-43-

119 6 0
                                    

..

Daniel

Natigilan kami at nakaramdam ako ng kilabot sa katawan ko nang marinig ko ang boses ni Caile. Maging itong babaeng nakaaway ko ay natigilan din.

Dahan dahan akong pumihit paharap sa likuran ko at nakita ko roon si Caile na nakatayo at walang emosyong nakatingin sa aming dalawa.

"What is this mess?" Matalim ang tinging tanong sa amin ni Caile.

Nakagat ko ang labi ko at napaiwas ng tingin. Pasimple ko ring itinago yung kwintas ko at hindi ko alam kung nakita ba niya yon o hindi pero sana hindi, baka bawiin pa yung naging sahod ko. May sahod pa akong hindi nakukuha, yung huling araw.

"C-caile! Huhu that bitch punch me!" Nag iyak iyak yung babae na ikinangiwi ko, may halong baby talks pa siya.

"What?" Napakunot ang noong tanong ni Caile at tiningnan ako bago yung ilong nitong babae na dumudugo, "Don't tell me he can did that to you, Kyla." Natatawang sabi ni Caile na ikinatigil naming lahat, as in lahat.

Agad namang napasimangot itong babaeng tinawag na Kyla. Kumukuha na rin kasi siya sa bag niya ng tissue at ipinapasak niya sa dumudugo niyang ilong.

"Gosh! Caile, you should know that because he's still a guy! Fuck! Who is this ba? Bakit ba siya narito? Empleyado mo? Kung ganoon, fire him! I want him out of this company!" Paghihimutok pa nito kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Anong meron?" Tanong ni Zayche na lumapit sa tabi ko kasama si Chloe, may dala pa itong milktea.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Caile, "This is just a misunderstanding, it's settled." Seryosong sagot nito kay Zayche na nakakunot ang noong nakatingin sa babaeng oa.

"Ayy bakit nadugo?" Tanong ni Chloe at tinuro si Kyla na parang umusok naman ang ilong sa galit.

"You're asking me with that? He punch me!" Sigaw nito at itinuro pa ako kaya napaiwas ako ng tingin, si self kasi yun hindi ako. Nakakainis kasi siya.

Sabay na napatingin sa akin si Zayche at Chloe bago tumawa ang babaita kaya mas lalo akong nailang sa mga tingin ng mga tao sa akin.

"And, it's still not settled! I want to sue him, Caile!" Paghihimutok pa ni Kyla kaya napatingin na naman ako sa kaniya.

"Hindi ka parin pala tapos, gusto mo black eye?" Tanong ko rito at tinakot pa siya kaya napakapit siya kay Caile at nang tumingin ako kay Caile ay madilim ang tingin nito sa akin kaya napa-atras ako.

"He's so aggressive! A total lunatic!" Pag iinarte pa ng babaita.

Ngumiwi ako saka naiiling na tumingin ulit kay Caile, "Saka na nga tayo mag-usap. Nakakapangit ng mood yang malaking mata na yan." Saad ko at inismiran si Kyla na napaawang ang labi.

"How dare—"

"I'll just call you when I have free time." Putol ni Caile sa gustong sabihin ni tarsier kaya tumango na lang ako.

"Wala pa akong phone, diba nga nakasama sa kotse mo? Sabihin mo na lang kay Zayche, siya na lang bahala magsabi sa akin. Thank you." Saad ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Bakit?" Tanong nito kaya nagtaka ako.

"Anong bakit?" Tanong ko naman, nagtataka bakit siya nagtanong kung bakit.

Napatingin siya kay Zayche bago umiling, "Nothing. I'll just give notice to Engr. Zayche." Anito at hindi na hinintay ang sagot ko saka tumingin kay Kyla na masama ang tingin sa akin, "Let's go before you got black eye." Saad nito at hindi ko alam pero pakiramdam ko inaasar niya ang babae.

"Ugh! Fuck you, Caile." Naiiritang sumunod ito sa isa.

Nasundan lang namin ang pinagdaanan ng dalawa. Ang mga nakapaligid naman ay unti unti ring nagsialisan maliban kay Zayche at Chloe na naghihintay sa akin.

Naiiling na lang akong lumapit kila Zayche at inaya na silang umalis doon. Nalaman ko rin na kaya pala wala sila kanina sa crowd ay lumabas sila para bumili ng inumin para sa dinala kong pagkain.

..

"Hoy! Pero totoo? Sinuntok mo talaga siya?" Tanong ni Chloe na natatawa.

Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Nasa rooftop kami ng building kung saan pwede mag lunch ang mga empleyado at ang ganda ng ayos dito ha, halatang mga engineer at archi mga employees.


"Gago, astig non ha!" Anito kaya napakunot ang noo ko.

"Anong astig don? Masyado kasi siyang bossy at mayabang, eh nainis ako lumabas si Self." Saad ko sa kaniya at mas lalo siyang natawa.

"Nakakatakot pala si self mo, bigla biglang nananapak." Aniya at uminom sa milktea niya.

"Deserve niya yon, binunggo niya ako eh." Aniko at umismid pa.

"You still did something wrong." Singit ni Zayche sa pag uusap namin ni Chloe kaya napangiwi ako.

"Oo na, kanina mo pa talaga yan sinasabi. Ako na masamang tao." Umikot yung mata ko at napansin ko naman ang pag-buntong hininga niya.

"Bakit hindi ka na lang umuwi? Tutal sabi mo sa susunod na kayo mag uusap?" Tanong sa akin ni Zayche at sumandal sa upuan niya.

"Bakit? Pinapaalis mo na ba ako? Ang ganda rito kaya, gusto ko pa tumambay." Saad ko at natawa si Chloe.

"Good choice, ganda rito sa rooftop." Approve ni Chloe sabay thumbs up sa akin na bigla namang tinapik ni Zayche.

"Kinukunsinte mo pa itong maliit na to." Anito kaya napaawang ang labi ko.

"Pasmado ang bibig mo ah! Maitim." Ganti ko sa kaniya at napangisi naman siya.

"May biceps naman." Anito at nag-flex pa talaga sa harapan ko kaya lalong napaawang labi ko.

Tumikhim ako, "Anong connect?" Tanong ko rito.

"Sakalin kita gamit nito kapag gumawa ka pa ng gulo rito, kaliliit mong tao takaw gulo ka." Sabi nito kaya ang nagawa ko na lang ay napahawak sa dibdib ko.

"Wow! Grabe ang panglalait, huy! Ako to ohh si Danielll! Grabe ka namannn! Kaibigan mo akoo!" Sarkastikong saad ko at napatingin kami kay Chloe nang masamid ito.

Natatawa itong umuubo saka kumuha ng tissue para punasan ang labi. Natatawa talaga ito at hindi ko maintindihan kung para saan.

"Ohh kaibigan mo naman pala eh, bakit mo naman kasi nilalait." Anito at may makahulugang tingin kay Zayche kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit ganiyan tingin mo?" Tanong ko kaya nagulat si Chloe at tumingin sa akin.

"Ha? Paanong tingin?" Tanong nito na agad ko namang sinagot.

"Para kang may gagawing hindi maganda." Sagot ko at si Zayche naman ngayon ang natawa.

Ano bang meron sa dalawang to at puro tawa na lang.

"Nako, Dan. Ganyan lang talaga kademonyo ang mukha niyan, it's like that's her default face." Natatawang sabi ni Zayche habang naka crossed arm sa may dibdib.

Hinampas naman siya ni Chloe sa braso, "Pasmado nga yang bibig mo! Sama ng ugali nito." Ani Chloe na ikina-kibit balikat lang ni Zayche at nagsimula naman na ulit silang kumain at nakisalo na rin ako dahil mapilit sila masyado.

______<43>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon