..
Daniel
Napatingin ako sa pintuan na pinaglabasan ni sir Caile dahil narinig ko kaninang may kausap siya, may itsura at masasabi kong gwapo yung kausap niya at kung mag usap sila mukhang close pa nga sila.
Di ko na lamang inintindi yung sinasabi nila bago sila lumabas ng office dahil abala ako sa ginagawa ko.
Ang dali dali naman kasi nitong pinapagawa ni sir Caile. The fact na ABM student ako before and napag-aralan naman namin gumamit ng Microsoft office kaya madali na para gawin ito sa akin, and also sa pagkukutingting ko sa computer niya napansin ko yung email nung secretary niya, it was sent a couple of days ago kaya di na siguro masama kung titingnan ko siya.
At kung sinusuwerte ka nga naman, nakalagay ron na for review ang soft copy ng lahat ng mga re-rework kong mga papel na to.
"Mahal talaga ako ng may kapal." Nakangiti kong saad at sumandal sa swivel chair ni sir Caile.
Masyadong comfy ang upuan niya at sobrang bango. Sigurado akong pabango niya ito kasi naaamoy ko sa kaniya yun eh.
Nang mabagot ako ay tumayo ako at nagtingin tingin sa kaniyang office, napataas pa nga ang isang kilay ko at sumilay ang matamis na ngiti nang makitang may mini pantry itong si sir Caile.
"Since wala pa naman akong gagawin, makapag kape na nga muna." Sambit ko sa sarili ko at nagtungo roon para magtimpla.
Pagkalapit ko ay napatigil ako at gulat na tumitig sa coffee maker.
"Ganito yung sa mga kdrama ah!!" Gulat kong sambit at nananabik na naghanap ng kape, pero hot choco with hazel nut flavor ang nakita ko kaya iyun agad ang kinuha ko.
Nagh-hum pa ako habang hinihintay matapos ang pagbagsak ng hot choco sa mug na nakita ko, nag-iisa lang ito at sigurado akong kay sir Caile pero hindi naman siguro siya magagalit since huhugasan ko naman.
Pagkatapos kong magtimpla ay dumeretso agad ako office table ni sir Caile at doon naupo habang nainom ng kape, pinaglalaruan ko pa nga yung mini statue ng building niya sa lamesa niya eh, grabe kasi yung illusion nung statue.
"What the fuck?"
Napabalikwas ako ng upo nang biglang pumasok si sir Caile na nagsanhi nang pagtapon sa akin ng iniinom kong hot choco.
"Aww!" Saad ko at kaagad na napatayo pero yung ang piangsisihan ko kasi nabitawan ko yung baso na ang ending ay bumagsak at nabasag ito, "Hala!" Gulat kong saad at kaagad na lumuhod sa sahig para damputin yung basong nabasag, napapa-igik pa ako dahil sa mainit na paso sa dibdib ko.
"Don't touch it——" huli na nang matapos si sir Caile sa pagsabi dahil pagkahawak ko sa basag na baso ay napadaing agad ako dahil sa nahiwa akonnito, "Ohh shit! I said don't touch it!" Biglang lumapit si sir Caile at kaagad akong hinanggit pa tayo.
"Aww!" Daing ko dahil sa paghawak niya sa akin tapos nabigla pa yung dibdib kong may paso.
"Look at yourself! Ugh! You're so stupid!" Singhal nito sa akin at kaagad akong tinaboy patabi kaya gulat akong napakapit sa cabinet na nasa tabi lang.
"S-sorry..." Tanging saad ko at masama niya akong tiningnan.
"What makes your sorry if my mug is in this state!? Huh!? You're not just dumb, you're a fucking idiot!" Sigaw niya sa akin na ikinabigla ko.
Para siyang nag-ibang tao dahil sa pagsigaw at pagtitig niya. Napatungo na lang ako nang magpatuloy siya sa pagsisigaw at paninisi sa akin, dinuro-duro pa niya ako habang may matalim na tingin na ipinupukol sa akin.
"Get out! I said GET. OUT.!!!" Malakas na sigaw niya na hindi na ako nagdalawang isip kundi ang maglakad palabas habang nagsisimulang tumulo ang luha ko.
Hindi ko naman sinasadya eh. Nagulat lang naman ako...
"Aww!" Daing ko nang mabangga ako sa taong balak na pumasok sa office, tumama kasi ako sa pinto.
"Sorry, Daniel! Are you okay?" Kaagad na lumapit sa akin si Zayche na siya pala yung nakabanggaan ko.
Naluluha akong umiwas nang tingin, "A-ayos lang ako." Ani ko at kaagad na umiwas sa kaniya, itinago ko na rin yung kamay kong may dugo dahil sa hiwa ng bubog.
"Sandali——"
Napadaing ako sa sakit nang hilahin niya ako sa kamay na saktong may sugat, nahawakan niya ang kamay kong may sugat at dugo kaya bumakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Anong nangyari sayo!? Sabihin mo, sinaktan ka ba ni sir Caile??" Kaagad na tanong sa akin ni Zayche na kaagad ko namang ikinailing.
"H-hindi... Nahiwa kasi ako sa nabasag na baso." Sagot ko na lang sa tanong niya at hindi maitago ng mukha kong nakangiwi ang hapdi na nararamdaman ko.
"Tch. Let's go to the clinic." Saad niya at hindi na ako hinintay makapag salita pa dahil kaagad niya akong hinila kaya wala na akong nagawa.
"Papaano kang napaso rito? Hindi ako naniniwalang hindi ginawa sayo to ni sir Caile." Saad ni Zayche habang abala sa paglalagay ng ointment sa paso sa dibdib ko.
Wala kasi yung nurse rito sa clinic ng company dahil may inaasikaso kaya sinabi niya na lang kanina na kami na raw muna bahala sa paggamot, kailangan niya lang daw talagang makapagpasa ng report niya sa doctor.
Kaya eto ako nakahubad sa harap ni Zayche na abala sa paglalagay ng ointment, napapadaing pa nga ako dahil medyo mahapdi siya.
Nakaupo ako sa hospital bed ng clinic habang si Zayche ay naka-upo sa mono block.
"Hindi nga kasi, ako yung nainom kanina eh bigla siyang pumasok kaya nagulat ako." Pahina nang pahina ang boses ko dahil nakakaramdam ako ng hiya dahil sa katangahan ko.
Napasulyap naman siya sa akin saglit habang nagpapahid ng ointment, "Puro ka kasi kape kaya madali kang magulat, ang kape sa umaga lang hindi ginagawang eight glasses a day." Panenermon pa niya na ikinanguso ko.
"Can't help it." Aniko at napaismid naman siya sa akin.
"Masyado ka na kasing adik sa caffeine kaya ka nagkakaganyan. Tapos na to, lalagyan ko na ng bandage, huwag ka maglilikot kung ayaw mong mahapdian. At etong hiwa mo sa kamay ay palagi mong huhugasan, mahirap nang ma-infect baka mamatay ka pa, kawawa ka naman." Mahabang litaniya kaya napatitig ako sa mukha niya habang nagsasalita ito at nilalagyan ng bandage ang dibdib ko, nalagyan na niya kanina pa yung sa kamay ko dahil inuna niya iyon.
Napangiti na lang ako sa sinasabi niya dahil hindi ko alam kung maiinsulto o matatawa ako sa mga sinasabi niya.
"Ohh tapos na, umuwi ka na ha. Sasabihin ko na lang kay sir Caile na kailangan mo nang pahinga dahil diyan." Saad ni Zayche na ikinatigin ko rito.
"Pero sayang yung masasahod ko." Saad ko na ikinataas ng kilay ni Zayche at namaywang pa sa harap ko, kakatapos niya lang kasi magtabi ng first aid kit.
"Magpapahinga ka sa ayaw at sa gusto mo, mahirap nang baka lumala pa yang mga aksidente mo ako pa ang matimbog ni Papa." Pagsusungit nito kaya wala na akong nagawa at bumuntong hininga na lang ako.
"Okay master, masusunod." Sarkastiko kong sagot sa kaniya kaya napatango na lang siya.
"Kailangan pa ba kitang ihatid?" Tanong niya sa akin pagkababa ko ng hospital bed at masuot ang t-shirt ko.
"Kung bukal sa loob mo ay maraming salamat." Sagot ko sa kaniya na ikinasimangot niya.
"Eh labag sa loob ko." Aniya na ikinataas ng kilay ko, "Tara at may kailangan pa akong ipasang papel." Aniya at walang pasabing lumabas ng clinic kaya napatingin ako sa pintong pinaglabasan niya.
Zayche and his masungit-na-caring side.
______<16>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...