AMISELLE SERISE AVELLANO
"Avellano." dinig kong tawag ni Professor Salazar sakin.
"Yes miss?" tugon ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Kakatapos lang namin mag-quiz sa dalawa niyang subject.
"Come with me, I need your help." deretsong saad niya at nauna nang lumabas.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang pinanood na maglakad palayo ang propesora.
"Let's pray guys." saad ni Sereida at nginisihan ako.
"Rest in peace." gatong ni Kaia at ngumiti na tila isa siyang inosenteng anghel.
"Gago, masusunog 'yan!" tili ni Celestine.
Nakanguso ko silang tiningnan ng masama.
"Avellano!" dinig kong sigaw ni Professor Salazar sa labas ng room namin, masama ang tingin sa gawi ko.
Akala ko ba wala na 'to? Sa bagay, hinihintay niya ang magandang si ako!
Nakangiti kong isinukbit ang bag ko at malawak ang ngiting nagpa-alam sa mga kaibigan ko dahil uwian naman na.
Na-aalala niyo ba ang sinabi kong mababait ang mga Professors namin? Pwes ngayon, binabawi ko na!
Si Professor Virelle, Professor Villar, Professor Lucero, Professor Vargaz at Professor Maeves lang ang mabait!
Si Professor Salazar ay nuknukan ng sama ng ugali! Lagi niya kaming ginigisa sa recitation. Palaging may quiz sa kaniya!
Pero maganda pa rin si Miss Ma'am ko.
Tahimik lang akong nakasunod sa propesora, ini-enjoy ang view sa harap ko.
Hihihi, kahit likod ang ganda.
She used her fingerprint to open the door of her office. Pang-ilang beses ko na rito sa office niya e. Sarap tumambay kasi malamig.
Office niya lang din naman ang nandito kaya tahimik talaga rito.
"Are you just going stand there, Avellano?" iritadong tanong niya sakin ng makapasok kami sa loob ng office niya.
Wala siya sa mood ngayon e.
Nakangiti akong umiling sa kaniya at na-upo sa sahig.
Masama ang tingin niya sakin. "Stupid ka! Sit over there, goodness!" saad niya na tila naubos ko ang pang-sampung katao niyang pasensya at itinuro ang upuan.
Nakangiti pa rin ako habang tumatayo. Na-upo ako sa upuan na nasa tapat ng malawak niyang lamesa.
Ang ganda ng office ni Professor Salazar.
"I want you to check this papers." saad niya. "Do you have your work today?" she asked, scanning me using her attractive green eyes.
Ngumiti ako ng malawak. "Wala po miss, sabi ni Miss Cia ay day off ko ngayon kahit hindi naman talaga." saad ko at ngumuso pagkatapos.
Next friday pa ang day off ko at sahod ko na rin pala! Yeheyyy!
"Good, stay here until seven in the evening." saad niya.
Nanlaki ang mata ko.
"Miss?" tawag ko na hindi makapaniwala sa isa.
Umarko ang perpekto niyang kilay. "What? I need your help checking those papers." tila inosenteng saad niya at itinuro ang sandamakmak na mga papel sa table niya.
Grabe! Ang kapal.
Ng mukha ni Miss.
Char.
Sinimangutan ko si Miss. "Ang kapal." banggit ko.
