..
Zayche
Hi! HAHAHAHA mas nauna ako magka-pov no? Hayaan mo na, kaniya naman yung prologue.
"Pa, nandito na po ako!" Sigaw ko pagkapasok sa restaurant namin.
Napatingin pa ako kay na tutok na tutok sa kaniyang laptop. Sinimangutan ako nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Loko tong babae na to, di igalang ang napakagwapo niyang kuya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagdiretso na lang sa kusina dahil doon ang daan papunta sa bahay namin. Yes, nasa likurang bahagi nito ang bahay namin.
"Oh! Uwel, nakilala mo na ba yung bagong empleyado natin?" Bungad sa akin ni papa habang may hawak pang tong.
Natigil naman ako saka sumagot, "Ah opo, nag-apply yung sa company na pinapasukan namin ni Chloe kaso hindi siya natanggap." Saad ko naman at nakita ko ang awa sa mukha ni papa.
Heto na naman tayo sa ugali ni papa. Sobrang bait niya talaga kahit na iniwan kami ni mama para sa ibang lalaki eh inintindi niya iyon para sa amin ni Kyleen.
"Kawawa talaga iyong batang iyon." Naiiling na sambit ni papa na hindi ko naman na binigyang pansin dahil kailangan ko pa magpalit para makatulong sa kaniya sa gawain dito aa kusina.
Nagpaalam na muna ako na papasok sa bahay at magbibigis ng tamang suot para sa restaurant. T-shirt at pants lang ang isinuot ko dahil okay naman siyang tingnan. Natagalan pa ako sa pag aayos ng buhok ko dahil sa mas maigi kung kaaya aya ang itsura natin sa harap ng customers, di ba?
Marketing strategy rin yun mga chong! Kailangan gamitin ang face card ng pamilyang ito para yumaman! Walang pag-asa ang pamilyang ito kung sa sweldo ko iaasa ang pag-yaman!
Average salary of Engineer... Ayaw ko na lang mag-talk ba.
"Pa, nga pala. Nakapagbayad na ba kayo ng kuryente?" Tanong ko kay papa pagkabalik ko sa kusina.
"Oo nabayaran ko na, pati ang tubig at wifi. Hindi ko nakakalimutan." Sagot ni papa habang naghahango ng piniritong manok.
Naningkit ang mata ko, "Sigurado ka??" Tanong ko at saka sumigaw, "Kyleen, nagbayad na ba si papa ng kuryente!?" Sigaw ko na alam kong maririnig ni Kyleen.
Pero nakaraan na ang ilang minuto ay hindi pa rin nasagot si Kyleen. Napatingin ako kay papa na nagkibit balikat lang sa akin.
"Hindi pa ba tayo magsisimula ng opening?? Pa, may mga tao na sa labas!" Nagmamadaling pumasok si Kyleen sa kusina habang nakuha ng apron.
"Ha!? Meron na agad!? Teka anong oras na ba—ay susmaryosep! Nalibang ako sa pagluluto! Hala sige tara na tapos naman na ako. Zayche, halika na at sisimulan na ang opening!" Nagmamadaling saad ni papa at mukha talaga siyang excited na kiti-kiti kasi pabalik balik siya na hindi mo malaman kung saan pupunta.
"Nawala na naman sa focus si papa." Sambit ni Kyleen saka natawa, "Hoy, ikaw bakulaw! Tara na, ano hinihintay mo? Sweldo mo? Next month pa!" Sigaw sakin ni Kyleen bago lumabas ng kusina at iniwan akong nakasimangot.
"Walangya talaga to." Naiiling kong sambit saka kumilos na rin.
"... Chick-Chicken Restaurant is officially open!" Masayang saad ni papa habang nasa labas kami ng pintuan ng restaurant at nakaharap sa mga tao na balak bumili sa amin.
Ginupit na ni papa yung ribbon na ginawa ni Daniel para raw mas maganda yung dating ng opening ni papa. Kaya siya nakafocus kanina sa labas ng restaurant dahil sa ito ang ginagawa niya, he even made a diy confetti na ikinatuwa ng mga batang kasama nung ibang customer.
"Sorry in advance po ha? Pero kailangan ko po ito gawin para mas maganda first impression nila sa Chick-Chicken." Malaking ngiting bungad sa amin ni Daniel sa amin.
"Baka kung ano namang gawin mo." Kunot noo kong saad na ikinasimangot niya.
"Epal." Anito bago ngumiti ulit kay papa at may sinasabi siya na hindi ko na pinakinggan dahil nakatitig na ako sa kaniya.
Sa nakikita ko, matalino siya bakit kaya hindi niya sinubukang kumuha ng scholarship sa officials? Siguradong matatanggap siya roon at makakatapos siya ng pag-aaral para makahanap siya ng magandang trabaho.
"So, hi everyone! Hawak ko po rito yung listahan na pinalista ko po sa inyo kanina sa mga naunang dumating. Ang listahan pong ito ay magiging basehan sa opening promo ng Chick-Chicken, at kung ano po ito? Ay sa loob na po natin pag-usapan dahil nakakalat po tayo sa daan, nagagalit sila di naman sila yung kakain." Natatawang sambit ni Daniel pagkasabi niya nung huli niya sinabi.
Nagtawanan ang mga customer sa sinabi niya at sumang-ayon dahil sa nagagalit nga yung mga dumadaan. Binuksan ko ang pintuan ng restaurant at iginiya naman namin ang mga customer sa pag-pasok habang si Daniel ay nagkukukuda parin sa mga customer sa loob.
Skilled talaga siya sa sales talk at nakikita kong nae-enganyo niya ang mga customer dahil hinahaluan niya ng biro ang mga sinasabi niya.
"Kung napasok siya sa company pwede siya ilagay ni Sir Caile sa marketing ng products ng company. Grabe yung marketing skills niya." Bulong sa akin ni Chloe pagkapasok namin sa loob.
Napatango ako sa sinabi niya dahil sa totoo lang ay nahanga ako sa abilidad ni Daniel. Masyado siyang mature sa bagay na to at ang cute niya.
"Pagpasensyahan niyo na po sa mga nakatayo, maliit pa po ang restaurant namin pero hayaan niyo kapag lumago kami mas magiging komportable kayo sa magiging ayos ng Chick-Chicken, sa ngayon sardinas muna tayo bago maging manok." Saad muli ni Daniel na nakatayo ngayon sa gitna ng restaurant.
Nagtawanan ang lahat kabilang sila papa, "Ayos lang yon, nagsimula naman kami maging sardinas." Natatawang sambit ng isang ginang na sinundan pa nung iba.
"Nakakatuwa naman na nagkakasundo sundo tayo, hindi ko na po papatagalin ang daldal ko rito dahil siguradong may nag-uusok na ang ilong diyan. Based sa listahan po kanina ang unang sampung nakarating dito ng maaga ay magkakaroon ng free 1 order of Chick-n-joy!" Mahabang lita ni Daniel na ikinatingin ko kay papa na nakangiti lang naman.
"Opening palang pero may free 1 order dahil lang sa maagang nakapunta rito?" Kunot noo kong bulong.
"Zayche, it's part of marketing." Saad naman ni Chloe at tinapik pa ang balikat ko.
Hindi na lang ako sumagot at nakinig na lang sa mga sinasabi at pinapaliwanag ni Daniel sa customer. Yung sa mga nandito raw ng opening ay kapag nakabili ng 1 box Fried Chick ay may points daw na makukuha at ang points na iyon ay pwedeng ipunin hanggang sa maipambili ito ng order or pang-discount.
Naipaliwanag din niya na sa mga susunod na buwan ay magkakaroon ng Card na tatawagin daw na CardChick, sa tuwing nabili raw sa Chick-Chicken ay doon na raw mailalagay ang points na makukuha para mabilis dalhin pero sa ngayon written coupon muna ang ipinamigay ni Daniel ng magsimulang um-order ang mga tao.
"Can't believe na magiging ganito kaayos ang opening ng Chick-Chicken ni papa." Nakangiti kong sambit habang pinagmamasdan ang mga taong nakain na, todo papuri sila sa kinakain nila at sadyang nakakatabang puso.
"All thanks to DanDan!" Bulong ni Kyleen na narinig pala ako, siya kasi yung nasa counter at ako naman yung nags-serve, si Chloe naman ay katulong ni papa sa loob habang si Daniel ay ine-entertain ang mga customer
He looks like a manager.
Napatitig ako kay Daniel, "Indeed, all thanks to him." Sambit ko at muling kinuha ang order ng at sinerve na.
______<8>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...