CHAPTER 7

3.2K 79 7
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

1 month have passed at napilit ako ni Celestine na lumipat sa S.N.U.

Wala na akong nagawa dahil pumayag na rin ang scholarship sponsor ko na hindi ko kilala kung sino. She just sent me a message na pumayag siya na sa S.N.U ako lumipat.

Hindi na rin naman na ako tumanggi. Ayoko na rin sa F.N.U dahil sa mga bully doon. Sana naman ay walang bully sa S.N.U dahil hindi ko na alam kung keri ko pa magtimpi.

Nasa room kami ngayon ni Celestine, dalawa lang kaming bagong transferre pero hindi ko alam kung bakit tinititigan ako ng mga estudyante rito.

Crush nila siguro ako.

Who wouldn't? I'm pretty kaya, char!

Balita ko rin na bago ang owner ng S.N.U dahil hindi raw pumayag ang susunod sana na may-ari nito kaya ayon, ibenenta nila.

Maganda rito sa S.N.U, malawak at napakaganda ng mga classroom. May limang cafeteria at walong building na may tigsa-sampung floor. Imagine, nasa building eight ka tapos nasa 10th floor pa ang room mo.

Pero hindi na rin naman na yun problema kasi may elevator at escalator dito.

Nagmumukhang mall amputa.

Maganda rin naman sa F.N.U, one of the famous university iyon rito sa pilipinas, pangalawa sa list dahil S.N.U ang una.

First day namin ngayon sa S.N.U para sa second year, first semester namin sa education.

"Gago teh, sikat na sikat yung mag-asawa sa concert ni Zanaya noong nakaraang buwan!" tili ni Celestine at tuwang-tuwa na ipinakita sakin ang larawan ng mag-asawa.

"Yung Kavirah Virelle raw dapat ang susunod na owner nitong S.N.U pero hindi siya pumayag kaya ibenenta na lang." chismosang saad ni Celestine.

"And guess what? Magiging professor natin ang asawa niya, omg!" dugtong ni Celestine.

"Avirah Virelle?" paglilinaw ko.

Celestine nodded. "Yup!" she said, popping the letter p.

Napaayos kami ng upo ng pumasok ang pamilyar na magandang mukha ng babae.

"Good morning everyone, I'm Professor Avirah Virelle and you can call me whatever you want." she said and smiled.

Kahit na nakangiti ay hindi mawawala ang intimidating aura niya. Her brown eyes screams authority.

Mukhang nanggigisa ng studyante mga bakla!

"I want you all to introduce yourself in a funny way." she said at kumuha ng whiteboard marker at nagsulat sa whiteboard.

Professor Avirah Hidalgo Virelle.

"For example, I'm Avirah Virelle, a queen of sarcasm, expert at dodging love, and professional over-thinker. My heart's a no-entry zone, but my twins? They're my soft spot-unless they ask me to cook, then it's a hard pass." she said that made us all laughed.

"Example lang 'yan!" saad niya ulit at natawa sa sariling sinabi.

"Okay, let's start from Abarquez, Livia Amber." she said while smiling.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now