AMISELLE SERISE AVELLANO
"Miss Vargaz, iyong pinapagawa niyo po palang gawain kailan po ipapasa?" magalang tanong ko kay Professor Chrysheighn Dianne Vargaz matapos niyang i-set up ang gamit niya sa harap.
Mukha siyang mangangain ng tao ngayon.
"Tomorrow." she flatly answered.
I pouted and just nodded. She looked at me pero saglit lang iyon bago niya ibinalik ang tingin sa table niya.
Lahat kami ay napalingon ng may kumatok sa pintuan. "Good morning Professor Vargaz, may announcement lang po." saad ni Amethyst na siyang kumatok sa pintuan namin.
"Okay, come in." saad ng propesora.
Ngumiti si Amethyst sa propesora bago pumasok ng tuluyan sa room namin. Nagsalubong ang mga mata namin at nginitian niya ako na tinaasan ko naman ng kilay at inirapan siya. Napanguso na lang siya.
"Announcement lang po regarding sa Santana Grand Ball. Magaganap po ito sa susunod na buwan," saad ni Amethyst at huminto para huminga.
"Magaganap din ang Santana Sports Fest sa susunod na week. Sa mga athlete rito ay pumunta po mamaya sa field dahil may announcement para sa inyo. Sa mga gusto pong sumali sa clubs ay pumunta po sa Santana Northeast University Executive Board Office para sa mga clubs na available at pwedeng salihan. Inaasahan ko po na makikita ko kayo mamaya. Thank you po!" saad ni Amethyst at ngumiti samin.
Humarap siya kay Professor Vargaz na naka-cross arms at tahimik lang din na nakikinig kanina. "Thank you po Miss Vargaz," ngiting saad ni Amethyst sa propesora na tinanguan naman nung isa.
Pagkalabas ni Amethyst ay tsaka na bumalik sa pagtuturo si Professor Vargaz.
"Critically evaluate the limitations of traditional assessment methods in measuring learners' proficiency in the macro skills, and propose alternative strategies that ensure authentic and holistic language assessment." saad ni Professor Vargaz kaya naman sandali akong napa-isip.
Ng may maisip na akong sagot ay nagtaas na ako ng kamay, nakataas din ang kamay ni Celestine at Kaia para sumagot.
"Miss Avellano, what's your answer?" pagtawag niya sa'kin kaya naman napangiti ako at tumayo para sumagot.
"Traditional assessment methods often fail to accurately measure macro skill proficiency because they focus on isolated skills and do not reflect real-world language use. These methods, such as multiple-choice tests or grammar-focused tasks, overlook the integration of listening, speaking, reading, and writing in authentic communication. To address this, teachers can adopt alternative strategies like performance-based assessments, portfolios, and task-based activities that simulate real-life contexts and encourage holistic language use. These approaches not only evaluate language proficiency more authentically but also promote deeper learning and meaningful engagement with language." mahabang saad ko.
Para akong mauubusan ng hangin sa katawan ko. Jusko!
Napatango naman ang propesora sa sagot ko. "Good answer, please take your sit." saad ni Professor Vargaz kaya naman na-upo na ako.
Professor Vargaz cleared her throat before talking. "Get one half sheet of paper, we will be having our quiz."
Kaagad ako napasimangot pero kumuha naman na ako ng one half paper.
