..
Cole
"Is he really okay?" Tanong ko sa tauhan ko matapos makumpirma ko na ayos lang si Caile at si Daniel.
Hindi ko masisikmura kung may inosenteng madadamay sa kapabayaan ng tauhan ko. Ang mabuti na lang dahil ganitong kapabayaan lang ang nagawa niya at hindi ang pagbibigay ng clue kung paano nila malalaman na ako ang may kagagawan ng mga pangyayari.
"Yes, sir. Ano na sunod niyong gagawin?" Tanong ng secretary ko kaya napaisip ako.
"Wala na muna akong gagawin sa ngayon dahil hihintayin nating maisakatuparan ni Caile ang balak niya sa pamilyang Mulford." Sagot ko at ipinihit ang swivel chair ko paharap sa glass wall ng office ko.
Alam ko ang binabalak ni Caile kay Don Hernando kaya hahayaan ko siya para na rin maipaghiganti ang tunay na magulang namin at si Mamá na paulit ulit niyang sinaktan.
Umalis ang secretary ko at naiwan akong mag-isa sa office ko. Matagal tagal na akong nagtatago sa maskarang suot ko at sa oras na mangyari na ang mga dapat mangyari ay lalantad na ako kay Caile, karapatan niya paring malaman na buhay ako.
..
Daniel
Lumipas ang ilang araw at nandito ako sa Chick-Chicken nila Zayche para magtrabaho. Kailangan ko paring magtrabaho dahil ayaw kong tanggapin ang perang binibigay ni Nanay sa akin.
Nakausap ko na rin nung nakaraang araw si Caile, hindi ko nga nasabi yung totoo kong rason at ang palusot ko na lang ay yung sahod ko hehe.
Umalis na rin ako ron sa tinutuluyan ko dahil tinakot pa ako ni nanay na kukuhanin niya raw ako ng sapilitan dito kapag di umalis sa maliit na lugar na yon.
May sarili na akong apartment malapit dito sa Chick-Chicken. Tuwang tuwa nga sila Mang Karo dahil madali na raw para sa akin na makapunta rito kung gugustuhin ko.
"Daniel, hindi ka pa nagl-lunch. Kumain ka muna." Lumapit sa akin si Mang Karo na naka apron pa.
Ngumiti naman ako pagkatapos ko magpunas ng mesa, "Hindi pa naman po ako gutom." Saad ko habang inaayos ang pinagkainan nung customer.
"Ay siya, nandiyan naman si Isaac para tumulong dito. Kumain ka muna." Sambit ni Mang Karo at napatingin ako kay Isaac na kakadaan lang sa amin dala dala yung order ng isang customer.
"Kumain ka na nga muna, Dan." Saad ni Isaac kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng kusina para kumuha ng makakakain.
Si Mang Karo yung mismong nagluto at naggawa ng pagkain ko. Sabi ko nga na okay na yung ako na yung gagawa pero mapilit talaga siya, napangiti na lang ako dahil alagang alaga niya ako. Sa kaniya ko ngayon nararamdaman ang pagmamahal at pag aalaga ng isang ama na hindi ko naman natanggap noon kay Tatay.
Pagkabigay sa akin ni Mang Karo ng pagkain at lalabas na sana ako para kumain pero sinabihan ako na sa loob na lang ng bahay nila kumain, hindi naman na ako umangal dahil ayaw ko rin naman kumain sa maraming tao ngayon, haggard na ako no!
"Oh! Nandito ka pala?" Gulat na tanong ko nang makita si Zayche na naka-higa sa mahabang sofa habang may binabasa sa notebook nito.
"Bakit? Bawal ba?" Tanong nito sa akin kaya napangiwi ako.
"Hindi naman. Diyan ka na, kakain lang ako." Sabi ko na lang at dire-diretso sa dining area para roon kumain.
Pagkarating ko sa dining table ay kaagad akong naupo at nagsimulang kumain. Enjoy na enjoy ako kasi sobrang sarap talaga nung pagkain nila Mang Karo. Sa susunod nga ay magpapaturo ako sa kaniya magluto para kapag babalik na ako sa amin ay hindi ko mami-miss nang ganoon ang luto niya.
"Patikim nga." Biglang sumulpot si Zayche sa likuran ko at dumukwang ang ulo sa may balikat ko saka siya kumuha ng manok sa pagkain ko.
Nabigla ako roon at para akong na-estatwa sa sobrang lapit niya. Para akong aatakihin sa puso nung biglang lumitaw ulo niya sa gilid ko! Papatayin yata ako ng lalaking to.
"Wala to sa menu ah?" Tanong ni Zayche at bumaling pa sa akin kaya napaatras yung ulo ko ng bahagya para makaiwas sa awkward moment.
"W-wala nga... Ni-request ko lang yan kay papa mo." Mautal utal kong sagot sa kaniya at ginawa ko talaga ang best ko para makaiwas sa kaniya at hinihiling na sana ay umayos na siya ng tayo!
At sa awa ng Diyos ay umayos siya ng tayo at nagpunta sa ref para kumuha ng maiinom. Pinanood ko pa kung paano siya uminom at huy grabe naman ang taong ito, bawat pagtaas baba ng kaniyang adams apple ay nasundan ko ng tingin.
Yung ugat sa braso pa niya ay sobrang visible at yung namumutok niyang biceps ay talaga nga namang ulam na!
"Iinom ka?" Tanong niya na ikinabalik ko sa wisyo.
Umiwas ako ng tingin, "Medyo, pahingi nga ako." Kumibot kibot ang labi kong sagot.
Hindi naman siya sumagot at kumuha na lang ng bagong baso saka sinalinan ito ng tubig bago siya lumapit sa akin para ibigay iyon.
"Bakit ka pa pala nagta-trabaho rito?" Tanong ni Zayche kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit? Bawal ba?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko napangiwi siya kaya natawa ako kasi ganon din ang isinagot niya sa akin kanina.
"What I mean is, diba mayaman naman kayo?" Maingat ang tono ng pagtatanong niya at hindi ko na ipagtataka iyon dahil marunong bumasa ng sitwasyon itong si Zayche.
Natawa naman ako, "Syempre hindi ko tinatanggap yung pera na binibigay ni nanay, gusto ko gumastos nang gumastos gamit ang pera na pinaghirapan ko." Sagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain ko.
Napansin ko pang naupo siya sa tabi ko paharap sa akin at ipinatong ang siko niya sa lamesa saka ipinatong sa kamay niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin.
"I understand what you mean, pero pera naman yun ng mga magulang mo. It means, pera mo na rin yun." Sabi niya kaya napa-ismid ako saka inubos muna ang nginunguya ko bago sumagot.
"Saka ko gagastusin iyon kapag naipasa na sa akin ni tatay ang mga dapat kong pangalagaan, sa ngayon, wala akong pake roon dahil wala pa naman akong nagagawa para kumita yon." Saad ko sa kaniya at hindi na siya pinansin pa dahil nauudlot ang aking pagkain.
Salita lang nang salita si Zayche sa tabi ko at sumasagot naman ako sa mga sinasabi niya kapag kailangan pero madalas ay nagk-kwento lang naman siya. Minsan pa nga ay nagbi-biro pa siya na ikinakatawa ko naman.
Ang corny niya minsan pero natatawa parin ako. Hindi ko nga namalayan yung oras nang pagku-kwentuhan namin at natigilan lang kami nang pumasok si Kyleen sa dining area na nakataas ang kilay.
"Ay wow! May pa-mini date pala kayo rito. Ang daming tao sa labas baka gusto mo na ulit mag-work, Daniel? Mamaya na yang harot sa Kuya ko." Saad ni Kyleen na ikinagulat ko at napatingin sa wall clock nila at juice colored! Lagpas isang oras na ang break ko.
"Ay bwiset! Daldal mo kasi!" Paninisi ko kay Zayche na napataas ang kamay na parang sumusuko.
"Bakit ako?? Ikaw yung dinadaldal ako eh." Nakangisi nitong sabi kaya napasimangot ako.
"Haha! Very funny, Manuel!" Anas ko at tinalikuran na siya at nagmamadaling lumabas para tumulong kila Mang Karo.
______<44>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...