-22-

163 5 0
                                    

..

Daniel

"What's your?" Tanong ni sir Caile sa akin habang nakatingin siya sa menu na hawak niya.

Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Hawak ko rin ang menu na binigay nung waiter sa amin at kanina pa ako nakatitig sa mga pagkain na nasa menu pero hindi ko mabanggit banggit kung anong pangalan nito dahil masyadong komplikado ang basa noon!

"Kung ano na lang ang iyo, ganon na lang din sa akin, hindi ko kasi mabasa." Sambit ko at dahan dahan ko na lang inilapag ang menu sa table at pilit na ngumiti kay sir Caile bago sa waiter na pasensyadong nakatayo lang sa tabi ng table namin.

Napatingin naman saglit aa akin si sir Caile bago bumuntong hininga at kinausap yung waiter para sa order namin. Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi ni sir Caile dahil french ang salita nito habang kausap yung waiter, Italian kasi yung waiter dito kaya kailangan pang gumamit ng ibang language para makausap ang crew rito.

Habang kausap ni sir Caile ang waiter ay nagpatingin tingin na lang ako sa kabuoang lugar dahil napakaganda ng design ng restaurant, aakalain mong nasa isa kaming movie ba. Ganon ang atake niya, romantic movie at may date ang bida sa ganito kagandang restaurant.

"Do you have any plans this coming Saturday night?" Biglang nagsalita si sir Caile kaya napatingin ako sa kaniya.

Napakunot naman ang noo ko kung ako ba ang kausap nito dahil nakahawak siya sa kaniyang ipad at may kinukutingting.

Iiwas na sana ako nang tingin pero nagulat ako nang bahagya nang tumingin siya bigla sa akin habang nakakunot ang noo, masama ang tingin nito sa akin kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Ano na naman ang ginawa ko rito? Palagi ba tong may dalaw at palaging mainit ang ulo nito sa akin?


"B-bakit?" Nautal ko pang tanong kaya napa-singhal siya bago umayos ng upo.

"I was asking you." Sagot niya kaya napaawang ang labi ko dahil doon ko lang na-realize na ako pala yung kausap niya.

"Akala ko kasi hindi ako yung kausap mo." Kamot ulo kong sabi na ikinakunot ng noo niya saka tumingin sa paligid namin at tinaasan ako ng kilay.

"May nakikita ka bang kasama natin para kausapin ko?" Sarkastikong tanong niya na ikinangiwi ko saka umiling.

"Wala naman... Sa tanong mo naman ay wala naman akong gagawin, bakit?" Tugon ko na lang sa tanong niya dahil baka humaba pa ang pamimilosopo niya sa akin at sumakit lang ang ulo ko sa kunsomisyon.

Sumandal siya sa upuan at tiningnan ako sa mata, "I'm gonna invite you to a party since I need to be there with someone. It's a formal party, you don't have to worry." Sagot niya kaya napatitig ako sa kaniya.

Party? Formal party? Kung pupunta siya ron edi ibig sabihin non mga mayayaman ang mapupunta ron? Hindi ko alam kung anong magiging itsura ko ron dahil wala naman sa itsura ko ang pagiging may pera.

Saka paano naman ako makikisalamuha sa mga tao ron, sigurado naman akong maraming matapobre roon dahil napapanood ko ito sa mga palabas sa teleserye eh, yung isasama siya nung bida sa isang party at mabubully siya dahil sa pagiging mahirap niya.


"Kung ayaw mong pumunta, it's okay. Hindi naman kita pinipilit." Biglang sabi ni sir Caile na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?——Ang ibig kong sabihin ay wala pa naman akong isinasagot pero nasabi mo na agad na hindi ako sasama." Sabi ko sa kaniya na ikinatingin niya muli sa akin.

"Why? Sasama ka ba?" Tanong niya pero di ako agad nakasagoy kasi di ko rin naman sigurado kung sasama ba ako sa kaniya, "See? Hindi ka makasagot—"

"Hindi ko kasi alam kung anong susuotin ko ron kasi di pa naman ako nakakapunta sa ganoon at isa pa wala akong susuotin kung sakaling papayag ako sayo baka magmukha lang akong basahan don, maipapahiya pa kita." Pagputol ko sa sasabihin niya kaya napatigil at napatitig siya sa akin.

"Sino ba may sabing hahayaan kitang magmukhang dukha? Siguro naman alam mong ayaw ko sa marumi, ayaw ko sa mabaho at ayaw na ayaw ko na napapahiya ako. Kaya bakit ko hahayaan na mapahiya ako dahil lang sa hitsura mo?" Sambit niya na ikinatahimik ko.

May punto naman siya. Sino nga ba naman ang magpapahiya sa sarili nila sa pagsasama ng isang bagay o tao na siguradong pagmumulan ng kahihiyan nila? Hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya dahil naiintindihan ko siya, ibang iba ang estado ng buhay na meron siya sa buhay ko at sobrang understandable nang sinabi niya.

"Kung ganon...?" Sambit ko at napasulyap pa sa waiter na dumating dala ang push cart yata tawag don basta yung tinutulak nila laman yung order namin.

"I'll buy you some clothes and will take you to a salon." Aniya habang pinapanood ang pag lalagay ng pagkain ng waiter sa table namin.

"Sure ka ba?" Tanong ko sa kaniya at napangiti ako sa waiter at nagpasalamat bago ito umalis pagkatapos ihain ang pagkain.

"Kung papayag ka lang sumama." Sagot niya kaya napaisip naman ako.


Hindi ko maintindihan ang sarili ko, umaayaw ang sarili ko sa ideyang kailangan kong makisalamuha sa mayayamang naroroon na siguradong pagmumulan nang pagkapahiya ko pero may parte sa akin na gustong samahan si sir Caile.

Marahil kasing kaya niya ako inaaya ay dahil sa wala siyang makakasama sa party, o pwede namang ako lang talaga yung naisip niya isama dahil sa kami naman ang magkausap ngayon at isa pa sa ilang araw kong nakasama si sir Caile ay hindi ko siya nakikitaan ng ibang kasama, lalo na ang babae at tanging si sir Clyde lang ang napapansin kong pumupunta sa kaniya at madalas pa itong galit kay sir Caile na palaging kalmado at mapang-asar kapag si sir Clyde ang kaharap nito.

Napapaisip din ako kung bakit ganoon ang reaksyon ni sir Caile sa tuwing kaharap niya si sir Clyde. Dahil ba sa kapatid niya ito at mahal na mahal niya ito? Baka ganoon na nga kasi sigurado na yon pero minsan talaga napapaisip ako kung may saltik lang talaga ito kasi ibang iba siya kapag kaharap ang iba at kapag kaharap ang kaniyang kapatid.


"Naaaliwas na ako sa pagtitig mo sa akin." Saad ni sir Caile kaya natauhan ako at napatingin sa kaniya na kumakain.

Kanina pa pala kami nakain at kanina ko parin siya tinititigan nang hindi sinasadya dahil sa mga iniisip ko at hindi ko pa pala nasasagot yung pag-aya niya sa akin kaya napatikhim na rin ako sa sarili ko.

"Sasama na pala ako." Saad ko na ikinatigil niya saka tumingin sa akin.

"You sure? Wala nang atrasan." Paninigurado niya na ikinakunot ng noo ko

"Ayaw mo?"

"No! That's not what I meant. Anyway, that's great. Magmumukha kang kagalang galang non." Anito at may pilyong ngisi ang lumitaw sa labi niya na ikinaawang ng labi ko.

"Ang baho ng ugali mo!" Singhal ko at for the first time ay nasilayan ko nang harapan ang pagngiti at pagtawa niya kaya sa halip na mas mainis ay napatitig ako sa kaniya dahil para bang kumikinang ang paligid habang nakatitig ako sa kaniya.


______<22>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon