..
Daniel
Napakurap kurap ako habang nakatitig sa pinutang nilabasan nila tatay. Hindi ma-proseso ng utak ko kung ano ang nangyari, yung panginginig ng katawan ko ay para bang biglang naglaho dahil sa naging asta at salita ni tatay.
Parang may nag iba sa kaniya na hindi ko maintindihan at ngayon ko lang narinig ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Noon ay minamaltrato niya lang ako at sinasabing kahihiyan ako sa pamilya niya, na isa akong makasalanang tao sa Diyos.
Kaya ngayon ibang kirot yung naramdaman ko sa dibdib ko pero may mali sa mga sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan, masyado siyang magulo. At si nanay, ni kailanman ay hindi niya pinagtaasan ng boses ni tatay, ngayon lang ito nangyari.
Ano ba ang nangyari magmula nang umalis ako sa mansion? Marami bang nagbago dahil doon? Mas lumala ba ang ugali ni tatay kumpara nung kabataan ko? Sobrang gulo na ng isip ko, ang dami dami ko nang iniisip pero dagdag nang dagdag ang mundo.
"Ayos ka lang ba, Daniel?" Narinig ko ang tanong sa likuran ko at sa gulat ko ay kaagad akong napaharap kay Mang Karo.
"Mang Karo..." Mahinang sabi ko, hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sobra na ang hiyang nararamdaman ko sa ngayon.
Napansin ko rin si Kyleen na ngumiti sa akin at tumango, hindi sila nagsalita ni Isaac at sumenyas na lang na aalis sila. Si Zayche naman ay nakahalukipkip lang sa dibdib niya at nakasandal sa pintuan ng kusina, nasa malayo ang tingin niya at mukhang may iniisip.
"Tinatanong ko kung ayos ka lang ba, gusto mo ba nang maiinom?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kaniya at nakita ko ang sinseridad sa mga ngiti niya.
"Sorry po." Pinilit kong hindi mag-crack ang boses ko dahil para bang may bumbilyang nakabara sa lalamunan ko dahil sa pangingilid ng luha ko.
Ngumiti ng malapad si Mang Karo, "Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala kang kasalanan. Karapatan mong ilihin ang pagkatao mo sa amin, isa pa, kita at ramdam ko na mabuti kang tao kaya walang kaso sa akin kung naglihim ka tungkol sa iyong pagkatao. Hindi mo kailangang mag-alala, ewan ko na lang para sa isa riyan." Mahaba at makahulugang saad ni Mang Karo at agad naman akong napatingin kay Zayche na nakatingin pala sa akin.
Napaiwas agad ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang kakaibang titig niya. Hindi ko maintindihan ang paraan nang pagtitig niya at mukhang ayaw kong intindihin kung ano man iyon.
"Salamat po, Mang Karo." Saad ko na nginitian at tinanguan lang ni Mang Karo bago nagpaalam na pupunta siya sa Chick-Chicken.
Naiwan akong nakatayo roon, tumingin ako kay Zayche na biglang umayos nang tayo at naglakad palapit sa akin. Magsasalita na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"Tara sa terrace." Sabi nito at walang pasabing naglakad papunta sa hagdan.
Nasundan ko siya ng tingin. Ang sinasabi niyang terrace ay yung nasa kwarto niya sa taas, may terrace ron na may mga gamit niya ring pang engineer, mukhang doon siya gumagawa ng ibang gawain niya kapag naisipan niya.
Wala akong pagpipilian kundi ang sundan siya para na rin makausap ko siya tungkol sa isinekreto ko, hindi ko man nakikita na big deal iyon pero para makitang napaisip siya sa nangyari kanina ay mukhang kailangan kong magpaliwanag.
"Lalim yata nang iniisip mo." Saad ko pagkalabas ng terrace, nakita ko kasi si Zayche na nakapatong ang dalawang siko sa railings habang nakatanaw sa maaliwalas na kalangitan.
"Pinalalim mo eh." Sagot nito kaya napataas ang kilay ko saka tumabi sa kaniya, ipinatong ko rin ang siko ko sa railings at tiningnan naman ang mga mangilan-ngilang puno rito sa street.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...