-38-

312 11 2
                                    

..

Daniel

Nakangiti akong nagmulat ng mata. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayong nagising ako. Naramdaman ko ang kamay ni Caile na nakapulupot parin sa akin.

Napansin ko rin na naka suot na ulit sakin yung mga damit ko. Kahit si Caile ay nakasuot na rin ng damit niya. Hindi ko alam na ganito pala siya kaalaga.

Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Caile sa pagkakayakap sa akin at akma akong babangon mula sa pagkakahiga nang matigilan ako at mapadaing dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Putek." Nasabi ko na lang dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa tumbong ko.

Narinig ko ang paggalaw ni Caile at nagsalita siya, "What is it?" Tanong niya at saka bumangon sa kaniyang pagkakahiga at tiningnan ako na may kunot noo.

"Masakit." Sabi ko at mukha naman siyang natauhan.

"Ohh sorry 'bout that." Nakangiwi niyang sabi, "Just stay still, pahinga ka na lang muna ngayon. Saka na tayo magsimula sa paghahanap kung paano tayo makakaalis dito." Sabi niya kaya napatango na lang ako dahil hindi ako ganoon makakilos kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong nakahiga.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Caile nang makitang papalabas siya.

"Manghuhuli ulit ng isda... For breakfast, of course." Aniya at kita ko ang umay sa mukha niya kaya tumango na lang ako sa kaniya.


Wala kang choice, Caile, kundi ang magtiis. Pasasaan pa't makakaalis din kami sa gubat na to. Mabuti na lang at walang mababangis na hayop ang nagpunta sa amin kagabi, siguro naingayan sa amin. Haha.

Nakatulala lang ako sa bubong ng kubong ginawa namin habang nakahiga. Nag-iisip ng maaaring gawin namin pagkatapos kong makaayos ng pakiramdam.

"Sir Caile!! Sir Daniel!!"

!!

Napatingin ako sa isang direksyon nang marinig iyon. Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ko kaya kahit nahihirapan ay pinilit kong bumangon at nagulat pa ako nang biglang sumulpot sa pintuan si Caile na basa pa ang ibabang bahagi niya.

"Did you hear that?" Tanong ni Caile sa akin na agad ko naman tinanguan.

"Oo, mukhang may makakakita na sa atin! Patulong naman lumabas para mabilis nila tayong makita." Masiglang sambit ko at kaagad naman niya akong dinaluhan.

"Careful." Ani Caile habang nakaalalay sa akin.

Nakahawak ang kamay niya sa isang kamay ko habang yung isa ay nakahawak sa bewang ko. Grabe, nanginginig tuhod ko dahil sa sakit ng pwetan ko.

Napapakagat labi ako sa pagpipigil na mapadaing lalo habang naglalakad kami. Patuloy din ang sumisigaw at mas nadagdagan ang sumisigaw kaya sigurado kaming hindi lang isa ang naghahanap sa amin.

"Nandito kami!" Malakas na sigaw ko at naramdaman ko ang bahagyang gulat ni Caile dahil sa pagsigaw ko.

"We're here!!" Nakisigaw na rin si Caile at narinig ko naman ang pagtugon ng sumisigaw.

"Daniel!?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya napatingin ako kay Caile.

"Si Zayche yun!" Masiglang sambit ko at kaagad na sumigaw, "Dito, Zayche!! Nandito kami!" Sigaw ko at sinenyasan si Caile na huminto na lang kami para hindi na magkasalisihan.

"Daniel!? Daniel!" Lumabas si Zayche sa masukal na gubat at nagkatinginan kami.

Kita ko ang nag-aalalang mukha ni Zayche habang may hawak pa itong flashlight. Huwag mo sabihing simula kagabi pa sila naghahanap? At inabot sila ngayon ng umaga.

"Zayche!" Natutuwa kong sabi at mas lalo akong nasiyahan nang makita ang sunod sunod na paglabas ng mga tauhan ni Caile at mga pulis.

Hindi mapagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ko. Nasa kabilang ibayo sila ng ilog kaya hindi kaagad sila makalapit sa amin.

"Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo!?" Pasigaw na tanong ni Zayche sa amin na tinanguan ko naman agad.

"Oo, ayos lang kami! Salamat naman at nakita niyo na kami!" Naiiyak kong sabi at napadaing nang nakalimutan kong masakit pa ang likod ko nung mapahakbang ako.

"Daniel!" Nag aalalang tawag ni Zayche sa akin nang makitang matutumba ako pero mabuti na lang at nasalo ako ni Caile.

"Careful." Simpleng saad ni Caile at tumingin sa mga kapulisan, "Ano pang itinutunganga niyo riyan? Kumilos kayo para maialis kami rito! I'm so sick of this place!" Singhal ni Caile na ikinagulat ko.

Para siyang nag-ibang tao ngayong may ibang tao na rito. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko, para akong kinakabahan na ewan ko.

"Hintay lang, boss! Nakuha na ng bangka ang ibang tauhan niyo!" Sagot ng isang tauhan ni Caile.

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi nito, mabuti naman at kaagad silang nakatalima nang makita ang ilog na ito. Hindi naman ganoon karahas ang  agos ng tubig kaya maayos kaming makakatawid pagkarating ng bangka.

Makaraan lang ang ilang saglit at dumating na rin ang maliit na bangka, yung gamit ng mga rescue team para kami'y sagipin.

Nakita ko pang sumama si Zayche sa susundo sa amin at kita ko parin ang pag-aalala niya. Pagkarating nila sa amin ay kaagad nila kaming nilapitan.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba?" Tanong agad ni Zayche pagkalapit sa akin at tiningnan pa ang kabuuan ko, nakatitig lang ako sa kaniya habang nag aalala siya at hindi ko maiwasang mapaisip nang makitang natigilan siya at saglit na may dumaang kung anong reaction sa mata niya.

"Ayos lang ako, kaunting sugat at bali lang ang natamo ko." Sagot ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin, naging malumanay ang mga tingin niya.

"Makakalakad ka ba?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin saka bahagyang umiling, "Buhatin na lang kita." Aniya at bigla akong binuhat kaya napahiyaw ako sa gulat.

Kaagad akong napakapit sa leeg niya dahil sa ginawa niya. Binuhat niya ako in a bridal style kaya nakakaramdam ako ng hiya ngayon. Marami ang nakatingin sa amin at napansin ko ang isang malamig na titig kaya napatingin ako rito.

Nakita ko si Caile sa likuran namin na nakatitig sa akin ng malamig. Walang emosyon ang mukha niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil para niya akong hinuhukay.

Kasama naman niya si Samuel na una naming narinig na sumigaw kanina. Kinakausap siya nito pero hindi niya pinapansin dahil sa akin siya nakatingin.

Napatingin na lang ako kay Zayche habang buhat niya ako at patungo sa bangka na sasakyan namin paalis dito sa kabilang bahagi ng ilog.

"Salamat." Mahinang sambit ko pagkalapag sa akin ni Zayche sa bangka.

Tumabi siya sa akin at tiningnan ako, "Kumusta ang paglalagi niyo rito? Wala naman kayong mababangis na hayop na nakasalamuha?" Tanong nito sa akin sa seryosong mukha.

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng hiya sa paraan ng pagtitig niya. Umiling na lang ako bilang tugon sa kaniya. Hindi naman na siya nagsalita at napatingin na lang ako kay Caile na sumakay na ng bangka, hindi ito tumitingin sa akin kaya nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Napatingin na lang ako kay Zayche nang maramdaman kong may inilagay siya sa balikat ko at nang tingnan ko ito ay napatingin ako sa kaniya.

"Ang nipis ng suot mo, malamig dito sa gubat na napuntahan niyo." Simpleng sabi niya kaya natahimik na lang ako at hinigpitan ang pagkakapulupot ng jacket sa katawan ko.

Umandar ang bangka na walang nagsasalita sa aming lahat. Nakakaramdam ako nang pagkailang dahil kay Caile, nararamdaman ko ang minsang tingin niya sa akin kaya napapatingin ako sa kaniya at magtatama ang mata namin pero may kakaiba sa mata niya.

Masyadong malamig iyon at titingin siya sa katabi kong si Zayche, sa bawat tingin niya kay Zayche ay mas lumalamig at tumatalim ang tingin niya kaya umiiwas na lang ako ng tingin at minsa'y titingin kay Zayche para makita kung anong reaction nito.

"Bakit?" Tanong ni Zayche na inilingan ko lang saka ako napabuntong hininga.



______<38>______

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon