CHAPTER 29

2.4K 61 8
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Nakarating kami sa hotel na pagmamay-ari ni Zamira ng 8:30 p.m at lahat kami ay pagod sa biyahe kaka-upo. Nag i-stretching ang iba naming kasama. Nandito kami ngayon sa entrance at halos lahat ng mga kasama namin ay kaibigan ko at mga kaibigan niya.

Ang ibang relatives daw nila Zamira ay nasa kaniya-kaniya nilang room at nagpapahinga. Bukas ng gabi kasi gaganapin ang family gathering.

Nasa counter ngayon si Zamira at kausap ang receptionist nitong hotel niya. Kitang-kita mo kung gaano siya nire-respeto ng mga employees niya rito sa hotel.

"Is the VIP room already clean?" Zamira asked one of the receptionist.

"Yes, mademoiselle." the girl answered Zamira.

Tumango naman ang girlfriend ko. Tumalikod na siya at naglakad na papalapit samin. Bawat lakad na ginagawa niya ay nakaka-intimidate. Ang tangkad tapos tumutumog pa sa marble floor ang stilettos niya.

"Nasobrahan ka sa ganda pero nakulangan ka sa height." nilingon ko si Celestine na nagsalita. Halatang ako ang pinaparinggan kasi nakatingin siya sa'kin at malokong nakangiti.

"Celestine." tawag sa kaniyan ni Penelope, dahilan para mapanguso ang kaibigan ko.

Buti nga sa'yo!

Pero teka nga?!

Kunot-noong tiningnan ko ang kaibigan ko pati si Penelope. Umiwas lang ng tingin itong kaibigan ko na ang sarap ipasok sa malaking maleta ng girlfriend ko.

"Mag-usap tayo mamaya." saad ko at pinanliitan siya ng mata. Nginusuan lang ako ni bruha.

"Serise," I looked at Zamira who called me. "Let's go." pag-aaya niya sa'kin.

"Hoy teka lang, san kwarto namin?!" habol na tanong ni Fleur ng hilahin ako ni Zamira paalis.

Zamira raised her one eyebrow on Fleur. "I'm not the receptionist." masungit na sagot ni Zamira.

Napairap naman si Fleur. "Ikaw kaya may-ari nito."

"You heard yourself. I'm the owner, not the receptionist."

Napasimangot naman si Fleur.

"I'll take care of them ate. Magpahinga na kayo ni Serise." saad ni Zanaya.

Ako lang ba?! Nakangisi siya samin ni Zamira.

"Oh bat nakatayo pa kayo? Alis na!" pagtataboy samin ni Sereida.

Inirapan namin siya ni Zamira. Hinila na ako paalis nitong Zamicorn ko. Pumasok kami sa elevator.

"Zamicorn, san si mama?" tanong ko. Na-una kasi siyang pumasok dito kanina na tapos hindi ko na siya nakita simula noong makapasok na ako rito.

"She's talking to someone. You'll meet them later." sagot ni Zamira.

"Akin na nga ibang maleta, bigat niyan eh." saad ko.

"Don't you dare. I can handle this." pagtataray niya.

Napanguso na lang ako. Lumabas kami ng elevator at nalaglag ang panga ko sa tumambad sa'kin.

Mukhang palasyo!

Kaya pala ang daming elevator sa baba kasi kapag sumakay ka ay dederetso ka mismo sa kwarto mo rito sa hotel.

Amazing!

"Like what you see?" she sarcastically aaked and I nodded.

"Palasyo na 'to." usal ko.

Ang ganda ng kwarto. Hindi ako marunong mag describe ng mga gamit pero lahat sila mukhang mamahalin. Ang gara naman nito. Alam ko rin na one of the VIP rooms itong kwarto namin ni Zamira.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now