..
Daniel
"Anong pinag-usapan niyo ng lalaking yon?" Biglang tanong ni sir Caile kaya napatingin ako sa kaniya.
"Yung suot ko. Maganda raw." Simpleng sagot ko dahil ayaw ko nang kwestyunin kung bakit siya nagtatanong kasi baka magtalo pa kami rito sa gitna ng mga nagsasayaw.
"I might say, he's right. I never thought you have this kind of taste." Tugon niya kaya napakunot ang noo ko.
"Anong tingin mo sakin? Porket mahirap eh walang taste at fashion sa katawan?" Ismid ko sa kaniya at nakita ko naman ang pagngisi niya.
"Kind of." Aniya kaya napanganga ako, sama ng ugali nitong gwapong to.
"Kung hindi lang gwapo to kanina ko pa to nabayagan." Bulong ko at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa bewang ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"So, gwapo pala ako sa paningin mo?" Nakangisi niyang tanong na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi ka ba informed? Walang salamin sa bahay niyo?" Tanong ko rito, "O nagmamayabang ka lang ngayon? Kunwari hindi alam na gwapo siya para mang asar lang." Umirap pa ako sa kaniya at narinig ko ang mahinang tawa niya.
Luh tililing.
"Napaka straight forward mo talaga." Aniya at nagkagat labi pa kaya napatingin ako roon.
Nalunok ko na lang yung laway ko dahil sa nangingintab niyang labi dahil dinilaan niya rin iyon. Hindi ko akalain na mas may ikakaakit pa pala ang labi niya sa dim light dahil sa kakaunting liwanag ay mistulang may mantika ang labi niya.
"Quit staring at my lips if you don't want to be sealed by it." Usal niya kaya napakurap kurap ako at napatingin sa kaniya na kakaiba ang tingin sa akin.
"Edi wag, para tiningnan lang." Aniko at umiwas na lang ng tingin habang patuloy kami sa marahang pagsayaw.
"You don't want to taste it?" Tanong niya kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano? Hibang ka ba, sir? Kararamig tao rito!" Suway ko sa kaniya at nakita ko ang ngisi niya.
"So, you want to taste it?" Tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin—ikaw tumigil ka nga sa kamanyakan mo sir Caile." Anas ko at natatawa naman siyang hinapit ako palapit sa katawan niya.
Napalunok ako ng laway dahil sa lapit namin sa isa't isa. Ang init ng katawan niya pero ang komportable sa pakiramdam. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang siya sa mata ko sabay titingin sa labi ko sabay titingin ulit sa mata ko.
Iba ang naramdaman ko sa paraan ng pagtingin niya, para niya akong tinatawag palapit at masyadong mainit sa pakiramdam ang mga tingin niya.
"So, you really want to taste my lips." Anito kaya natauhan ako kaagad na lumayo sa kaniya, nakita ko ang mahinang pagtawa niya kaya napasimangot ako.
"Galing mo mang asar!" Anas ko rito at saka umirap, "Kung hindi lang maraming tao rito, nagawa ko na yang itinutukso mo." Saad ko at nakita ko ang pagkibit balikat niya.
"Ibig sabihin lang noon hindi mo kaya." Aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kaya ko!" Singhal ko at nag-mock pa siya sa akin.
"Suss! Hindi mo kaya, masyado kang mahina—" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil kaagad ko siyang hinila sa necktie at sinunggaban ang labi niya.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AcciónMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...