CHAPTER 46

1.6K 43 0
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Yzariah!" pagtawag ni Serise kay Zamira ng makita niya itong pumasok sa hospital room niya.

Gabi na noon, sandaling umuwi sila Amiro at Serine dahil may kailangan silang gawin tungkol sa kaso ni Ysmael. May mga pulis na nakabantay sa labas ng kwarto ni Serise habang si Luigi at Caleb naman ang nagbabantay kay Zamira.

Si Karaeth naman ay sinundo ng mga Virelle. Sila na raw ang bahala sa isa.

"Amiselle, how are you feeling?" tanong kaagad ni Zamira ng makalapit sa kama ng bata. Naka-upo ito habang yakap-yakap ang Pikachu niya.

"Okay lang ako, ikaw?" ngusong tanong ni Zamira.

"I'm okay and my mom is coming here." saad ni Zamira at ngumiti sa isa.

"I'll introduce you to my mommy," ngiting dugtong ni Zamira. Bigla namang namula ang pisnge ng isa.

"Talaga? Edi makakakita na naman ako ng isang dyosa?" usal ni Serise at humagikgik.

Na-kwento kasi sa kaniya ni Zamira ang mommy Yzamira niya noong nasa asylum pa sila.

Zamira nodded her head.

"Makukulong ba 'yong kapre?" pagtukoy ni Serise kay Ysmael.

Ngumiti si Zamira bago siya tumango. "Yes, he will pay for what he did to us."

"Yzariah, iiwan mo na ba ako?" biglaang tanong ni Serise, malungkot ang bata.

"A-Amiselle..." tawag ni Zamira, nagulat siya sa itinanong ng isa.

"Aalis ka na ba?" tanong ulit ni Serise sa isa.

Napayuko naman si Zamira dahil aalis nga ito sa susunod na buwan. Kailangan nilang pumunta sa Germany upang makalayo sa mga mafia na noon ay hinahanap si Zamira.

"I...I need to..." bulong ni Zamira habang nakayuko. Marahan naman itong nag-angat ng ulo ng marinig niya ang mahihinang hikbi ng isa.

"B-babalik k-ka ba?" umiiyak na tanong Serise.

Kaagad namang lumapit sa kaniya si Zamira upang yakapin at halikan sa noo.

Zamira's love language.

"B-bakit k-kasi aalis?" tanong na naman ni Serise.

Alam na ni Zamira ang dahilan. Ayaw niyang sabihin kay Serise dahil alam niyang mag-aalala ito para sa kaniya.

"B-because I need to..." tanging naisagot ni Zamira.

Hindi naman na nagtanong pa si Serise ng kung ano-ano pa. Nanatili silang nakayakap sa isa't-isa habang umiiyak si Serise. Puro pagpapatahan naman ang ginagawa ng isa.

Gustuhin mang hindi umalis ni Zamira ng bansa ay hindi pwede. Gusto niyang manatili sa Pilipinas at makasama pa si Serise pero alam din niyang nanganganib pa ang buhay niya dahil nasa Pilipinas pa si Ysmael at patuloy pang pinaghahahanap.

Habang si Yzamira ay mabilis nagdesisyon at gumawa ng plano ng malaman niya ang mga pinag gagagawa ni Ysmael kay Zamira.

Hindi masusukat ng kahit ano ang galit na nararamdaman ni Yzamira. Handa na siyang sumugal para sa mga anak niya na sana ay noon niya pa ginawa.

Puno ng pagsisisi si Yzamira dahil ngayon lang siya nagkalakas ng loob kung kailan may nangyari na sa anak niya. Pero alam din ni Yzamira na hindi ito ang panahon upang umiyak.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now