-51-

284 7 0
                                    

..

Daniel

"Ano? Okay na ulit kayo?" Tanong ni Zayche sa akin nang makarating ako sa bahay nila.

Dito ako pina-diretso ni Mang Karo pagkabalik ko galing sa apartment ko. Nagtagal pa kami ni Caile roon para mag usap ng bagay bagay. Hindi ko na ulit inungkat yung tungkol sa pagbubuntis ko dahil baka masaktal lang na naman ako.

Nagtaka naman akong tumingin sa kaniya, "Ohh? Akala ko may pasok ka?" Tanong ko sa kaniya, tumaas pa ang kilay niya sa akin.

"Hapon na, Daniel, maagang natapos ang trabaho ko kaya umuwi ako." Sagot niya na ikinabigla ko saka ako tumingin sa phone ko para tingnan ang oras.

"Hala, hapon na pala." Sabi ko at kakamot kamot sa ulong naglakad papunta sa sofa nila.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya na agad ko namang inilingan kaya napakunot ang noo niya.

"Ano?? Hindi ka kumain? Siraulo ka ba? Eh kung mapaano yang baby, sige nga." Panenermon pa nito at agad na tumayo mula sa pagkakaupo saka dumeretso sa kusina.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya saka tumingin sa akin.

"Malamang, ipaghahanda kita ng makakakain." Anito at nagmamartsang pumasok ng kusina.

Napangiti ako sa inasta niya at saka sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung may lutong ulam ba o magluluto pa siya. At nasagot ang tanong ko nang makarating ako sa pwesto niya.

"Anong ulam—ayoko niyan! Nakakaumay." Angil ko agad nang makitang ilalagay niya sa isang pinggan yung sinabawang manok ni Mang Karo.

"Huh? Sa pagkakaalam ko ngayon ka palang makakakain nito." Naguguluhan niyang saad.

Ngumiwi ang mukha ko, "Nauumay na ako sa manok. Gusto ko ng chop seuy pero hindi gulay, karne siya. Gusto ko karne ng baka tapos pa-chop seuy ang luto, gusto ko ng lasa ng chop seuy pero ayaw ko ng gulay." Nakahawak baba kong sabi sa kaniya at kita ko naman ang nakangibit niyang mukha habang nakatitig sa akin.

"Ano raw??" Naguguluhang tanong ni Zayche.

"Ang sabi ko, gusto ko ng—" naputol ang sasabihin ko nang iharang niya ang palad niya sa mukha ko.

"Teka lang—teka lang! Hindi ko maintindihan yang gusto mo, parang sumasakit ulo ko riyan." Aniya at hinihilot pa ang sentido niya.

"Pero iyun ang gusto ko." Nakanguso kong sabi.

Nakita ko kasi kanina sa isang karinderya yung chop seuy, ang bango bango nito at parang ang sarap kumain noon pero ayaw ko sa gulay. Gusto ko karne nakalagay ron pero mas malasa siguro kung karne ng baka yung ilalagay.

"Ay hala maghintay ka riyan, papatulong ako kay papa." Napapabuntong hiningang sabi ni Zayche at kaagad akong iniwanan para lumabas ng bahay.

Napangiti naman akong lumabas ng kusina at nagpunta sa sofa. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod kaya ang ginhawa sa pakiramdam nang makaupo ako ngayon.

Kinuha ko pa yung phone ko para mag-online sa social media at makasagap ng chismis sa kung saan saan.

Napangiti pa ako nang makita ang super idol kong modelo. Pinagmasdan ko ito habang nakangiti. Pangarap ko ang maging model pero hindi pinalad sa katawan kaya sana yung magiging anak ko ay maging lalaki at maisipan niyang mag-model. Okay lang din naman kung babae at mas maganda ito kung sasali siya sa pageant.

Sa katitingin ko sa social media ay hindi ko namalayan ang sarili kong nakahiga na pala sa sofa at tuluyang nakatulog.

..

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon