-55-

173 8 0
                                    

..

Daniel

"Talagang malilintikan ka sa akin, Cole, kapag hindi ka pa lumapit dito!" 

Boses ni Rich ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa mansion ni Cole. Namamangha rin ako sa mansion ni Cole dahil sa kagandahan ng disenyo nito. Ang ganda ng taste ng nagpagawa nito mula design hanggang color ng walls. 

At hindi ko magawang i-enjoy ang pagtingin tingin ko sa paligid ng mansion ni Cole dahil sa nangyayari sa kanila ni Rich. Kasalukuyan silang nasa magkabilang gilid ng sofa at nag aantayan sa kani kanilang pagkakataon na matakasan at mahuli ang isa't isa. Makikita sa mukha ni Rich ang pagkairita habang si Cole naman ay nang aasar pa ang mukha dahil sa kaniyang mapag larong ngiti.

"Ayoko nga. Kilala na kita, last time that I let you do what you want, I almost meet Satan!" anas ni Cole at inilabas pa nito ang kaniyang dila para lalong asarin ang babae.

"Argg! piste ka talagang lalaki ka! Pasalamat ka at nandiyan na si Daniel dahil kung wala ay aabutin na naman tayo ng isang buong araw sa paghahabulan." anas ni Rich at nagdadabog na lumakad papunta sa malaking hagdanan at matalim ang matang nakatingin kay Cole. 

Bago mawala sa paningin ko si Rich ay tumingin siya sa gawi ko at nginitian ako. Nginitian ko na lang ito pabalik at saka bumaling kay Cole na nag aayos na ng kaniyang sarili. Lumapit agad ako rito para tanongin dahil nac-curious talaga ako sa relasyong meron sila dahil malabong magkapatid sila dahil wala naman silang pagkakahawig sa kahit saang angulo.

"Girlfriend mo?" tanong ko sa kaniya habang nangingiti. Tumingin naman siya sa akin at saka ngumiti at tumango.

"My Amazona Girl." naiiling niyang sagot kaya natawa ako, "Huwag mo na tanungin bakit ko siya naging jowa, ginayuma niya lang naman ako." kunwari ay pabulong na sabi ni Cole sa akin.

"Naririnig kita ha! Baka nakakalimutan mo na naka-connect sa phone ko yang phone mo!" sigaw ni Rich at sumilip pa ito sa railings sa may taas ng hagdanan kaya gulat akong napatingin doon, "Saka ikaw itong nangbulahaw sa natutulog kong puso ano! Pasalamat ka nga sinagot pa kita, sabi mo pa noon ay mamamatay ka kapag nawala ako." pang aalaska ni Rich kaya ang naging reaction ni Cole ay ang magtakip na lang ng mukha dahil sa kaniiyang nararamdamang kahihiyan.

"Huwag mo siyang pakinggan. Imbento yan, crush na crush nga niyan ako noong college kami sa San Francisco." paismid na sabi ni Cole kaya sinamaan siya ni Rich ng tingin pero wala na itong sinabi at umirap na lang siya bago lumakad paalis.

"Tigilan niyo na nga yan. Bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong ko sa kaniya.

Nang marinig niya ang tinanong ko ay naging  seryoso ang kaniyang mukha, "Sumunod ka sakin sa office ko." saad niya saka naglakad paalis at papunta sa isang kwarto.

Hindi na ako tumugon at sumunod na lang sa kaniya dahil mukhang mahalaga at importante ang pag uusapan namin at talagang sa kaniyang opisina pa kami mag uusap. Pagkapasok ko sa kaniyang office ay namangha ako sa ganda ng disenyo rito. Napaka aaesthetic tingnan dahil wala kang ibang makikitang kulay rito kundi shade of brown lang, mula sa sahig hanggang kisame ay ganoon ang kulay, maging ang mga gamit ay pare parehas ng kulay.

Nakita ko si Cole na naupo sa kaniyang swivel chair at sinenyasan akong maupo sa upuan sa harap ng kaniyang table na kaagad naman akong tumugon. 

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Daniel. I need your help on something." saad ni Cole sa seryosong mukha kaya napahinga ako nang malalim para mabawasan ang tensyong ibinibigay niya.

"Anong tulong ba?"

..

Caile

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon