THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Zanaya."
Galit na lumingon ang dalagang si Zanaya sa tumawag sa kaniya. Kakatapos niya lang patayin lahat itong mga walang kwentang pulis na pumipigil sa kaniya na makapasok sa loob upang matulungan ang iba pa sa loob ng hotel ng ate Zamira niya. Alam din ni Zanaya na hindi totoong pulis ang mga ito at kasabwat sila ng mga kalaban nila.
Kaagad na nawala ang galit sa mga mata ni Zanaya ng makita ang mga bagong dating at alam niyang tutulungan sila nito.
"Chill you kiddo. You seriously killed them all?" the woman named Kavirah Virelle asked Zanaya.
"They're all useless." Zanaya said that made the woman chuckled.
"Zanaya, nanganganib ang buhay ni Zamira sa taas!" tumatakbong saad ni Tavira sa dalaga.
Si Tavira ang nag-iisang pinsan ni Professor Chrysheighn Dianne Vargaz sa mother side nito. May koneksyon sila sa mga Virelle lalo pa't malaki ang utang na loob nila rito lalo na kay Kavirah Virelle na tumulong sa mga Vargaz upang maibangon muli ang kanilang kumpanya.
Habang si Yzamira Salazar naman ay ang nawawalang kapatid ni Kassia Emerald Virelle. Bata pa lamang silang dalawa ay maagang nawalay si Yzamira sa tunay niyang mga magulang at inampon ng mga Salazar ngunit pinahirapan lang siya doon.
Ngayon lang din iyon nalaman ni Kavirah dahil pinaki-usapan siya ng nanay niyang si Kassia na i-uwi ng buhay si Yzamira dahil gustong-gusto niyang makita ang kapatid.
Sa katunayan pa nga ay gusto nitong tumulong ngunit nasa Russia ito kasama ang asawa niyang si Heather Katrice Virelle dahil sa business meeting nila.
Sa madaling salita, pinsan ni Kavirah ang tatlong anak ni Yzamira Salazar.
"I want to go back to Pasay already." inis na saad ni Zanaya.
"You can leave now, I'll handle this." saad ni Kavirah na inaayos ang baril.
Kasama niya ngayon ang mga kaibigan niya. Hindi maipagkakaila na nakakatakot ang dala nilang aura ngayon. Kahit ang mga lokong kaibigan ni Kavirah, ngayon ay seryosong-seryoso na tila ba sabik na silang makipag-away.
"I heard that my daughter is also here." saad ni Kamara Ember at ang anak na tinutukoy niya ay si Kashira Aeris Ferro—si Hira.
"Lagot na naman kayong dalawa kay Ishara niyan." birong saad ni Zahara sa kaibigan niyang si Kamara na mukhang problemado ngayon.
"What happened to you, Tavira?" Kaviah asked Tavi.
"I'm worried about Chrysheighn...."
"Worry no more, we're going now. I need you to secure this place with them." Kavirah said, eyeing the others.
Tinititigan niya ngayon si Ythara at Ythana Ravis na pinsan nila Zamira sa father side. Oo, sa father side. Pero hindi Ravis ang apelyido ng mga ito dahil ayaw ni Yzamira makuha ng mga anak niya ang apelyido ng walang kwentang ama nila.
"That two can help you. Knowing Ythara and Ythana, they're kinda...nakakatakot." napangiwi si Kavirah sa sinabi niya.
Maloko man ang dalawang magkapatid na Ravis ay kilala sila ni Kavirah. Nakilala na niya ang mga ito at nakita na niya kung ano ang kayang gawin ng mga ito.
"Nasan ang ibang tauhan ninyo?" antok na tanong ni Ezrah Kyrith Saldivar kay Tavira.
"They're all dead..." Tavira said and sighed.
Kita ang mga galos sa katawan ng dalaga. Kita rin ang pagod sa maganda niyang mukha.
"We should get going. What happened to the bombs? Hindi ba dapat ay kanina pa sumabog ang mga iyon?" tanong ni Valora Amor Laurier.
