CHAPTER 17

2.7K 61 0
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Nakatulala lang ako sa kisame ko habang malalim ang iniisip. Hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko na magiging tutor ako ni Zaniya at ang mas nakakagulat pa ay tatlo sila.

Oo, tatlo ang tuturuan ko at hindi ko pa kilala ang dalawa! Akala ko nga ay si Zaniya lang pero nagulat ako ng sabihin ni Professor Salazar na tatlo sila. Sabi niya rin ay mga kaibigan sila ni Zaniya kaya wag daw akong mag-alala.

Malalim akong bumuntong hininga bago tamad na umupo sa kama ko. Ang schedule ko ay monday to sunday pa! Hindi naman na ako nagreklamo dahil ang laki ng sahod ko at ang kapal naman ng mukha ko para tumanggi. Limang oras ko silang tuturuan. May klase pa ako ng umaga simula alas syete hanggang alas singko ng hapon. Expected ko nang gabi ako makakauwi. Hindi ko pa nakakausap si mama tungkol dito.

Kahapon kasi pagka-uwi ko ay wala pa ito sa bahay. Hindi ko na rin siya nahintay dahil nakatulog ako sa pagod. Tuesday bukas at bukas na rin ako magsisimula sa bahay nila Professor Salazar.

No, a palace indeed.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas ng kwarto ko. Alas otso na ng gabi at paniguradong pauwi na si mama. Kakausapin ko siya ngayon, sakto at nahihirapan na naman akong makatulog ngayon. Pagkababa ko ay siya ring pagbukas ng pintuan at iniluwa nito ang mama ko.

"Oh, gising ka pa?" tanong ni mama ng makita ako.

Ngumiwi ako. "Hindi ma, tulog ako." sagot ko kaya naman masama akong tiningnan ni mama at inirapan.

Lumapit ako sa kaniya para magmano. Matapos kong magmano ay na-upo ako sa sofa at hinihintay si mama na maka-upo rin sa tabi ko. Inilapag niya ang bitbit niyang bag at mga papel bago ako tingnan na may pagtataka. Umupo siya sa tabi ko. "Bakit?" tanong niya.

"San ka galing ma?" tanong ko sa kaniya imbes na sagutin ang tanong niya. "Ako unang nagtanong." saad ni mama at inirapan ako.

Inirapan ko rin siya. Napapitlag ako ng bigla niya akong kurutin sa tagiliran ko. "Aray ko ma!" daing ko habang hinihimas ang kinurutan ng magaling kong nanay.

Tumawa lang ito. "Bakit nga kasi? May sasabihin ka?" tanong ulit niya at umayos sa pagkaka-upo.

Masama ang tingin ko sa kaniya habang tumatango. "Wag ma, ayoko na magsabi." saad ko na ikinatawa niya lalo.

Kita mo 'tong nanay ko, ang sarap isako!

"Ano nga kasi?" pangungulit ng magaling kong ina. Inirapan ko lang siya. Akala niya ha! Ang sakit kaya ng kurot niya.

"Amiselle Serise, ano nga? Isa, kukurutin ulit kita!" saad ni mama na natatawa pa rin sa reaksyon ko. Ang sakit kaya niyang mangurot.

"Bahala ka riyan ma, akala mo hindi 'yon masakit?" saad ko at tila naiiyak. Pakiramdam ko nakabaon pa rin sa'kin iyong kuko ng magaling kong ina. Dahil sa sinabi ko ay lalo itong natawa.

"Magsabi ka na kasi, para ka namang buang diyan nak." saad ni mama kaya lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

Umayos na ulit ako sa pagkaka-upo bago muling magsalita. "Eh kasi ma, may nag offer sa'kin ng trabaho bilang tutor tapos monday to sunday." seryoso nang saad ko.

"Wow, serious mode na tayo rito nak?" biro na naman ng ina ko kaya inirapan ko na naman siya. Nanay ko talaga, puro kalokohan!

"Ma naman eh!" napipikon kong saad kaya naman natawa ulit siya. Ng mapansin niyang masama na naman ang titig ko sa kaniya ay umayos ito bago magsalita ulit.

"Oh tapos? Tinanggap mo?" tanong ni mama kaya naman tumango ako. "Magkano sahod mo?" tanong niya ulit.

"50."

The Shattered Memories Where stories live. Discover now