CHAPTER 3

1.2K 48 1
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Tahimik lang akong naglalakad sa hallway. Wala naman masyadong nakiki-alam sakin ngayon.

Mamaya pa kasi.

Huling araw na namin ito ngayong first year. Ini-encourage nila papasukin ang lahat ng students kasi last day na.

Pagkapasok ko ay tahimik kong kinuha ang notes ko at nagbasa-basa.

I'm currently taking my course which is Education. Balak kong mag teacher sa high school. Ever since I was a kid, I used to tell my parents na when I grow up, I'll be a teacher.

Maayos akong napalaki ng magulang ko and I will always be forever thankful for that.

Sobrang ayos ko nga e.

Tumigil si mama sa pagiging lawyer para mabantayan at maalagaan ako. Ngayon ay nagtuturo si mama sa isang public school malapit sa bahay namin.

Maaga pa kaya ako pa lang mag-isa rito sa room namin. Matatapos na ang first year at tuwang-tuwa ako kasi na-survived ko siya.

Ewan ko na lang sa second year.

Busy ako magbasa ng notes ko ng pumasok si Celestine.

"Naks, mapagpanggap ka talaga best friend." usal nito at na-upo sa tabi ko.

"Mama mo." saad ko.

"Nasa Italy."

"Pake ko?"

"Nasa paa ko."

Yumuko ako para tingnan ang paa nito.

"Hindi ko naman pake yan." usal ko.

Inirapan ako nito. "Ewan ko sayo."

Sandali siyang nanahimik bago ulit magsalita. "Tara labas." pagaaya sakin.

"Ayoko nga. Itatakas mo na naman ako." usal ko.

"Oo, sa Italy kita dadalhin next time." ngumisi ito.

"Isumbong kita kay Tita Celine!"

"Oh darling, my mother would be so happy to see you." she said and smirked.

"Nyenyenyenye." wala na akong masabi.

Inirapan ako nito. "Tusukin ko dila mo eh."

"Gawa!"

Akmang tatayo ito ng inunahan ko siyang tumayo. "Joke lang e!"

Napasapo ito. "Gosh! Pano ba kita naging kaibigan?" alam kong naasar na siya.

"Nakikopya ka lang naman sakin noong nasa high school tayo. Feeling close ka pa nga nun e." saad ko.

Sinamaan na naman niya ako ng tingin. "Sige, subukan mo akong saktan, isusumbong kita kay Mommy Celine mo!" banta ko, inirapan lang ako ni bruha!

"Anong plano mo bukas?" she suddenly asked.

"Maghahanap ako ng trabaho." umupo ulit ako sa upuan ko.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now