." Natatawang sambit ni Chloe.

"Kasi naman late na siya nandamay pa." Asik ko at naunang pumasok sa elevator na bumukas.

May nakasakay roon na isang matangkad na lalaki at mababakas ang maamong mukha nito pero nakablanko ang expression kaya nakakagulo ng isip, may kasama rin siyang lalaki na kasing tangkad din niya pero mukhang mama na tapos may dala iyong ipad yata.

Napatingin ako kay Chloe na sinasamaan ako ng tingin at sinesenyasan akong lumapit sa kaniya.

"Huh?" Takhang tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ito at hahabol pa sana siya papasok pero sumara na agad ang elevator. Nagkibit balikat na lang ako sa naging behavior niya, kausapin ko na lang siya mamaya.

Para akong nakarinig ng uwak dahil sa katahimikan dito. Tatlo lang naman kami pero ganito ba sila? Hindi nagpapansinan?

Tumingin ako sa lalaking nasa likod ko, yung maamong mukha na parang pader. Tumingin naman ito sa akin kaya napangiti ako ng wala sa oras.

"Hindi mo naman siguro ayaw na may kasabay no?" Biglang lumabas sa bibig ko na ikinatingin din nung isang lalaki sa akin.

Nakakunot lang ang noo nitong lalaki sa akin kaya napangiwi na lang ako bago humarap sa pintuan ng elevator. Sungit sungit naman non! Nginitian ko na nga tapos ganon? Kung mamatay ba ako rito wala siyang gagawin? Ganon?

Napasulyap ulit ako rito at nakita itong nakatingin sa akin kaya kinakabahan akong napabaling ulit ang tingin sa harap, ang sungit na nga creepy pa. Baka nga ayaw niya ako kasabay? Papatayin na ba niya ako?

"You——"

"AHHHHH!"

______<2>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon