-42-

252 6 0
                                    

..

Daniel


"Bakit ka nandito?" Tanong ni Zayche sa akin nang makita ako sa office nila.

Ilang araw na rin yung nakalipas magmula nung mailigtas kami sa gubat. Nagpahinga at nagpagaling muna ako bago ako nagtungo rito sa office nila.

"Dinalhan ko kayo ng pagkain." Nakangiti kong sabi at pinakita yung bag na dala ko.

"Wehhh? Totoo? Kasama ako?" Tanong ni Chloe na agad lumapit sa amin.

Natawa ako saka binigay sa kaniya yung dala ko, "Oo nga, oh ayan." Sabi ko at mabilis namang kinuha iyon ni Chloe.

"Ayy salamat! Sakto nagtitipid ako ngayon." Anito kaya nginitian ko siya.

"May dadaanan din kasi ako kaya idinaan ko na rin yan sa inyo." Sabi ko na lang at napatingin sa akin si Zayche.

"Saan? Ayos ka lang ba umalis? Alam mo naman yung nangyari sa inyo." Anito na inilingan ko naman.

"Ayos lang ako at saka hindi naman malayo ang pupuntahan ko, huwag ka mag alala." Sabi ko at napatango tango naman siya.

"Pero saan nga?" Tanong ni Chloe at sasagot na sana ako pero nahagip ng mata ko ang paglabas ni Caile sa elevator kaya agad akong nagpaalam sa kanila.

"Dito, sige babye." Nagmamadali kong sabi at kaagad na naglakad palapit kay Caile na kasama niya lang si Samuel.

Kita ko ang pagka-seryoso ni Caile habang naglalakad siya tapos habang nag-sasalita si Samuel at tumitingin tingin sa ipad nitong hawak. Mukhang nagre-report siya.

"Caile." Pagtawag ko rito kaya natigilan sila sa paglalakad at napatingin sa akin.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Caile sa akin, "What are you doing here?" Tanong nito sa akin, masyado itong cold kaya parang may tumusok sa dibdib ko.

"Uhm gusto sana kita makausap—pero kung may time ka lang naman." Sagot ko sa kaniya.

Tumingin si Caile kay Samuel at mukhang nakuha naman nito ang gusto mangyari ni Caile. Nagsimulang basahin ni Samuel ang schedule ni Caile ngayon at mamayang 3pm pa pala siya free kaya napatango ako.

Ngumiti ako, "Hintayin na lang kita hanggang three, wala rin naman akong gagawing iba." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin ng seryoso bago bahagyang tumango bago ako tinalikuran at naglakad na paalis kasama si Samuel na may alanganing ngiti sa akin.

Naging mapait yung ngiti ko at pinaghawak ko na lang yung dalawang kamay ko, nahihiya ako sa mga dumadaan dahil mukhang narinig nila ang sinabi ko kanina tapos ganon reaction ng boss nila sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim saka napagdesisyonan na lang na bumalik kila Caile.

"Bakit ganiyan kayo makatingin?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Pagbalik ko kasi rito ay napansin kong hindi sila umalis sa pwesto nila at mukhang pinanood ang naging action ko. Naiwas naman ako ng tingin ng makita ang mapanuring tingin ni Zayche.

"Bakit mo nilapitan si Mr. Caile?" Tanong ni Chloe at mukha siyang nagtataka.

"Gusto ko lang naman makausap." Simpleng sagot ko at nginitian sila.

"Eh nakita ko umalis, nakapag usap na kayo? Ganon lang kabilis?" Tanong niya ulit, mukhang curious na curious.

"May meeting pa raw siya, mamaya pang three pm ang free time niya." Sagot ko sa kaniya kaya napatango tango siya.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon