-50-

266 6 0
                                    

..

Daniel

Pagkarating ko sa apartment ko ay hindi kaagad ako nakapasok dahil iniisip ko pa ang mga sasabihin ko. Excited na ako dahil gusto ko sabihin na sa kaniya itong pinagbubuntis ko. Hindi ko alam kung matatanggap niya ba pero siguro handa naman na yung sarili ko sa kung ano man ang sasabihin niya.

Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto. Agad na hinanap ng paningin ko si Caile, hindi ko siya makita sa sala kaya agad akong nagpunta ng kusina kung nandoon ba siya pero wala rin kaya sa kwarto ako sunod na pumunta.

Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako dahil nakaupo si Caile sa kama habang nakapatong ang dalawang siko sa tuhod niya. Nakatitig siya sa kawalan, masyadong blangko ang expression niya pero ang lamig lamig ng mga titig niya.

There's something odd to him. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng tensyon sa paligid niya. Para akong kinakabahan na ewan ko ba.


"Caile..." Pagtawag ko rito at dahan dahan naman siyang napatingin sa akin.

Naumid ako sa kinatatayuan ko dahil sa paraan nang pagtitig niya. Sobrang lamig na nakakapagbigay sa akin ng kaunting kaba. Maya maya ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya at sa isang saglit ay bumakas ang napaka raming emosyon sa mata niya kaya ako naguluhan.

"May problema ka?" Tanong ko sa kaniya at saka dahan dahang lumapit sa kaniya.

Umiling siya, "There's nothing to be worry about it." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

Wala pa akong sinasabi pero wala raw dapat ipag-alala. Alam kong marami siyang problema pero hindi masamang magsabi siya kahit sa isang tao lang, mailabas niya man lang ang kaunting bigat sa dibdib niya ay ayos na.

"Nandito ako, Caile. Pwede mo ako pag sabihan ng problema mo kapag hindi mo na kaya." Nakangiti akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang braso niya.

Napatingin siya sa kamay ko sabay tingin sa akin, "I can handle all my problems, don't mind it." Saad niya kaya napabuntong hininga ako.

"Hindi masamang magsabi sa iba, Caile, lalo na kung ang bigat bigat na sa dibdib niyang dinadala mo." Marahang saad ko pa na ikinatingin niya sa akin ng matalim kaya natigilan ako.

"Sinabi kong kaya ko diba? Huwag mo na ungkatin yan. Nandito ako para kahit saglit makalimutan ko ang mga isipin ko tapos ganiyan ang ibubungad mo? Mas mabuti pang umalis na lang ako rito." Madiin at may bahid ng inis ang pagkakasabi noon ni Caile kaya agad akong nataranta.

"I-i'm sorry. Naging insensitive ako, sorry." Pigil ko kay Caile habang hawak ang kamay niya na ikinatigil niya sa akmang pag alis.

"Maghubad ka." Sambit nito na ikinatigin ko sa kaniya na may pagtataka.

"Huh? Bakit?" Tanong ko rito at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Ayaw? Ako ang gagawa." Aniya at nabigla ako nang sunggaban niya ako ng halik.

Ramdam ko ang gigil sa paghalik niya. Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ako nakatugon sa kaniya kaya naramdaman ko ang paghawak niya sa leeg at panga ko. Dahil sa ginawa niya ay napaawang ang labi ko na naging dahilan para pumasok ang dila niya at libutin ang bibig ko.

Napapadaing ako sa mga halik niya at bahagya siyang itinulak, "T-teka... Hindi ako makahinga." Sabi ko at nakita ko ang blangkong tingin niya.

Hindi niya ako pinansin at itinulak niya ako pahiga sa kama at kaagad na hinalikan sa leeg. Napakunot ang noo ko dahil naguguluhan ang katawan ko. Wala akong maramdamang kahit ano kay Caile. Sa mga bawat paghalik niya sa katawan ko.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon