-25-

284 11 0
                                    

..

Daniel

"Too simple."

"It's overdesign."

"Nah!"


Napabuntong hininga ako dahil ito na ang pang-labinlimang sukat ko sa formal suit na pinasukat sa akin ni sir Caile. Ilang oras na kami rito at puro iyan lang ang sinasabi niya kahit na para sa akin ay sapat at maganda na iyon para sa akin.

Sabi niya gusto niya yung simple pero elegante. Noong binigyan siya ng collection ng mga demands niya wala rin naman siyang napili.

Nababagot na ako sa totoo lang pero hindi ako makaangal sa kaniya dahil siya na nga itong magbabayad eh aangal pa ako at saka isa pa, alam ko naman na masyado siyang pihikan. Napaka-choosey.


"Bakit hindi mo kaya ako hayaan na makapili?" Nakabusangot kong sabi sa kaniya na ikinatingin niya sa akin.

Nakaupo kasi siya sa couch at nagtitingin sa brochure ng store. Napakunot noo siya bago tumingin sa manager at sabay sa akin, bahagya siyang tumango na ikinangiti ko saka nagmamadaling lumapit sa manager.

Meron kasi akong naalalang design na gusto ko masubukan noon pa man, nakita ko kasi ito sa isang artist. Yung backless tuxedo.


"Ah miss, meron ba kayo nung backless tuxedo??" Tanong ko sa manager na nagulat naman sa tanong ko at maya maya lang ay napangiti siya ng malaki.

"Nako, tamang tama lang, sir. Kakarating lang nito sa store at ito ang pinaka unang batch ng design ang nagawa ng brand namin." Sabi nito na ikinalaki rin ng mata ko at parehas kaming humagikhik dahil sa excitement.

Kaagad akong pinasunod ng manager sa kaniya papasok sa isang kwarto. Pagkapasok namin ay nakabalandra sa ding ding ang mga iba't ibang design ng backless tuxedo, may iba't ibang kulay rin ito.

Pero black na tuxedo parin ang pinili ko, yung may glitters sa hem niya para may dating parin, lalo na sa collar niya, ang isa rin sa nagustuhan ko ay yung nasa may laylayan nito, kasi imbes na pocket ang nakalagay eh may para siyang may slit horizontally na triangular shape siya.

Isa pa sa likod nito ay may tali ang nakakonekta sa magkabilang dulo ng laylayan paakyat sa pinaka gitna ng likod sa itaas, para siyang nagmistulang kurtina pero manipis na tali lang siya para lang hindi sobrang maging simple.


"Eto napili ko." Sabi ko at kinuha sa kinalalagyan niya ito.

"Good choice, sir! Tara na po nang maisukat niyo na." Pag aaya ng manager sa akin sa fitting room.


Habang papunta kami sa fitting room ay napansin ko ang isang black slacks na maluwang yung laylayan niya at sigurado akong bagay na bagay yon sa tuxedong ito.


"Sukatin ko na rin yun, mukha kasing bagay rito." Sabi ko at itinuro ang nakita kong slacks na kaagad namang kinuha ng manager.

Ngumiti ako sa manager at saka kinuha ang isang white leather boots na may kaunting heels at walang pasabing naglakad papasok sa fitting room. Napansin ko pa nga ang pagkunot noo nung manager pero di naman na siya nagsalita, naguluhan siguro sa naging choice ko.

Pagkasuot ko ng mga napili ko ay kaagad na sumilay ang masayang ngiti sa labi ko. Umikot ikot pa ako sa harap ng salamin at tiningnan ang likuran ko. Mas lalo akong napangiti dahil sa itsura ng likuran ko.



"Nasaan na?" Tanong ni sir Caile sa akin pagkalapit ko sa kaniya.

Hindi ko na kasi suot yung damit pagkalabas ko dahil gusto ko hindi na siya makaka-hindi sa isusuot kong iyong dahil sigurado naman akong hindi siya mapapahiya dahil sa magiging suot ko.

Pinabalot ko na lang agad yun sa manager at sinabi kong pabayaran na lang kay sir Caile hehe.

"It's a surprise, at huwag kang mag alala dahil alam ko na yang likaw ng bituka mo, hindi ka mapapahiya roon." Nakangiting sabi ko at lumingon sa paligid, "Pwede ba ako mag-request?" Tanong ko kay sir Caile.

Napakunot naman ang noo niya, "What is it?" Tanong niya at umayos nang pagkakaupo.

"Tutal ayaw mo ng simple, ibili mo na lang din ako ng bag, yung maliit lang para kasya lang pera at phone ko." Sabi ko sa kaniya na ikinataas ng kilay niya.

"Mukhang maaabuso pa ako." Aniya at naiiling na tumayo sa kinauupuan niya, "Sa ibang store tayo bumili ng bag, ayoko rito, papangit ng bag nila." Anito at parehas kaming napanganga nung manager dahil sa direktang sabi nito.

"Sorry." Nakangiwing sabi ko sa manager  at ngumiti't umiling lang sa akin.

Lumapit naman si sir Caile sa manager para ibigay ang black card nito para mabayaran ang damit na nabili ko. Bitbit bitbit ko nga yung mga paper bag na pinaglalagyan nitong mga damit, kasama na yung boots.

"Siguraduhin mong hindi mo ako ipapahiya sa isusuot mo, dahil kung hindi babayaran mo yan sa akin." Pagbabanta nito sa akin kaya napangiwi ako.

Mapapangiwi talaga ako dahil umabot lang naman sa milyon ang halaga ng mga damit na to! Paano ko mababayaran yon eh kahit butones yata nito hindi ko mababayaran!

Nagdasal na lang ako sa loob loob ko na sana ay madala ko ng maayos yong susuotin ko dahil kung hindi, habang buhay ko yatang pagta-trabahuhan ang presyo nito.

Pagkalabas namin sa store na yun ay dumeretso kami sa isa pang store na ang forte ay nasa bags lang. Sa labas palang ng store ay nalulula na ako sa mga presyo nito, pinakasimpleng design ang pinaka mahal!

Natanong ko na rin kanina kung bakit hindi kami nagmamabilis mamili eh may party pa mamaya, at ang sagot sa akin? "Huwag kang praning dahil mamaya pang alas nueve ng gabi ang party." Diba napaka ganda ng sagot? Sabagay, hindi siya si Caile kung hindi pabalang ang sagot niya.


"Mamili ka na, bilisan mo lang mamili dahil kanina ko pa naririnig yang tiyan mo." Walang emosyong sabi ni sir Caile na ikinatigil ko at napahawak sa tiyan ko.

Paanong hindi kukulo tiyan ko eh alas dose na ng tanghali kami natapos sa pagpili ng damit ko! Aba, sa tagal at pihikan niyang pagpili ay inabot ng ilang oras!

At ako pa ngayon ang lumalabas na mabagal mamili eh siya itong napakatagal. Ni hindi pa niya pinagmamasdan yung suot ko ayaw na niya. Kung hindi pa ako naglakas loob mamili ng sarili ko eh hindi pa matatapos.

At gaya nga ng sabi niya. Binilisan ko lang ang pagtingin sa mga handbag na babagay lang sa akin, not so girly, yung pang unisex ba.

Namili ako ng mas simple pero hindi ganoon kamahal, at yung babagay sa suot ko. At nang makapili ako ay hindi naman na tumutol si sir Caile dahil sa nakita ko sa expression niya ay approved sa kaniya ang bag, wala ring kaso sa kaniya ang presyo nito dahil sabi niya pa nga ang cheap daw nang pinili ko.

Wow ha!?!?

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya sa akin pagkalabas namin ng store.

Napaisip ako, "Tara Mcdo na lang——" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya iyon.

"I know a place, let's go." Anito kaya napangiwi na lang ako sa sinabi niya, magtatanong siya tapos nung sumagot ako eh hindi naman niya ico-consider.

Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kaniya dala dala ang mga paper bags na pinaglalagyan ng mga gamit na binili niya para sa akin.

At sa paglalakad namin ay hindi na nakakapagtakang sumakay kami sa elevator dahil papunta kami sa itaas na floor dahil nandon ang mga restaurants na sigurado akong libo libo ang halaga ng pagkain.

Grabe, baka pagkatapos nitong araw na ito maging allergic bigla ako sa mga pangmahirap na pagkain at damit dahil sa lalaking ito.

"Bilisan mo nagugutom na ako!" Sigaw niya kaya mangiyak ngiyak akong nagmamadaling sumunod sa kaniya.

Paanong hindi ako makakasunod agad sa kaniya eh kahaba haba ng biyas niya, samantalang ako ang isang hakbang niya eh dalawa na sa akin! Walang konsiderasyong gwapo!


______<25>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon