CHAPTER 48

1.6K 28 1
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Year 2013.

Akala ng lahat ay magiging maayos na ang lahat. Akala nila ay wala nang mangyayari pang masama lalo na sa dalawang bata.

Ngunit dumating ang isang araw, napuno na naman ng takot si Serine at Yzamira ng muling mawala ang dalawang bata. Muling nawawala si Zamira at Serise.

Ng araw na rin iyon ang alis nila Yzamira papuntang Greece kung saan muna sila maninirahan upang maging ligtas ang mga anak niya. Upang maging ligtas sila.

Ngunit tila ba pinaglalaruan sila ng tadhana. Muli na namang nabalot ng takot at lungkot ang pamilya ng dalawang bata.

Ngayon, hindi na nila alam kung saan sila hahanapin.

Pero hindi para kay Amiro.

Nakatanggap ito ng text message galing sa isang unknown number pero malakas ang kutob niyang isang tao lang iyon.

+639*******75
Hulaan mo kung nasan ang mga bata.

+639*******75
Magaling ka diba? Hanapin mo kung nasan ako.

+639*******75
Magsisi ka na naki alam ka pa sa mga plano ko, Amiro. Anak mo ang magdudusa para sayo.

Humigpit ang hawak ni Amiro sa cellphone niya. Kumuyom ang mga kamao nito, nagpupuyos siya sa galit.

Bakit kailangang madamay ng dalawang bata kung siya lang naman ang kailangan ni Ysmael?

Ano bang kailangan ni Ysmael kay Amiro?

****

"Your father is good at solving cases like he was some sort of superhero." saad ni Ysmael habang deretsong nakatitig kay Serise, nakangisi ito

Samantala, ang tatlong kasama ni Ysmael na tauhan niya ay inihahanda ang mga syringe at mga dosage.

Ito na naman sila.

"Stop!" napalingon si Serise sa kabilang banda ng kama. Nasa tabi niya si Zamira. Hindi maigalaw ni Serise ang kaniyang mga katawan.

"No....please!" paki-usap ni Zamira.

"Don't!" nagpupumiglas si Zamira kahit nakatali na siya.

"Didn't I tell you that you have no right to disobey me?!" galit na sigaw ni Ysmael sa anak niya na nagpupumiglas pa rin. Nagkasugat na nga ang pulsuhan ni Zamira dahil sa higpit ng pagkakatali niya.

"Father....let us go please!" paki-usap na naman ni Zamira.

Sa katunayan, hindi siya nag aalala para sa sarili niya. Nag aalala siya para kay Serise na ngayon ay nakatitig lang kay Zamira at umiiyak.

"No! Not until nakuha ko na ang kailangan ko." ngising saad ni Ysmael.

"Dad please... don't involve Amiselle into this...." nanghihinang usal ni Zamira. "Not again please..." pabulong na dugtong niya.

"Why would I listen to you? You're just my creation, Zamira! Always remember that!" dahil sa galit ay pasigaw niya iyong sinabi kay Zamira.

"Father, I'm begging you!" paki-usap muli ng bata kahit alam niyang hindi makikinig sa kaniya ang ama.

Bata pa sila ni Serise, dapat ay naglalaro pa lang sila at nag-aaral.

Wala dapat sila rito.

Ang bata pa nila para maghirap ng ganito. Gusto na nilang umuwi.

Gusto na lang na mamatay ni Zamira pero dahil kay Serise ay patuloy pa rin siyang lumalaban.

She will marry Serise.

"No please, Amiselle!"

Malakas na sigaw ni Zamira at lalong nagpumiglas sa pagkakatali.

Lumapit si Ysmael kay Serise upang turukan ng Nemesis Loop. Isang breakpoint loop serum na nagkukulong sa isang tao sa paulit-ulit na mga trauma at mga maling impormasyon na ang mismong utak niya ang gumagawa. Si Ysmael mismo ang gumawa nito.

Ito rin ang dahilan kung bakit mga maling impormasyon ang na-aalala ni Serise tungkol sa pagkamatay ni Amiro. Mga maling impormasyon na ang utak niya mismo ang gumawa upang makalimutan ang mga totoong nangyari.

Nahihirapan man si Serise sa pagsasalita ay pinilit niyang tawagin si Zamira.

"Yzariah--"

"Tingnan natin kung maligtas ka niya." matapos sabihin iyon ni Ysmael ay tuluyan na niyang itinurok ang serum sa katawan ni Serise.

"Amiselle!!!" pagtawag ni Zamira. Nanghihina na siya, wala siyang magawa kundi ang panoorin si Serise na tuluyan nang nawalan ng malay.

"Shut your annoying mouth, Zamira!" sigaw ni Ysmael at dahil doon ay malakas niyang sinikmuraan si Zamira at nawalan naman ng malay ang isa.

"Master, ituturok na po ba namin 'to?" tanong ng isa sa tatlong lalake.

"Make sure to record everything. Put it in a folder." saad ni Ysmael bago ngumisi.

Noong nasa asylum kasi sila ay hindi pa iyon ang pinaka proyekto na ginagawa ni Ysmael. Dosage testing pa lamang iyon at ang bawat mga dosage na itinuturok nila sa tatlo noon ay hindi nagtatagal ang epekto kahit gaano pa ito kalakas.

Iginugol ni Ysmael ang mga araw niya upang gumawa ng mga bagong dosage at pag-aralan ang mga ito.

Nais niyang maging sikat ang proyekto niya sa larangan ng agham.

Ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Ysmael ay dahil sa ama niya. Gusto niyang burahin ang mga memorya ng ama niya. Gusto niyang maging bagong tao ito dahil umaasa siyang kapag naging bagong tao ang ama niya ay ta-tratuhin na siya nito ng tama.

Oo, ang ama ni Ysmael ang dahilan ng mga ito.

Project Mnemosyne was secretly created with one goal: to control, erase, and reprogram human memory and identity.

He thought that if he could erase painful or dangerous memories, or rebuild a person's identity from nothing, they could create the perfect human being: a mind that obeys without question, a heart that feels only what they are told to feel, and a life designed by someone else's hands.

Ang Project Mnemosyne ay ginawa upang mabago ang isang tao, upang makalimutan ang lahat ng mga memorya ng isang tao na nagre-resulta ng pagiging isang bagong tao.

Paano? Sa pamamagitan ng mga eksperimento at mga espesyal na dosage na nilikha mismo ni Ysmael, a dosage that is powerful enough to sever the ties of memory but preserve the body's strength and skill.

Bagong tao na wala nang maaalala mula sa kaniyang nakaraan, bagkus ay magiging sunud-sunuran na lamang sa mga taong humubog sa kaniya.

Deep beneath the surface, however, Project Mnemosyne had a darker ambition: to prove that even the human soul could be shattered, rewritten, and controlled — a terrifying conquest over not just the body, but the mind and spirit.

_______________________________
@imgood4you

The Shattered Memories Where stories live. Discover now