-26-

288 9 3
                                    

..

Daniel

"After we eat, papapuntahin kita sa salon kasama ang isa sa tauhan ko, may kailangan pa akong asikasuhin, kaya hindi na kita masasamahan. Iiwanan ko rin ang card ko para sa pagbabayad. And after your thing in salon, magpalit ka na ng damit mo at ihahatid ka ni Kevin sa venue." Mahabang sabi ni sir Caile pagkalabas namin ng restaurant.

"Sobrang importante ba nung gagawin mo?" Nag aalangan kong tanong.

Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Kaya ko naman mag-isa pero may something sa sarili ko na parang ayaw kong mag-isa akong pupunta roon nang wala si sir Caile.

Nakatungo lang ako habang kinakalabit kalabit yung tali ng paper bags na hawak hawak ko.

"I really need to go, maghahanda parin naman ako papunta ron." Sagot niya na ikinatingin ko sa kaniya.

"Hindi ka pa pala handa sa lagay na niyan?" Nakangiwi kong tanong kaya napataas ang kilay niya.

"This is just my own casual outfit." Simpleng sagot niya na ikinangiwi ko.

Huminga ako nang malalim, "Hm. Sige na, nasaan ba yung Kevin?" Tanong ko at tumingin tingin sa paligid.

"He's on the way. Here's my card, take care of it and don't spend on something unworthy, understand? Wait for Kevin here, I have to go." Sabi niya at inabot sa akin ang black card niya bago tumango sa akin at tumalikod na para umalis.

"Ingat." Simpleng sabi ko at tumalikod na para maghanap ng mauupuan para hintayin yung tauhan ni sir Caile.

..

Caile

I'm ready to walk away when I heard him say that word. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa gawi niya. Nakita ko siya tumalikod at naghahanap ng kung ano, napatitig lang ako sa pigura niya.

I don't know why but I felt something unusual inside of me. Na para bang napunan yung kakaunting parte sa puso ko.

Huminga na lang ako nang malalim at tumalikod na para umalis. Walang mamgyayari at walang magandang mangyayari kung patuloy kong mararamdaman ang walang kwentang pakiramdam na yon.

Mas marami akong importanteng kailangang gawin kesa isipin ang mga ganoong bagay.

"Accompany and take care of him, understand?" I said talking to Kevin on the phone.

Hindi ko na hinintay na makasagot ang tauhan ko at kaagad na sumakay ng kotse ko para pumunta sa mansion ko. Kailangan ko pa magpalit at humingi ng update kay Samuel sa mga kaganapan na kailangan kong malaman.

After a couple of minutes, I arrived at my mansion. Iba to sa mansion ni Dad. Sariling pera ko ang pinagpatayo ko nito, alam ito ni Dad at pinuri pa niya ako dahil sa napatayo ko.

Pagka-park ko ng kotse ko sa garage ay kaagad akong lumabas dito at pumasok sa mansion ko. Wala akong kasama rito, walang maids dahil once a week lang ako mag-hire ng mga maglilinis ng mansion ko, kaya ko naman linisin ang ibang kalat ko pero syempre kailangan ko parin ang mga maglilinis para sa buong bahay.

"Magbibihis ka na ba para sa party?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Liam. Oo, nandito si Liam dahil sa kagagawan ng isa ko pang personality, si Celior. At hindi ko nagugustuhan ang mga pinaggagawa niya sa tuwing inaangkin niya ang katawan ko para lang sa kagustuhan niyang maangkin si Liam.

"Yes, are you okay here?" Tanong ko sa kaniya at nilapitan siya.

Nasa salas siya at may pinapanood, tanging boxer lang ang suot niya na wala naman akong pake kahit wala pa siyang suot, kagustuhan to ni Celior kaya wala akong magagawa.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon