THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"You can never be happy in this life."
Year 2010.
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni Serine habang taimtim na nagdadasal para sa anak niyang si Amiselle Serise.
Nawawala kasi ito at tatlong araw nang hinahanap. Halos malibot na ng mga pulis ang buong manila para lamang sa bata ngunit wala silang nakita kahit anino manlang.
"Kapag may masamang nangyari sa anak ko, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko." saad ni Amiro na kahit siya ay umiiyak na rin.
Sakitin din kasi ang anak nila ni Serine. Doble-doble ang ginagawa nilang pag iingat sa anak nila.
"Find our daughter please..." paki-usap ni Serine sa asawa.
"Ibabalik ko siya, pangako."
****
"Zamira!" matinis na sigaw ni Ysmael.
Tumatakbo si Zamira sa mga matataas na damo. Puno siya ng sugat, galos at mga pasa.
Muli na naman kasi siyang dinala sa asylum ng sarili niyang ama. Ginagawa siyang guinea pig ng mga doctor sa loob ng asylum.
"I will kill your mother kapag hindi ka pa lumapit sa'kin!" sigaw na naman ni Ysmael. Natigil naman si Zamira sa pagtakbo.
Simula ng una siyang kuhain ni Ysmael sa mansion ay dito na siya dinadala. Mga kung ano-anong experiment ang ginagawa sa bata.
Gustuhin niya mang magsabi sa mommy niya ngunit hindi pwede at ayaw niya.
Ayaw na niyang bigyan pa ng problema ang mommy Yzamira niya. Ayaw na niyang makita na nasasaktan ang mommy niya.
Ayaw mang bumalik ni Zamira sa loob dahil alam niyang sasaktan na naman siya ngunit mas lalong ayaw niya na mamatay ang mommy niya.
Gusto ni Zamira na maranasan ng mommy niya ang mahalin ng totoo at maging malaya.
"Good girl," puri ni Ysmael sa bata ng si Zamira na mismo ang lumapit sa lalake.
"F-father please....d-don't hurt mommy..." paki-usap ng bata sa ama.
Mala-demonyo namang ngumiti ang lalake. Alam niya na mahal na mahal ng bata ang ina niya.
"I will. Promise." sagot ni Ysmael sa bata.
Liar. Sa isip ni Zamira.
Tuluyan na ngang naibalik sa loob si Zamira. Wala na siyang magagawa.
Sasaktan na naman siya ng mga tao sa loob ng asylum.
"LET ME GO!" isang matinis na sigaw na naman ang narinig ng mga tao sa asylum galing sa ROOM 03.
Muli na naman kasi nilang ginagalaw ang dalaga.
"Karaeth..." bulong ni Zamira.
Nagpumiglas ang bata mula sa ama. Sa gulat ng lalake ay nabitawan niya kaagad ang bata.
Patakbong lumapit si Zamira sa ROOM 03 at doon niya nakita ang dalaga na si Karaeth. Nakagapos ang dalawang kamay sa headboard ng higaan niya. Maging ang mga paa niya ay nakagapos din. Kinukuryente nila ng dalaga.
"Karaeth....." umiiyak na sambit ni Zamira. Napapikit siya at tinakpan ang mga tainga ng malakas na sumigaw ang dalaga sa sobrang sakit.
Huling nakita ni Zamira ang pangingisay ng katawan ng dalaga bago siya hilahin ng ama niya.
