..
Daniel
"Sumunod ka sakin." Saad ni Caile nang makapasok siya sa kusina kung saan nandoon kami nila Teresita at nagk-kwentuhan.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sarap ng kwentuhan namin nila Teresita. Nalaman ko na nga lang din na umalis na ang mga pulis at babalik na lang daw kapag may bago ng update.
Nagpaalam na muna ako kila Teresita para sumunod sa kung saan pupunta si Caile. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta sinundan ko na lang siya.
"Anong ginagawa mo rito?" Biglang tanong ni Caile nang makapasok kami sa isang kwarto.
Nabigla pa ako sa uri nang pagtatanong niya na kung maririnig mo ay parang ayaw niya akong naririto. Napatitig ako sa kaniyang mata na walang kahit na anong emosyon ang makikita, ganito ba kapag namamatayan? Parang walang buhay ang kaniyang mata.
"Gusto lang sana kitang dalawin, nabalitaan ko kasi ang nangyari sa Daddy mo." Saad ko sa malumanay na boses dahil baka kapag naiba ang tono nang pananalita ko ay iba ang maging dating sa kaniya.
"Hindi ko kailangan ang dalaw, o kahit ano man iyan. At, hindi rin ako tumatanggap ng simpatya sa kahit na sino man." Malamig na tugon nito, "Kung wala ka nang gagawin o kailangan ay pwede ka nang umalis, nag aksaya ka pa ng oras." Anito at saka ako nilagpasan.
Natulala ako sa kawalan dahil sa mga sinabi niya. Ganoon ba ang naging dating nang pagpunta ko rito? Mali ba ako para kumustahin siya? Mali ba ako nang pagpapakita nang pag aalala?
Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa dinaanan ni Caile, wala na siya roon kaya nagpasya na rin akong lumabas at umalis. Wala rin naman akong mapapala rito dahil mukhang ayaw magpa-istorbo ni Caile.
May mapait na ngiti sa labi ko nang makalabas ako ng kwartong pinasukan namin kanina. Dumaan ako sa kusina para magpaalam na sa kanila na aalis na ako, nagtanong pa nga sila dahil bakit daw ako aalis agad. Sinabi ko na lang na may naiwan akong gawain sa bahay na kailangan ko nang tapusin.
Pagkalabas ko ng mansion ay may mangilan ngilan pa akong nakikitang marites sa labas, sumulyap pa nga ako ng saglit sa harap ng mansion nila Caile bago naglakad paalis.
..
"Oh ano? Anong ganap?" Tanong ni Zayche sa akin pagkabalik ko sa bahay nila.
"Sobrang busy ni Caile." Pagsisinungaling ko at napakunot pa ang noo ko dahil sa pagtawa niya.
"Malamang mab-busy yun at namatay ang tatay niya. Alangan lumandi pa siya eh namatay na nga tatay niya." Saad ni Zayche na sinimangutan ko na lang.
"Epal ka." Tanging nasabi ko at naglakad papunta sa kusina nila para tumingin kung may makakakain ba ako, at sakto namang may prutas na nandoon.
"Okay lang yan. Tara, ice cream na lang tayo." Pag aaya ni Zayche na agad kong itinigil ang pagkain ko sa prutas.
"Tara!" Masigla kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya.
"Wait here. Magbibihis lang ako." Sabi niya kaya tinanguan ko na lang siya at sinabing bilisan.
Pagkababa niya mula sa taas ay kaagad din kaming umalis. Hindi na kami nagsasakyan dahil sabi ko mas gusto kong maglakad papunta sa park, na hindi naman niya tinanggihan.
Habang daan ay nagk-kwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay.
"Pagkalabas niyan. Ano ipapangalan mo?" Pagkaraan ay nagtanong si Zayche.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AcciónMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...