-15-

406 12 0
                                    

..

Daniel

"Don't overreact, it's just a minor bleed." Aniya sa walang emosyong mukha at mukha parin talaga siyang galit dahil doon sa elevator.

Natahimik naman ako at napatango nang kaunti saka humarap ulit sa pintuan ng elevator. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina since grabe yung pasensya niya.

Ganito ba to lagi kapag nawawalan ng pasensya? Bigla bigla na lang nagiging bayolente?

Pagkarating namin sa top floor ay unang lumabas ang secretary ni sir Caile bago siya at huli naman ako. Again. Napatingin na naman ang mga empleyado ng kompanya sa amin nang lumabas si sir Caile sa elevator.

Nakakita pa ako nang nagbubulungan, wala naman mababakas na tunog dahil baka sa takot nila sa boss nila.

"Have a seat, I'll just treat my wound." Bungad ni sir Caile pagkapasok namin sa office niya.

Yung secretary naman niya ay nagpunta sa kabilang parte ng office room ng Director para kuhanin ang medical kit.

Ako naman ay napatango at napamasid masid pa sa office ni sir Caile, iba ito sa room na pinasukan ko nung interview, interview room of Director yata yun, eto kasing room na to nakahanay sa mga matataas na position ng mga engineers dito.

Sobrang linis ng room ni sir Caile na aakalain mong babae ang may ari nito. May mga buhay na halaman pa rito na mas ikinaganda.

"First things first, hindi lang isang araw ang ipupunta mo rito dahil marami kang ta-trabahuhin." Biglang nagsalita si sir Caile habang ginagamot nung secretary niya yung sugat niya sa kamao niya.

Agad naman akong napatingin sa kaniya pagka-upo ko, "Ha? Bakit po? Ano bang gagawin ko rito?" Tanong ko bigla.

Napataas kilay siya, "You just need to re-work some of my employees' work." Simpleng sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw ang may kasalanan bakit kumayat ang tinta ng ballpen ko sa pipirmahan ko." Sagot niya na ikinaawang ng labi ko.

"Bakit ako ang may kasalanan eh wala ako rito?" Naguguluhan ko paring tanong kasi ang labo niyang kausap.

"Ang dami mong tanong—— kasi ginugulo mo ang isip ko!" Bigla niyang singhal na ikinatigil ko at ng secretary niya.

Napakurap kurap ako habang nakatitig sa kaniya. Seryoso ba siya? Paano ko naman guguluhin ang isip niya eh wala nga ako rito?

"Iniisip mo ako?" Walang kwenta kong tanong na ikinaikot ng mata niya.

"Ang talino kong tao pero mabobobo ako kapag kausap ka." Simangot na saad nito na ikinanguso ko, "Don't worry about your hour, i'll pay you." Aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Talaga? Magkano? Mahal talent fee ko!" Masigla kong sambit nang marinig ang salitang "I'll pay you."

"Siguro naman sapat na sayo yung 5k per hour...?" Di sigurado niyang sagot na ikinanganga ko.

"Tot...totoo?? Parang ang laki yata? Kasi ang minimum work hour ngayon ay 8 hours and then eight multiply by five thousands equals to forty thousands a day? Ang taas yata? Ehh?" Pagkausap ko sa sarili ko habang cino-compute ang magiging sweldo ko.

"Mataas na ba yon? You're not my employee and this is a disturbance to you, so, that's all I can do to repay you for that." Saad niya na ikinangiwi ko.

Ganito ba mga mayayaman kapag alam nilang nakaka-istorbo sila ng ibang tao? Kung ganon pwedeng pwede akong istorbohin ano mang oras.

Malaki akong ngumiti, "Kung ganon, deal! Pwedeng pwede mo akong istorbohin anytime, but 5k per hour." Medyo natawa pa ako habang iniisip na makakahawak ako ng ganoon kalaking pera.

Napatingin naman si Caile sa secretary niya bago sa akin sabay tumikhim, "Your work won't be as easy as you think, kaya pumunta ka na agad dito para maasikaso mo na agad dahil tumatakbo ang oras." Sambit niya kaya energetic akong tumayo at may malaking ngiti sa labing lumapit sa kaniya.

"Alin ba riyan?" Tanong ko at inisod niya ang isang tambak na folder sa akin kaya napataas ang kilay ko, binuklat ko pa muna yung mga folder para malaman ko kung anong magagawa ko rito, "Ito na ba lahat?" Tanong ko sa kaniya na napatingin naman sa akin na may pagdududa sa mata.

"Yes, you need to submit that to me after three days." Aniya kaya napatango ako.

Umalis naman siya sa inuupuan niya at ako naman ang umupo roon para masimulan ko na ang gagawin ko. Kayang kaya kong tapusin ito ng isang araw lang pero hindi ng 8 hours ah? Bago pa ma-print lahat to.

Tatagalan ko parin kasi huy 5k per hour to!




Caile

Nakangisi ako habang nakatitig kay Daniel habang nagt trabaho siya sa harap ng computer ko. I don't care if he use my personal computer, It's better for him to work inside of my office.

I'm sitting at my couch here inside of my office. I don't have any work to do dahil officially it's my day off. Yes! I have my own day off!

"Caile, are you free tonight——"

"Hushhh!" I stopped Clyde from being so loud when he enter my office.

Tumaas ang kilay niya, "What?" Nakasimangot na tanong ni Clyde kaya nakangiti akong tumayo sa pagkaka-upo ko at lumapit sa kaniya.

"Someone's working, let's go outside." Bulong ko at nauna nang lumabas ng office, si Samuel naman ay kanina pa nasa table niya sa labas ng office ko at may ginagawa rin kasi siya.

"Who is it?" Tanong ni Clyde pagkalabas niya ng office ko.

"Just someone." Ngiting sagot ko at tumingin sa kaniya, "By the way, what about me being free tonight?" I asked him as I stop from walking, we're here at my mini lobby.

"I was about to ask you, I need someone to help me with my mansion." Sagot niya at tumabi sa akin para makita ang magandang view ng city.

"And I'm the perfect person for that." I cockily said receiving some disgusted face from him.

"You never failed to be full of yourself in a day, Caile." Aniya kaya natawa ako nang bahagya.

"I am just perfect, Clyde, you know that." I said and he just roll his eyes.

"Whatever! I'll just text you when I'm free tonight." Saad niya kaya napatingin ako sa kaniya na paalis na sana.

"I thought you're free, that's why you asked me." I'm confused.

He stopped from walking and look at me, "I never said I am."

Pagkasabi niya non ay walang pasabi siyang tumalikod at naglakad paalis. Napatitig ako sa likuran niya na hindi mababakasan na baliko itong kapatid ko.

Napabuntong hininga ako at natawa sa kaniya. He always been savage, like for real.

I look at the city view before walking back to my office to watch Daniel working his ass off with my employees works.

"What the fuck??"

______<15>______

[a/n: sorry if nagnotif na na-publish to kanina, I'm currently writing this chapter and then suddenly my Luna(my cat) walks on my phone and accidentally press the 'publish' button🤧 she's so stubborn.]

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon