..
Daniel
Agad akong napatingin kay Caile nang marinig ko ang sinabi niya. Nakita ko ang kaluwagan sa expression niya, at mukhang yung pagkaligaw namin ang pinoproblema niya pala kanina.
"Di ko alam na kaya mo palang magpasalamat. Yung sincere ha." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"What?" Nakakunot ang noo niyang tanong kaya napailing na lang ako.
"Wala. Tara na nga hanapin na natin yung ilog." Sabi ko at inaya na siya palakad sa isang direksyon.
"You sure about this way?" Tanong niya kaya napatigil ako.
"Hindi. Hindi ako sigurado kung eto ba yung daan papuntang ilog pero pwede naman tayo bumalik dito at pumunta sa isang direksyon kapag sigurado tayong hindi tayo sa ilog papunta." Sagot ko na lang sa kaniya na ikinatahimik niya at tumango na lang sa akin.
Nagsimula naman na ako maglakad at nagti-tingin tingin sa paligid. Naghahanap ng bakas kung meron bang napapadpad ditong mga tao o may sign na malapit na kami sa ilog.
Tamang masid masid lang ako sa paligid. Medyo malayo layo na rin yung nilalakad namin at medyo may napapansin na akong iba sa paligid, kumokonti yung mga puno.
"It looks like we're in the wrong way—what the fuck are you doing!?" Saad ni Caile nang makita niya akong biglang dumapa sa lupa kaya sinenyasan ko siyang manahimik na ginawa naman niya.
Inilapat ko ang tenga ko sa lupa dahil parang may naririnig ako at sa ginagawa ko ay napangiti ako dahil sa naririnig ko. Masigla akong tumayo at humarap sa kaniya.
"Hindi ilog ang napuntahan natin." Nakangiting sabi ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Kung ganoon, bakit ka masaya riyan?" Tanong niya sa akin.
Tumalikod ako at masayang naglakad, "Malalaman mo rin, kaya let's go na!" Masigla kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi ko naman na narinig yung reklamo niya kaya hinayaan ko siyang sumunod. Mas maigi na yung hindi siya nagre reklamo para maayos kaming nakakapaglakad.
Maya maya ay naririnig ko na ang rumaragasang tubig kaya napatingin ako kay Caile at nginitian siya ng makahulugan kaya bumakas ang pagkalito sa mukha niya.
Magsasalita na sana siya pero mukhang narinig niya ang naririnig ko na kanina pa kaya nagliwanag ang expression niya.
"A water fall!?" Gulat na tanong niya kaya tumango tango ako.
"Hindi ka nagkakamali, kaya tara na!" Sabi ko at hinila na siya papunta sa direksyon kung saan palakas nang palakas yung ingay ng rumaragasang tubig.
Pagkarating namin ay talagang namangha kami sa nakita namin. Ang ganda ng talon na bumungad sa amin at ang simoy ng hangin dito sa tabi ay malamig, hindi sobra pero sapat na para mawala yung init na nararamdaman namin dahil sa araw.
Nakita ko rin ang malinaw na tubig sa ibaba ng talon na nakakonekta sa isang ilog.
"At iyan ang ilog, kung nandito na tayo, pagkatapos natin makapagpahinga at makabawi ng lakas ay lalakbayin natin yang ilog para malaman natin kung saan tayo bumagsak, edi may chance tayong makaalis dito." Masigla kong saad at nakangiting binaybay ng tingin ang ilog, nakakakita ako ng mga isda rito at tamang tama lang dahil nagugutom na kami.
"You have bright idea, let's stick to that." Aniya na ikinatingin ko sa kaniya.
Nginitian ko siya dahil sa papuri niya. Kung noon hindi ko alam kung paano siya mapapapuri sa ginawa ng iba, ngayon may pagkakataon kong makita at marinig na pumuri siya ng mas mababa sa kaniya.
Nakikita ko ang isa pa niyang side at kagabi nakita ko ang isa pa. Hindi ko alam pero parang wala lang sa akin na makita ang isa pang persona ni Caile, hangga't hindi nakukuha ni Celior ang buong pagkatao ni Caile ay panatag ako na walang mangyayaring kakaiba kay Caile.
"Mangunguha na ba muna tayo ng makakain?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin ulit siya sa akin.
"No. Let's look for the space we can rest to before we proceed on finding something to eat." Sagot niya sa akin kaya napatango tango ako.
"May point ka naman, sige." Sabi ko sa kaniya at nagdesisyon na kaming maghanap ng maayos at tamang pagpapahingahan namin dahil sa patuloy naming paglalakad kanina.
Hindi naman kami natagalan sa paghahanap ng pagpapahingahan dahil nakakita kami ng isang malaking puno at patag ang ibaba nito, doon kami nagpunta at naupo rito, ginawa naming sandalan ang puno.
"Aray." Daing ko nang sumandal ako sa puno.
"Why?" Biglang tanong ni Caile sa akin na nakasandal na sa puno.
Napakamot ako sa ulo ko dahil nakalimutan kong backless nga pala itong suot ko at ngayon ko lang naalala to! Parang tanga lang eh no.
Ayan ang napapala ng mga maaarte. May pa backless ka pa kasi self ayan tuloy.
"Nakalimutan kong backless nga pala itong suot ko, tumusok sa akin yung maliliit na piraso ng kahoy." Sabi ko at itinuro ang katawan ng puno na sindalan ko.
Napatingin naman siya sa likod ko at saka siya tumayo. Nakakunot ang noo kong tiningnan ang ginagawa niya, wala na yung tuxedo niya dahil ginawa niyang panali kanina sa sugat namin yung tuxedo niya kaya ang suot na lang niyang pang itaas ay white button down polo na may masikip na vest na nakapatong dito.
Nakita kong inalis niya ang vest na suot niya at yung polo niya saka niya inabot sa akin yung polo kaya nagtataka ko siyang tiningnan na nagsusuot na ng vest niya.
At yung balak kong magtanong sa kaniya ay hindi ko na natuloy dahil napatitig na ako sa katawan niyang masar— parang hinulma ng magaling na sculptor, ang maputi niyang balat at kahit na may sugat siya sa braso ay talagang nakadagdag appeal pa sa kaniya.
Yung malaking biceps niya! Woooh! Parang ang sarap—magpa-headlock.
"Hey!"
"Ay headlock!"
Napabalikwas ako ng upo dahil sa pagsigaw niya. Hindi ko alam kung bakit siya sumigaw kaya napatingin ako sa paligid baka kako may tao o hayop na biglang sumulpot eh.
"Daniel, kanina pa kita kinakausap." Narinig kong sabi ni Caile kaya napatingin ako sa kaniya ulit.
Mapapamura ka talaga dahil sa ayos niya ngayon! Naka-slacks siya at naka vest lang sa itaas, pumuputok ang dibdib niya dahil sa sikip ng vest pero mukhang hindi naman siya hirap doon at yung biceps niya! Mahabaging emre, patawarin ako sa aking mga sala!
"May sakit ka ba?" Tanong ulit ni Caile na nagpabalik na naman sa ulirat ko.
"Ha? Aa—wala! Ano lang kasi mainit dito." Sabi ko at nagpaypay sa sarili ko.
"Nevermind. Ang sabi ko palitan mo na yang suot mo dahil baka magkasakit ka pa kapag iyan lang ang suot mo." Sabi niya at naupo ulit sa kinauupuan niya kanina at sumulyap sakin saglit, "You can ask me naman kung gusto mo tikman katawan ko, nakatulala ka pa riyan." Huling sabi niya bago siya pumikit habang may ngisi sa labi.
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makaangal dahil totoo kasi yung sinabi niyang gusto ko siyang tikma— na nakatulala ako sa kaniya! Juice colored! Nakakahiya pero hindi na masama kasi nakakita ako ng masarap.
Parang hindi ko na kailangan ng pagkain eh mukhang mabubusog na ako sa tanawin—huyy eme ka self.
Napahinga na lang ako nang malalim at umiling iling dahil sa mga naiisip ko. Delikado ka na self. Tumayo na lang ako at kaagad na hinubad yung tuxedo na suot ko, kailangan na rin talagang palitan to kasi nasira siya dahil sa hiwa ko sa braso.
Pagkahubad ko ay isinuot ko naman agad yung polo ni Caile na may kaunting sira lang sa sleeves nito, may dugo dugo pa nga. Pagkatapos kong suotin ay tumingin ako sa direksyon ni Caile at nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya napakunot ang noo ko sa kaniya na patay malisyang umayos nang pagkakasandal sa puno at pumikit.
Ano yon?
______<34>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...