[trigger warning: brutality killing]
..
Caile
"Ngayon, anong problema?" Matamis ang ngiting tanong ko kay Samuel, ang kasulukuyan kong secretary.
Kaagad naman itong tumungo sa akin bilang paggalang. Binuksan niya ang pintuan ng isang kwartong madilim at kaagad akong iginiya papasok.
"Nahuli siya ng isa sa mga tauhan natin na nagnanakaw sa isa nating branch, sa White Lotus." Sagot ni Samuel sa akin at pinindot ang switch ng ilaw at tumambad ang bugbog saradong isang lalaki na naka-upo sa isang upuan at nakatali ang magkabilang braso nito sa resting arm ng upuan.
"Gaano kalaki ang ninakaw niya?" Tanong ko at unti-unting lumalapit sa walang malay na lalaki.
Kailangan kong malaman kung gaano kabigat ang kaniyang kasalanan para malaman ko rin kung paano ko siya papatayin.
Hindi ako kasing bait nang inaakala niyo. Mas masahol pa ako sa demonyo, tatandaan niyo ang kasabihang "Don't judge the book by its cover." And so am I.
"Dalawampung libo ang kaniyang ninakaw." Sagot ulit nito na ikinataas ng kilay ko.
Kung tutuusin ay barya lamang ito para sa akin at hindi ko alam kung bakit nagawa pa nitong lalaking ito na magnakaw at sa kompanya ko pa talaga.
Sumenyas ako sa isang tauhan at kaagad naman nitong kinuha ang balde na naglalaman ng malamig na tubig at kaagad na ibinuhos sa walang malay na lalaki.
"Ahhh! Patawarin niyo na ho akooo! Kailangang-kailangan ko lang talaga!" Pagpalahaw nitong lalaki na ikinakunot ng noo ko pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko.
"Wala pa man lang ay nag iingay na ang insektong katulad mo." Madiing sambit ko habang may matamis na ngiti parin sa aking labi.
Kaagad na napatingin sa akin ang lalaki at kakikitaan ang pangingilabot sa kaniyang mga mata, kakaibang takot ang bumalakit sa kaniyang mukha. Nanginginig ang kaniyang labi na wari mo'y may gustong sabihin ngunit pinangungunahan ito ng kaba at takot.
"Magsalita ka. Anong dahilan at bakit mo nagawa ito? Malaki ang pa-sweldo ko sa inyo, bakit nagawa mo pa ito?" Malumanay na tanong ko.
Napakurap kurap ang lalaki at nakita ko ang pagluha niya, "A-ang anak ko... Nasa hospital ito dahil sa aksidenteng nangyari sa kanilang eskwelahan, kailangan niya lang nang... Nang agarang o-operasyon, malubha ang lagay ng aking anak——patawarin niyo ako! Wala lang po talaga akong ibang paraan!" Lumuluha itong nagpaliwanag na ikinangiwi ko.
Mabilis akong maawa sa mga dahilan na ganito lalo na kapag tungkol sa pamilya pero may pinaniniwalaan akong salita "Ang kasalanan ay kasalanan at dapat itong pagbayaran." Bumuntong hininga ako at tumingin kay Samuel at tumango.
Kaagad itong nagpipindot sa ipad niya, "Nagsasabi po siya ng totoo, sa ngayon ay sumasailalim na sa operasyon ang anak niya." Saad ni Samuel na ikinatango ko at tumingin ulit sa nagmamakaawang lalaki na ito.
"Maaari kang lumapit sa akin dahil hindi naman ako madamot sa aking mga tauhan, hindi mo na kailangan pang gumawa ng kasalanan." Iiling iling ang ulo kong sambit at nakita ko lalo ang paghagulgol niya.
"P-patawarin niyo po ako! Hindi na po mauulit!" Sigaw nito habang umiiyak kaya tumango ako.
"Ako na ang sasagot sa Hospital Bills ng anak mo at sisiguraduhin kong gagaling siya, sisiguraduhin ko rin na magiging maganda ang buhay niya." Nakangiti kong sambit.
Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya at masayang ngiti sa labi niya. Sobra sobra ang pag iyak at pagpapasalamat niya sa akin pero hindi iyon nagtagal ng mapagmasdan niya ang kakaibang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AçãoMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...