-10-

453 15 0
                                    

..

Daniel

"Mang Karo, ako na lang po ang mag-deliver." Sambit ko pagkalapit ng counter.

Narinig ko kasi sila ni Kyleen na nag-uusap at may deliver na kailangang gawin eh ang kaso hindi pa humabalik yung deliver guy namin kaya naisipan ko na lang na ako na lang siguro, since bakante naman ako dahil naghuhugas lang ako ng pinaggamitan dito.

Ilang linggo na ring bukas itong kainan nila Mang Karo at sinasabi kong naging patok ito, marami ng nadagdag at na-adjust dito sa kainan. Naging successful ang negosyo nila at masaya akong bahagi ako noon.

"Sigurado ka ba, Daniel? Wala tayong motor dahil gamit pa ni Tristan." Saad ni Mang Karo.

Ngumiti ako, "Ayos lang po, may bisekleta naman po si Kyleen, diba?" Baling ko kay Kyleen nang maalala ko ang bike niya na nasa bakuran nila.

"Oo, Pa." Sang-ayon naman ni Kyleen na nagsusulat sa receipt paper.

Napaisip konti si mang Karo bago tumango tango, "Oh siya! Sige, kuhanin mo na ang bisekleta ni Kyleen. Mag-iingat hane?" Paalala pa ni Mang Karo bago ako tumangong nakangiti.

Kaagad akong nagpunta sa bakuran nila para kuhanin yung bike ni Kyleen. May basket naman ito sa unahan kaya hindi hassle ang pag-deliver. Nakasunod naman sa akin si Kyleen dahil siya ang may hawak nung ide-deliver.

Binigyan din ako ni Mang Karo ng helmet para raw safe. Ilang paalala pa nila bago ako tuluyang umalis. Mabilis pero maingat ang ginawa kong pagmamaneobra ng bike ni Kyleen dahil sa mga sasakyang dumadaan din naman.

Mabuti na lang at may cellphone holder itong bike ni Kyleen at nakikita ko ng maayos kung saan ko ito ide-deliver.


"... Pasensya na po... Marami po kasing deliver at hindi pa po nabalik ang delivery guy namin kaya medyo na-late po..." Hingal hingal kong saad pagkalapit ko sa isang lalaking nag-aabang na sa labas ng gate nila.

"Ilang oras ko na itong hinihintay napakatagal niyo! Gutom na ang anak ko ohh!" Singhal nito sa akin kaya napapitlag ako.

Napatingin naman ako sa anak niyang kumakain sa may bakuran nila, nakikita kong don sila sa labas nakain at napakunot noo ako dahil kumakain naman ang anak niya.

"Nakain naman po siya..." Mahina kong sambit na ikinasimangot nitong lalaki.

"Sumasagot ka pa, oh heto bayad! Kupad mo!" Sigaw nito at itinapon sa mukha ko ang ilang perang papel.

Napatigil at napakurap ako sa ginawa niya. Tiningnan ko na lang siya bago pinulot ang pera na ibinato niya. Tahimik ko na lang binilang yung pera at nang malaman kong kulang ang bayad ay magsasalita na sana ako pero pagtingin ko ay masama ang tingin nung lalaki na nakaupo na sa tapat ng anak niya.

Bumuntong hininga na lang ako at nangingiwing naglakad pabalik sa bike ni Kyleen. Nag-kibit balikat na lang ako sa nangyari, nakakahiya lang kasi kay Mang Karo dahil kulang ang perang ibinayad noong lalaki.

Marahan na lang akong nagb-bike pabalik dahil hindi ko naman na kailangang magmadali saka para pahinga na rin, hindi na kasi ako nakapahinga kanina dahil kailangang asikasuhin lahat ng customer.

Napapatingin pa ako sa building ng mga company rito, kung siguro nakapag college ako ay maganda ang trabaho ko ngayon--hindi ko naman sinasabing hindi maganda ang trabaho kong ito, yung trabahong gusto ko ba.

"Meow!"

Natigil ako sa pagb bike nang makarinig ako ng pusa. Napatingin ako sa paligid, patuloy siyang nahuni kaya hindi ako tumigil sa paghanap nung pusa.

"Meow!"

"Nasaan ka ba?" Tanong ko na akala mo'y magsasalita yung pusa pabalik.

"Nasa likuran mo."

Natigil ako sa paghahanap nang may magsalita. Nanlaki ang mata ko dahil sa nagsalita yung pusa.

"M-malaki ka ba?" Tanong ko at kinakabahan talaga ako ng sobra, napahigpit pa nga ako sa paghawak ng manubela ng bike.

"Malaking malaki." Sagot nito na ikinatindig ng balahibo ko sa buong katawan.

"WAHHHH!" Sigaw ko dahil sa takot at nangangatog na nagpadyak ng bike.

"Huy teka! Sandali!" Sigaw nito at dahil sa takot ko ay nagsisigaw ako habang nagmamadali sa pagpapedal.

"Wahhhh-ahh!" Sigaw ko at nakita ko na lang ang sarili kong pasubsob na sa kalsada dahil sa pagsulpot nitong kotse sa pasalubong kaya ang ending sumalpok yung bike na gamit ko at heto ako.

"Daniel!!!"




"Aww-aray!" Daing ko habang dinadampian ng nurse yung mga bangas ko sa mukha ng betadine, kung makikita mo lang parang inilampaso yung mukha ko sa kalsada.

"Bakit ka kasi nagmadali ng ganoon?" Tanong nitong asungot sa isang tabi habang pinapanood ako na ginagamot ng nurse.

May benda na rin ang kamay ko dahil nabalian ako, puro gasa yung binti at braso ko dahil sa paggulong ko nga sa kalsada.

Ang magandang balita lang kasi hindi ako napuruhan dahil nakapreno agad yung kotse at ako lang talaga yung sumalpok doon, hindi naman malakas ang pagkakatalsik ko parang ano lang tumaob yung bike at oa lang katawan ko para gumulong.

"Eh nananakot ka kasi!" Singhal ko rito at lalong napadaing pa.

"H'wag po masyadong gumalaw, mas sasakit po yan." Paalala nitong nurse kaya natahimik ako.

"Is everything settled?" Pumasok ang isang lalaking matangkad na nag-uumapaw sa sama ng loob.

"Walang settled settled." Sambit ko at sinamaan ito ng tingin na tumaas naman ang kilay nito.

"Yes, boss! Ako na bahala kay Dan." Sambit ni Zayche at tumungo sa harapan ni Caile.

Oo si Zayche yung nanakot sakin at si Mr. Sungit ang may ari nung kotse. Malas ko lang dahil siya pa ang dahilan bakit ako nagkaganito.

"I don't care if you can't accept my money, Zayche already accepted it." Sagot nito bago walang pasabing lumabas ng hospital room na pinagdalhan sa akin.

Isa rin yung oa sa totoo lang, inilagay ba naman ako rito sa isang hospital room. Like, hello? Bangas at bali lang ang natamo ko hindi naman ako naputulan ng braso o nabutas ang bungo!

"H'wag na matigas ang ulo mo, binayaran na nga ni boss yung bills mo rito eh." Ani Zayche at nag-crossed arm pa.

"Tapos na po, pahinga na lang po kayo ng kaunti sabi ni Doc and then pwede na raw po kayo ma-discharge." Nakangiting sambit ng nurse kaya tumango ako rito.

"Thank you." Sambit ko at pinanood ko na lang na makalabas ang nurse bago bumaling kay Zayche, "Kasalanan mo talaga to." Asik ko kaya nangiwi siya.

"Oo na! Kasalanan ko na! Ano masaya ka na ha? Ano gusto mong gawin ko!? Lumuhod at magmakaawa para lang mapatawad mo!?" Madramang sigaw nito na ikinagulat ko.

Ehhh?????? Napaka OA naman nitong lalaking to T_T


______<10>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon