..
Daniel
Umuwi akong sawi dahil sa nangyari. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin nito, siguro dapat ko na talagang gawin yung sinabi ng aroganteng yun, sa karinderya na lang siguro ako magt-trabaho.
Pero sa ngayon kailangan ko munang magpahinga at napaka-init sa byahe! Nahiga ako sa kutson ko at napatulala sa kisame, ano ba naman kasing naisipan ko at doon pa talaga ako magbalak na pumasok.
Napabuntong hininga na lang ako at nagtaklob ng mata gamit ang braso ko. Sumagi sa isipan ko ang lahat nang naranasan ko sa probinsya, ang paghihirap ng mga magulang ko mapag-aral lamang kami.
"Hindi maaari to, kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho." Saad ko habang tumatayo sa pagkakahiga, inayos ko ang suot ko at napagdesisyonan na umalis at maghanap ng trabaho.
Hindi ako babalik ng kwarto ko hangga't hindi ako nakakahanap ng trabaho. Umakyat ako pataas ng hagdan at saktong may umiihing tambay sa tabi ng hagdanan kaya napatigil at napaiwas agad ako ng tingin.
"Ano ba naman yan, Koloy! Sinabi ng hindi ihian yan!" Singhal ko sa kaniya.
"Pasensya na, Dan, hindi na talaga kaya ng pantog ko." Hinging pasensya niya na nginiwian ko.
"Buhusan mo ng tubig yan ha!" Sigaw ko at agad na umalis, narinig ko na lang ang pagtugon niya pero di ko na pinansin pa.
Naglakad lakad na lang ako sa kahabaan ng kalsada, tumitingin tingin at nagbabalak na baka may naghahanap ng boy sa kanilang mga negosyo.
May nakikita akong hiring pero grabe naman dapat daw college undergraduate or graduated, meron namang gusto na babae ang i-hire. Napapakamot na lang akong lumalabas ng kanilang mga negosyo.
Katanghaliang tapat at nandito ako sa may park umiinom ng malamig na tubig. Nasa lilim naman itong puwesto ko kaya hindi mainit pero dahil sa pabalik balik akong naghahanap ng trabaho eh sobrang banas na ng pakiramdam ko.
Binuksan ko ang ilamg butones ng polo ko at pinaypayan ang sarili dahil sobrang init na talaga. Nagpapalinga linga pa ako sa tabi nagbabaka sakaling may opportunity.
"Kaka-open lang po namin! Sana makapunta kayo sa Chic-chicken Restaurant!"
Napatingin ako sa babaeng nagbibigay ng flyers, may ngiti ito sa labi niya at parang hindi siya naiinitan para lang makapagbigay ng flyers sa bagong bukas na Restaurant daw nila.
Napaisip ako at napangiti. Bagong bukas sila at siguradong hiring din sila! Kahit taga deliver o taga hugas lang ng pinaggamitan ay okay na.
May ngiti akong lumapit sa babae, "Hi, Miss." Bati ko rito at kaagad naman siyang tumingin sa akin.
"Oh hello, sir! Gusto mo po ba? Bagong bukas ang restaurant namin at sinisigurado kong masarap at worth it ang chicken dish namin——" kaagad kong pinutol ang mabilis niyang pagsasalita, grabe sa kabilisan neto magsalita.
"Aah hindi ako napalapit para kumain hehe... Nagbabaka sakali lang ako na hiring kayo? Kailangan ko lang talaga ng trabaho." Mangiyak ngiyak konh sambit na ikinatigil niya.
"Nako, kakabukas palang kasi namin eh at hindi pa namin kailangan ng maraming trabahador." Pagpapaumanhin niyang sambit pero hindi ako sumuko at mas lalong ngumiti.
"Kahit taga deliver o taga hugas lang??? Sige na, Miss." Pagmamakaawa ko, "Wala na akong makain parang mercy mo na." Dugtong ko pa na ikinangiwi niya.
Napakagat labi siya, "Sabihin ko kay papa ha? Pero hindi pa muna ngayon kasi kailangan ko pa mag-promote nito." Pilit na ngiti na sabi nitong babae at pinakita ang flyers na hawak niya.
"Edi tulungan na kita riyan! Hati tayo doon ako sa kabilang dako at kita na lang tayo rito, G?" Nakangiti kong sambit at nakikita ko ang pag-aalinlangan niya bago tumango at hinati ang flyers na hawak niya.
"Sige sige! Sana marami tayong mahakot na customer." Sambit niya at nakangiting binigay sakin ang flyers.
"Pilitin natin... By the way, anong name mo?" Tanong ko sa kaniya na aalis na sana sa pwesto namin.
"Kyleen." Sambit niya na may ngiti saka ako tumugon sa kaniya.
"Daniel. Paano kita na lang tayo later." Sambit ko at masayang umalis at pumunta sa lugar kung saan maraming taong dumadaan.
Habang naglalakad ay pinag-aralan ko pa ang nilalaman ng flyers para malaman ko kung anong mabubulaklak na salita ang masasabi ko.
Sobra ang pagngiti ko habang walang tigil na paghaharang sa mga taong dumadaan para lang ma-promote ang restaurant nila Kyleen.
"Hi, official opening po namin mamaya at sana makapunta kayo!"
"Hi, official opening po namin mamaya at sana makapunta kayo! May promo rin po kami!"
"Hi, official opening po namin mamaya at sana makapunta kayo! Hindi kayo magsisisi sa lasa nito!"
Walang tigil ako sa pagsasalita at hindi napapawi ang ngiti sa labi ko. Kahit hindi ako pinapakinggan ng mga dumadaan pero marami rin namang tumitigil at kumukuha ng flyers na hawak ko.
May iba pa na pasimpleng nagp-promote ng sarili nilang produkto pero kaagad ko silang pinapaalis ng maayos dahil kailangan ko pang maubos tong flyers.
"Sa wakas! Kakapagod din magsalita nang magsalita ha." Sambit ko at pagod na naglalakad papunta sa pwesto na napagkasunduan na namin ni Kyleen.
"Wow, naubos mo ha?" Bati sa akin ni Kyleen na nakaupo na sa bench sa park, mamaya pa namang 3pm ang official opening nung restaurant nila kaya may oras pa kami.
"Magaling ako eh! Saka oo nga pala may promo ba kayo?" Tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Promo? Bakit?" Tanong nito at mukhang wala.
"Kailangan niyo ng promo kapag ganito dahil opening niyo palang naman, kailangan magpakitang gilas sa madla para mahikayat silang bumili at magpabalik balik sa restaurant niyo." Sambit ko at napatitig naman siya sa akin, "Kasi kung una palang ay ganon na agad ang presyo niyo o nilalaman non ay asahan niyong kakaunti lang ang magiging customer niyo." Dugtong ko pa saka nagpapaypay ng sarili gamit ang kamay na tumingin tingin sa paligid.
"Mukhang kailangan nga naming gawin yan, mamaya sabihin natin kay papa. Mukhang may alam ka sa ganito ah?" Sambit niya na ikinangiti ko.
"ABM graduate kasi ako noong senior high." Sagot ko sa kaniya na ikinatango niya.
"Anong course mo ngayon?" Tanong niya na ikina-iwas ko ng tingin.
"Hindi ako nag-aaral." Sagot ko na ikinatingin niya sa akin, "Wala na kasing pera pampaaral kaya hindi na ako nag-college. Kailangan na talagang kumayod eh." Dugtong ko pa na ikinatango tango niya.
"Hays, hirap talaga ng buhay ano?" Aniya na sinang-ayunan ko, "Tara na nga! Ituon na lang natin sa pag-aayos ng restaurant para mamaya." Sambit niya na ikinangiti ko.
"Let's go!"
______<6>______
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AkcjaMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...